Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Katulad ng pagtanggap kay Hesus

SHARE THE TRUTH

 140 total views

Mga Kapanalig, malaking isyu ngayon sa Amerika ang paghihiwalay ng mga magulang at mga anak na iligal na pumapasok sa border sa timog ng bansa. Sa kagustuhan kasing takasan ang kaguluhan sa kanilang bansa gaya ng Guatemala, Honduras, El Salvador, at Mexico, may mga pamilyang buwis-buhay na tumatawid sa border ng Amerika. Ito ay sa kabila ng zero-tolerance policy ng America na pumipigil sa pagpasok ng mga dayuhan sa Amerika, kahit pa humantong ito sa paghihiwalay ng mga bata sa kanilang mga magulang. Talaga namang nakadudurog ng puso ang mga larawan at video ng mga umiiyak na paslit.

Nagsimula noong nakaraang buwan ito ang zero-tolerance policy ng administrasyon ni Pangulong Trump kung saan ituturing na kriminal ang mga mahuhuling ilegal na tumatawid patungo sa Estados Unidos. Ano ang ibig sabihin nito? Bago ang patakarang ito, dinadala sa detention centers ang mga mahuhuling migrante habang kanilang hinihintay ang hatol ng immigration judge kung kinakailangan silang i-deport o pabalikin sa kanilang pinagmulan. Sa ilalim ng zero tolerance policy, dahil itinuturing silang kriminal sa halip na mga migrante, ipipiit sila sa federal jail habang pinagdedesisyunan ang kanilang kaso. Sapagkat hindi maaaring ikulong ang mga bata, inihihiwalay sila sa kanilang mga magulang. Sa ilalim ng bagong patakarang ito, itinuturing ang mga bata na “unaccompanied minors” (o mga menor de edad na walang kasama) kaya’t dinadala sila sa mga holding centers ng Department of Health and Human Services.
Mula nang ipatupad ang zero tolerance policy noong Mayo hanggang ngayong buwan, aabot na sa mahigit dalawang libong bata ang inihiwalay sa kanilang mga mga magulang. Hindi lamang ang paghihiwalay ng mga magulang at anak mali sa patakarang iyon ni Pangulong Trump. Pangmatagalang trauma ang dulot nito sa mga bata. Ayon sa mga kritiko, mistulang Nazi concentration camps ang holding centers dahil nilalagyan pa ng numero ang mga bata upang matukoy kung sino ang kanilang mga magulang. Marami na ang tumutol sa patakarang ito, at tinatawag itong malupit at hindi makatao maging ang kanyang mga kapartido.

Dahil sa matinding kritisismo, binawi na ni Pangulong Trump ang kanyang patakaran. Maliit na tagumpay ito upang mabigyang proteksyon ang mga migrante, lalung-lalo na ang mga bata, ngunit hindi malinaw kung paanong maibabalik muli sa mga magulang ang kanilang mga anak.

Mariing tinutulan ng mga obispo ng Simbahang Katoliko sa Amerika ang zero-tolerance policy ni Pangulong Trump. Hindi makatao at hindi Katoliko ang paghihiwalay sa mga pamilya, na silang pundasyon ng ating lipunan. Kung layunin ng pangulo ng Amerika na gawing dakila ang kanilang bansa, hindi ang pagiging malupit sa mga migrante ang daan patungo roon. Sinang-ayunan ni Pope Francis ang posisyon ng mga obispo. Dagdag pa niya, kinakailangang tanggapin, tulungan, at gabayan ang mga migranteng naghahanap ng pagkalinga sa labas ng kanilang bansa. Sa hiwalay na pahayag noong simula ng taon, sinabi rin ni Pope Francis na ang migration ay hindi lamang isyu ng iisang bansa: isyu ito ng lahat ng bansa. Kaya naman, kailangang-kailangan ang pag-uusap ng mga lider upang makabuo ng solusyong makatao at may pagkilala sa dignidad at halaga ng bawat isa.

