Katatagan ng Magsasaka

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 888 total reads

Sa ating bansa, kapanalig, napaka-bulnerable ng kabuhayan ng mga magsasaka. Ang kanilang hanapbuhay ay exposed sa iba’t ibang klase ng banta. Nandyan ang panganib na dala ng climate change, ng mga peste, ng kakulangan ng suplay sa farm inputs, pati na ang mga naglalakasang bagyo. Kapag dumapo ang alin man sa mga panganib na ito, kadalasan back to zero agad ang mga magsasaka. Kadalasan, limas ang aanihin nila.

Kaya nga’t napakahalaga ng tulong o assistance para sa mga magsasaka ng ating bayan. Hindi na nga malaki ang kita, napakadami pa ng hamon sa kanila. Ang nakakalungkot, kahit pa nga minsan ay ang dami ng ani nila, lugi pa rin sila dahil sa dami din ng kompetisyon.

Ngayong unang sangkapat o quarter ng 2022, medyo matamlay ang kabuhayan nila. Ayon nga sa opisyal na datos, ang value of production ng agrikultura pati na ng fisheries ng ating bansa ay nag-contract o lumiit ng 0.3% ngayong first quarter ng 2022. Medyo malayo pa ito, kapanalig, sa 2.5% growth rate na target ng gobyerno ngayong 2022.

Kapanalig, kailangan matutukan ng paparating na administrasyon ang agrikultura at mga manggagawa nito sa ating ng bansa. Sila ang mga nasa laylayan ng lipunan. Ang sektor na ito ay lagi na lamang nasa top 3 ng pinakamahirap sa bayan. Umaabot ng 31.6% ang poverty incidence sa kanilang hanay. Kung lagi ganyan ang kanilang sitwasyon, paano ba sila makakaahon sa kahirapan? Paano sila magiging matatag?

Isa sa mga unang kailangan ng ating mga magsasaka ay social protection, kasama na rito ang insurance. Kung kada may sakuna, back to zero lagi sila, kailangan ng ating mga agricultural workers ng saklay upang magpatuloy pa. Ang pagkakaroon ng agricultural insurance ay isang makapangyarihang sandata ng mga magsasaka laban sa mga bantang regular na gumugupo sa kanila. Sa ngayon, mga ikatlo o one-third lamang ng mga 10.9 million farm owners sa ating bansa ang mayroong crop insurance.

Ang pagsisiguro ng katatagan ng hanapbuhay ng ating mga magsasaka ay pagsisiguro rin na may pagkain sa mesa ng bawat tahanan sa ating bayan. Ang katatagan ng magsasaka ay katatagan rin para sa bayan. Ang pagprayoridad sa kapakanan ng magsasaka ay isang hakbang tungo sa kabutihan ng balana o common good. Kapag ating tinitiyak ang paglago ng agrikultura sa ating bansa, atin ding tinitiyak ang paglago ng ating bansa. Kasama ito sa ating mga responsibilidad hindi lang bilang Filipino kundi bilang Kristiyanong Katoliko. Paalala sa atin ng Economic Justice for All: As individuals and as a nation, therefore, we are called to make a fundamental “option for the poor”. The obligation to evaluate social and economic activity from the viewpoint of the poor and the powerless arises from the radical command to love one’s neighbor as one’s self.

Sumainyo ang Katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Halimbawa sa taumbayan

 3,288 total reads

 3,288 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 40,669 total reads

 40,669 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 71,940 total reads

 71,940 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 149,245 total reads

 149,245 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 243,300 total reads

 243,300 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Halimbawa sa taumbayan

 3,289 total reads

 3,289 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 40,670 total reads

 40,670 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 71,941 total reads

 71,941 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 149,246 total reads

 149,246 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »
Scroll to Top