Diocese of Marbel, nagdeklara ng climate emergency

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 11,476 total views

Nagdeklara ng climate emergency ang Diocese of Marbel bilang panawagan laban sa umiiral na suliraning pangkalikasan sa kinasasakupang mga lalawigan sa Soccsksargen Region.

Noong ika-15 ng Setyembre 2024, inatasan ni Bishop Cerilo “Alan” Casicas ang mga saklaw na parokya na basahin ang deklarasyon ng climate emergency sa mga Banal na Misa, bunsod ng mga nagaganap na pang-aabuso at pinsala sa likas na yaman ng South Cotabato, Saranggani, at General Santos City.

Tinukoy ni Bishop Casicas ang nagpapatuloy at malawakang pagkaubos ng mga bundok at kagubatan; walang tigil at malawakang pagsasagawa ng conventional o chemical-based farming; paggamit ng mapanganib na aquaculture technologies; at hindi pagsasabuhay ng sapat-lifestyle ng mamamayan.

“The abovementioned problems pose an extremely serious threat to food security and health of people and communities in the diocese, and persistently contribute to the continued warming and destruction of the planet earth, our common home,” ayon kay Bishop Casicas sa isinasaad sa deklarasyon.

Pinatututukan ng obispo ang talamak na ilegal na gawain sa Strict Protection Zone ng Mt. Matutum Protected Landscape; coal mining sa Barangay Ned, Lake Sebu; Tampakan gold and copper mining project, pagbabago sa local ordinance na nangangalaga sa Mt. Busa Local Conservation Area upang bigyang daan ang business permits ng mga mapaminsalang gawain; at ang binabalak na limestone quarry sa Maasim, Saranggani.

Nangako naman ang Diyosesis ng Marbel na itataguyod ang mga programa sa mga parokya tulad ng pagtatayo ng nursery at mini forest, material recovery facility, at pagbabawal sa paggamit ng single-use plastics.

Pinagtibay din ng diyosesis ang Setyembre bilang Season of Creation at Tree Growing and Clean-up Drive month, at binigyang-diin ang hindi pagtanggap ng anumang donasyon mula sa mga mapaminsalang kumpanya.

“With this declaration, we invite all the faithful in the diocese to join us in heeding the call of Pope Francis during last year’s celebration of Season of Creation: that we come together like many streams, brooks, and creeks finally merging in a mighty river to irrigate the life of our marvelous plant and our human family for generations to come,” ayon kay Bishop Casicas.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAKIT BIGO ANG K-12?

 58,582 total views

 58,582 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 54,451 total views

 54,451 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 90,653 total views

 90,653 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 98,971 total views

 98,971 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 123,434 total views

 123,434 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top