Mga Kapanalig, gaya rin ng paalala sa atin ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle, malugod nating tanggapin ang mga estranghero katulad ng pagtanggap natin kay Hesus. Hindi ba’t nagawa na natin ito noong tinanggap natin ang mga “boat people” mula sa Vietnam noong panahon ng Vietnam War at ang mga Hudyong nais makatakas sa rehimeng Nazi?

Gayunman, tanungin pa rin natin ang ating mga sarili: Sinu-sino ang mga estrangherong kumakatok sa atin ngayon? Paano natin sila tinatanggap? Paano natin kinakatagpo ang ating kapwang “iba” sa atin?

Sumainyo ang katotohanan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

‘Buwis-buhay’ para sa mga PWD

 850 total views

 850 total views Mga Kapanalig, nag-viral ang PWD ramp sa isang istasyon ng EDSA Busway sa Quezon City. Sa inauguration na ginawa ng Department of Transportation at Metropolitan Manila Development Authority (o MMDA), maraming nakapansing tila masyadong matarik at madulas ang bagong rampa  para mga persons with disability (o PWD). Batay sa Batas Pambansa (o BP)

Read More »

Saan aabot ang ₱20 milyon ng SONA?

 8,332 total views

 8,332 total views Mga Kapanalig, ngayon ang ikatlong State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong BBM. Bago ang araw na ito, naging usap-usapan ang inilaang 20 milyon pisong budget para sa okasyong ito. Ayon kay House Secretary-General Reginald Velasco, ang budget na ito ay gagamitin daw para sa mga sumusunod: pagkain at inumin ng

Read More »

Green Transport

 21,472 total views

 21,472 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »

Inclusive Education

 27,445 total views

 27,445 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »

Sports at Kabataan

 33,200 total views

 33,200 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

‘Buwis-buhay’ para sa mga PWD

 851 total views

 851 total views Mga Kapanalig, nag-viral ang PWD ramp sa isang istasyon ng EDSA Busway sa Quezon City. Sa inauguration na ginawa ng Department of Transportation at Metropolitan Manila Development Authority (o MMDA), maraming nakapansing tila masyadong matarik at madulas ang bagong rampa  para mga persons with disability (o PWD). Batay sa Batas Pambansa (o BP)

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Saan aabot ang ₱20 milyon ng SONA?

 8,333 total views

 8,333 total views Mga Kapanalig, ngayon ang ikatlong State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong BBM. Bago ang araw na ito, naging usap-usapan ang inilaang 20 milyon pisong budget para sa okasyong ito. Ayon kay House Secretary-General Reginald Velasco, ang budget na ito ay gagamitin daw para sa mga sumusunod: pagkain at inumin ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Green Transport

 21,473 total views

 21,473 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inclusive Education

 27,446 total views

 27,446 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sports at Kabataan

 33,201 total views

 33,201 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Responsableng kasiyahan

 40,137 total views

 40,137 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kalidad ng pagtuturo

 41,221 total views

 41,221 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga payaso sa sirko

 36,602 total views

 36,602 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BPO industry

 48,606 total views

 48,606 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Balik Probinsya

 56,648 total views

 56,648 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kuryente

 48,205 total views

 48,205 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nutrisyong sapat para sa lahat

 46,630 total views

 46,630 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 48,416 total views

 48,416 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Umento sa sahod ng mga manggagawa

 45,341 total views

 45,341 total views Mga Kapanalig, inapubahan bago matapos ang Hunyo ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang ₱35 na dagdag sa arawang sahod ng mga manggagawa dito sa National Capital Region (o NCR). Mula ₱610 ay magiging ₱645 ang minimum daily wage ng mga non-agricultural workers sa rehiyon.  Dismayado dito ang ilang labor groups. Para

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Irigasyon

 59,655 total views

 59,655 total views Kapanalig, ang Pilipinas ay isang bansang agrikultural na lubos na umaasa sa pagsasaka para sa kabuhayan ng maraming mamamayan. Ang irigasyon, o ang sistematikong pamamahagi ng tubig sa mga taniman, ay isang mahalagang aspeto ng agrikultura na may malaking epekto sa produksyon ng mga pananim, seguridad ng pagkain, at pangkalahatang pag-unlad ng bansa.

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top