Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 750 total reads

Nang dumating ang pandemya sa mundo, ang problema ng katiyakan sa pagkain ay mas lalong nadama ng mas maraming tao. Napalutang din nito ang ilan pang mga salik o factors na nakakaapekto sa food security ng mga mamamayan.

Kapanalig, ang problema ng katiyakan sa pagkain ay masalimuot. Hindi lamang ito ukol sa kakulangan ng perang pambili. Kaugnay din nito ang agrikultura, ang transport, ang food processing at packaging, pati na ang distribution at delivery. Noong panahon ng malawakang lockdowns, lahat ng aspeto na ito ay lubhang naapektuhan ng COVID-19. Hanggang ngayon, lingering o nagtatagal pa rin ang epekto nito sa food security ng maraming bansa, kasama na ang Pilipinas. Base nga sa 2021 Global Food Security Index ng The Economist Intelligence Unit, pang-64th tayo sa 113 na bansa pagdating sa kanilang apat na dimensyon ng food security.

Isa sa mga dimensyon ng Global Food Security Index ay natural resources and resilience. Sa ilalim ng aspeto na ito, sinusuri ang exposure ng isang bansa sa climate change pati ang kahinaan nito sa pag-adapt at pagharap sa mga banta o risks. Kapanalig ramdam natin na marami pa tayong dapat pag-ibayuhin sa aspetong ito.  Taon-taon, sa pagdaan ng mga naglalakasang bagyo, lagi pa rin tayong hirap sa preparasyon bago dumating ang bagyo at sa pagsasa-ayos matapos lumisan ito. Milyon-milyon ang napipinsalang pananim at ari-arian, at hirap pa rin tayong makahanap ng paraan upang ating maiwasan ang mga pinsalang ito. Maraming pagkakataon, nagmamahal at nababawasan ang suplay sa merkado ng mga produktong naapektuhan ng bagyo. At dahil dito, ang  katiyakan sa suplay ng ilang mga uri ng pagkain ay naapektuhan.

Hindi lamang sa bagyo o iba pang natural disasters naapektuhan ang resilience ng isang bansa pagdating sa food security. Ang mga sakit ng hayop gaya ng African swine flu (ASF), halimbawa, ay nagiging malaki ang epekto sa suplay ng pagkain sa merkado. Dahil dito, lubha tumaas ang presyo ng baboy sa merkado at nabawasan din ang suplay. May mga lugar pa rin sa ating bansa ang naapektuhan ng ASF, kaya’t marami pa ring nagtitinda ng baboy ang apektado ngayon, habang mataas pa rin ang presyo nito sa merkado. At habang tumataas ang presyo ng isang uri ng pagkain, dumadagdag pa ang mga hadlang sa katiyakan ng pagkain. Ang affordability, kapanalig, ay isa sa mga aspeto ng food security na dapat din nating tutukan, lalo sa panahon natin ngayon na bumaba na ang halaga ng ating pera.

Kapanalig, ilan lamang ito sa mga aspeto ng food security na ating dapat pag-ibayuhin, lalo ngayon mas maraming mga Filipino ang naghihirap. Ang mga aspeto na ito ay magka-sanga-sanga, at kapag napabayaan ang isa, mas lalong lalawak at lalaki ang problema sa katiyakan sa pagkain. Ang pagpapabaya sa isang aspeto ay magsisimula ng chain reaction na magdudulot ng gutom sa maraming bilang ng mamamayan. At lagi-laging unang tatamaan nito ang pinaka-mahirap sa ating hanay.

Bilang katoliko, hindi natin dapat hayaan mangyari ito. Bahagi ito ng ating katungkulan na itaguyod ang dignidad ng tao, dahil ayon nga sa Gaudium et Spes, lason sa lipunan ang anumang sitwasyon, gaya ng gutom, na nagnanakaw ng dangal at dignidad ng tao.

Sumainyo ang Katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

1,2,3 kanya-kanya na!

 7,128 total reads

 7,128 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 88,661 total reads

 88,661 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 182,886 total reads

 182,886 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 243,376 total reads

 243,376 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Pahirapang dagdag-sahod

 256,927 total reads

 256,927 total reads Mga Kapanalig, “people over profit” at “labor over capital” ang ilan sa mga prinsipyong itinataguyod ng mga panlipunang turo ng ating Simbahan kapag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

1,2,3 kanya-kanya na!

 7,129 total reads

 7,129 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 88,662 total reads

 88,662 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 182,887 total reads

 182,887 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 243,377 total reads

 243,377 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »
Scroll to Top