Katarungan para sa mga katutubo ng Bugsuk

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 80,116 total reads

Mga Kapanalig, may panawagan si Ka Jomly Callon, lider ng tribong Molbog mula sa Bugsuk Island sa bayan ng Balabac sa Palawan: “Ang kalaban po namin dambuhala, e kami po, mga katutubo lang. Sana po maging patas po ang gobyerno para sa amin.”

Itinuturing ang ilang bahagi ng Bugsuk na lupaing ninuno o ancestral land ng mga katutubong Molbog at Pala’wan. Noong panahon ng Martial Law, inumpisahan ni Eduardo “Danding” Cojuangco, isang crony ng diktador na si Pangulong Ferdinand Marcos, at ng ilang kaibigan at kasosyo ang ilang negosyo sa Bugsuk Island. Nariyan ang Jewelmer, isang pearl farm. Libu-libong residente ang ini-relocate sa ibang barangay ng Balabac. Pinagbawalan din silang mangisda sa kanilang mga tradisyonal na lugar-pangisdaan.

Dahil dito, itinatag ng mga katutubo ang grupong Sambilog upang sama-samang ipaglaban ang kanilang mga karapatan laban sa pang-aabuso ng korporasyon. Nang mangyari ang People Power Revolution noong 1986, inilunsad nila ang Balik-Bugsuk Movement. Sa pamamagitan ng Presidential Commission on Good Government, nagkaroon ng mga pagdinig laban kay Cojuanco at kanyang mga kasosyo at natulungan ang mga katutubo at residenteng makabalik sa kanilang mga tirahan.

Gayunpaman, nagpatuloy ang operasyon ng korporasyon sa Bugsuk. Noong 2005, nagpasá pa ang Balabac LGU ng ordinansang itinatalaga ang kanilang municipal waters na “protected eco-region” upang ipinagbawal ang pangingisda. Pero pinahintulutan naman ng ordinansa ang pearl farm. Ayon sa mga katutubo, hindi dumaan sa tamang proseso ang pagpapasá sa ordinansa. Ayon sa Palawan NGO Network, nagkulang ang LGU at mga ahensya ng gobyerno na bigyan ng sapat na impormasyon at pagkakataong makalahok sa pagpapasá ng ordinansa ang mga residente at katutubo.

Naka-pending mula pa noong 2005 sa National Commission on Inidgenous Peoples ang aplikasyon ng mga katutubo para sa kanilang Certificate of Ancestral Domain Title. Dagdag-pahirap din sa kanila ang pagkakatanggal kamakailan ng kanilang lupa sa Comprehensive Agrarian Reform Program. Sa madaling sabi, nagkakagulo ngayon pagdating sa pagmamay-ari ng lupain sa isla. Lumalâ pa ang sitwasyon doon nang sumugod ang mga armadong lalaki noong Hunyo para paalisin ang mga residente. Ayon sa mga katutubo, mga tauhan ito ng Bricktree Properties, isang subsidiary ng San Miguel Corporation, na may itinatayong tourism area doon.

Sinasabi sa Catholic social teaching na Laudato Si’ na ang mga katutubo ay hindi lamang dapat ituring na minorya. Sila ay mga pangunahing katuwang sa pangangalaga sa mga lupain at katubigan at sa pagpapasya kung paano dapat pangasiwaan at pakinabangan ang mga biyayang ito. Para sa kanila, ang mga lupain at katubigan ay hindi mga produkto; biyaya ang mga ito sa kanila ng Maykapal at pamana ng kanilang mga ninuno. Ang pangangalaga sa mga ito ay karugtong ng kanilang buhay at bahagi ng kanilang pagkakakilanlan.

Kaya naman, ang panawagan ng Sambilog sa mga ahensiya ng pamahalaan at malalaking korporasyon ay ituring sila nang patas. Huwag silang itaboy sa kanilang lupain at katubigan. Hayaan silang mabuhay nang mapayapa roon. Ipagkaloob ang nararapat para sa kanila! Pagsusumamo ang ito para sa katarungan. Katulad ng sinasabi sa Levitico 19:15, “Huwag kayong hahatol nang hindi makatarungan. Huwag ninyong kikilingan ang mahihirap o kaya’y katatakutan ang mayayaman. Humatol kayo batay sa katuwiran.”

Mga Kapanalig, hindi sila katutubo “lang.” Hindi ito usapin ng pagkiling sa mga katutubo dahil mahirap sila. Katutubo silang may kapantay nating dignidad. Ngunit tama si Ka Jomly, “dambuhala” ang kanilang kalaban pagdating sa yaman at impluwensya. Kung naniniwala tayo sa katuwiran at naninindigan para sa katarungan, samahan natin ang mga kapatid nating katutubo mula sa Palawan sa panawagang igalang ang kanilang mga karapatan at sa pagkalampag sa gobyernong dapat pumoprotekta sa kanila.

Sumainyo ang katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 17,375 total reads

 17,375 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 51,837 total reads

 51,837 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 88,319 total reads

 88,319 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 106,531 total reads

 106,531 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 189,965 total reads

 189,965 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 17,376 total reads

 17,376 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 51,838 total reads

 51,838 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 88,320 total reads

 88,320 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 106,532 total reads

 106,532 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »
Scroll to Top