Katatagan at katapangan, dalangin ng Military Ordinariate para sa mga sundalo at pulis sa Mindanao kasunod ng pagpapalawig ng Martial Law

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 401 total views

Nagpaabot ng patuloy na pagsuporta at panalangin ang Military Ordinariate of the Philippines para sa mga sundalo at pulis na patuloy na nagsusumikap na maibalik ang kaayusan at kapayapaan sa rehiyon ng Mindanao kasunod ng pagpapalawig sa umiiral na Batas Militar.

Ayon kay Rev. Fr. Harley Flores,–apokesperson at Chancellor ng Military Ordinariate of the Philippines, ang katatagan at katapangan ang patuloy na panalangin ng M-O-P para sa puwersa ng pamahalaan partikular na sa mga sundalo’t pulis na nakikipaglaban sa mga natitirang miyembro ng teroristang grupong Maute sa Marawi City.

Bukod dito, tiniyak din ng Pari ang patuloy na pananalangin para sa paggabay ng Panginoon hindi lamang sa hukbo ng pamahalaan kundi maging sa mga residenteng patuloy na naapektuhan ng kaguluhan.

“ito po ay para sa ating mga kasundaluhan na nawa’y patuloy tayong magiging matatag lalong lalo na sa pagsugpo sa kasalukuyang giyera sa Marawi at asahan niyo po ang aming patuloy na suporta lalong lalo na ang aming patuloy na pagdarasal.gagabayan ng Diyos patnubayan kayo ng Diyos…” pahayag Fr. Harley Flores.

Noong ika-22 ng Hulyo ay inaprubahan ng Kongreso sa isinagawang Joint Session ang pagpapalawig sa umiiral na Batas Militar sa rehiyon ng Mindanao nang hanggang sa ika-31 ng Disyembre alinsunod narin sa naging apela ni Pangulong Duterte.

Ika-23 ng Mayo ng idineklara ng Pangulo ang Martial Law sa Mindanao kasunod ng pag-atake at tangkang pag-kubkob ng teroristang grupong Maute sa Marawi City.

Sa loob ng higit dalawang buwan, umaabot na sa 607 ang bilang ng mga namatay sa bakbakan, sa bilang na ito 453 ang namatay sa panig ng mga terorista, 45-sibilyan habang nasa 109 na ang nasawi mula sa pwersa ng pamahalaan.

Matatandaang nauna nang naglabas ng isang Circular Letter ang M-O-P na nagsisilbing personal diocese ng Armed Forces of the Philippines, Philippine National Police, Philippine Coast Guard, Bureau of Jail Management and Penology at maging Bureau of Fire upang ipapanalangin ang lahat ng mga namatay, sugatan at patuloy na lumaban para sa pangkabuuang kapayapaan ng buong Mindanao.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang fourth estate

 68,396 total views

 68,396 total views Mga Kapanalig, may apat na institusyong itinuturing na haligi o pillars of democracy. Kabilang dito ang tatlong sangay ng gobyerno—ang ehekutibo, ang lehislatura,

Read More »

Bantay ng bayan

 112,004 total views

 112,004 total views Mga Kapanalig, dahil na rin sa pang-aabuso sa kapangyarihan ng mga nasa pamahalaan noong isinailalim ang Pilipinas sa batas militar o martial law,

Read More »

BAGSAK ANG MAHIHIRAP

 194,877 total views

 194,877 total views Kapanalig, sa mataas na halaga ng mga produktong petrolyo, sino ang pinaka-apektado? Kapanalig, sa patuloy na pagtaas ng halaga ng mga produktong petrolyo

Read More »

SHORT CHANGE

 206,825 total views

 206,825 total views Kapanalig, sinasabi ng Merriam dictionary…, ibig sabihin ng “short change” ay to deprive of or give less than something due: CHEAT Sa kabila

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top