VeritasPH

The Word, The Truth

Ikonsedera ang kalagayan ng mga mahihirap sa “Oplan Tambay”

SHARE THE TRUTH

 142 total views

Naaangkop lamang ang pagnanais ng Pambansang Pulisya ng Pilipinas na supilin ang Kriminalidad at Kaguluhan sa Kipunan.

Gayunpaman, nilinaw ni Catholic Bishops Conference of the Philippines Vice President Caloocan Bishop Pablo Virgilio David na dapat pag-aralan ng Pamahalaan ang tunay na kalagayan ng mga maralita.

Ito ang reaksyon ng Obispo, kaugnay sa patuloy na kampanya ng PNP laban sa tambay sa mga lansangan.

Ipinaaabot ni Bishop David ang pasasalamat sa mithiin ng PNP na masupil ang krimen at kasamaan ngunit hindi dapat ma-Discriminate ang mga mahihirap, ang mga nakatira sa mga Squatter.

“Sa konsteksto ng pagsupil ng kriminalidad sang-ayon naman kami diyan, of course natutuwa kami at nagpapasalamat sa kapulisan kapag ginagawa nila ang trabaho para masupil ang kriminalidad at para din magkaroon ng disiplina pero huwag naman sanang ididiscriminate ang mga dukha at sana pag-aralan din ang sitwasyon ng mga nasa mga slums, nasa mga squatters kung bakit may mga taong nasa labas…” pahayag ni Bishop David sa panayam sa Radyo Veritas.

Ibinahagi ng Obispo na sa kanyang Diyosesis ay napakaraming Informal Settlers Communities na mayroong maliliit na tahanan at kadalasang ginagawa ang ilang sa labas ng tahanan tulad na lamang ng paglalaba, pagluluto, pakikipag-kuwentuhan at pakikipaghalubilo sa mga kapitbahay.

Paliwanag pa ni Bishop David, bagamat makabuluhan ang layunin at ninanais ng pamahalaan na maisaayos ang sitwasyon sa pamayanan ay nararapat pa ring tingnan at suriin ang sitwasyon ng mga maralita na kadalasang nilalaman ng lansangan.

“Sa aking diocese ay napakarami ng informal settlers communities at nakikita ko ang mga tahanan nila na mga katiting lang talaga yung mga tahanan nila minsan wala pa silang mga kalsada, mga maliliit na iskinita at makikita mo na sa iskinita nandoon lahat, doon sila naglalaba, doon sila nagluluto, doon sila kung minsan nagkukwentuhan. Ito yung kalagayan ng mga dukha wala silang mga community centers, wala sila ng mga katulad sa mga home-owner association sa mga subdivision na mga tipong home owners club, walang ganyan so para bang let us be a bit kinder sa mga dukha…” Pagbabahagi pa ni Bishop David.

Kaugnay nito nais na rin ng Pangulo na masama sa naturang kampanya kontra tambay ang mga Menor-de-edad katuwang ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) para umano sa kabutihan ng mga kabataan.

Samantala, mula ng ihayag ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte noong ika-13 ng Hunyo ang kanyang Direktiba sa mga alagad ng Batas na maging Istrikto at huwag matakot hulihin ang mga Tumatambay sa Kalye ay umaabot na sa higit 10-libong mga indibidwal ang naaaresto ng Philippine National Police.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Inclusive Education

 2,472 total views

 2,472 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »

Sports at Kabataan

 8,229 total views

 8,229 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »

Responsableng kasiyahan

 15,492 total views

 15,492 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »

Kalidad ng pagtuturo

 23,477 total views

 23,477 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »

Mga payaso sa sirko

 31,013 total views

 31,013 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Peace talks sa komunistang grupo, panawagan ng CLPI kay Pangulong Marcos

 699 total views

 699 total views Nanawagan kay Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ang Council of Leaders for Peace Initiative (CLPI) na isang grupo ng mga indibidwal na bigyang prayoridad ang pagkakaroon ng ganap na kapayapaan sa bansa. Ito ang panawagan ng grupo na kinabibilangan din ng ilang Obispo ng Simbahang Katolika sa ikatlong State of the Nation Address ni

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Mamamayan, hinimok na makiisa sa rosary fluvial procession para sa kapayapaan

 6,133 total views

 6,133 total views Nagpaabot ng pasasalamat si Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas sa lahat ng tumugon at nakikibahagi sa 50-Day Rosary Campaign para sa kapayapaan sa inaangking teritoryo ng China sa West Philippine Sea. Ayon sa dating pangulo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines, mahalaga ang pakikiisa ng bawat mananampalataya sa pananalangin ng kapayapaan at kaligtasan

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Panindigan na pag-aari ng Pilipinas ang WPS, hamon ng Obispo sa pamahalaan

 6,311 total views

 6,311 total views Nanindigan ang isang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na hindi maaring balewalain ang desisyon ng Permanent Court of Arbitration sa The Hauge Netherlands na pagmamay-ari ng Pilipinas ang West Philippine Sea noong June 12, 2016. Ito ang binigyan diin ni Taytay Palawan Bishop Broderick Pabillo, chairman ng CBCP – Office

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

MAPODE, umanib sa SCAD

 10,351 total views

 10,351 total views Lumahok sa Super Coalition Against Divorce (SCAD) ang prayer group ng Military Ordinariate of the Philippines Office of Deliverance and Exorcism (MOPODE) bilang pakikiisa sa paninindigan ng Simbahan laban sa pagsasabatas ng diborsyo sa Pilipinas. Opisyal na inanunsyo ang pakikilahok at pagsali sa kowalisyon ng Military Ordinariate of the Philippines Office of Deliverance

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Matagumpay na pagpupulong ng CBCP, panalangin ng Sangguniang Laiko ng Pilipinas

 11,199 total views

 11,199 total views Nagpaabot ng panalangin ang Sangguniang Laiko ng Pilipinas para sa 128th Plenary Assembly ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), na sa kauna-unahang pagkakataon ay isasagawa sa Mindanao. Ayon kay LAIKO Vice-President for Mindanao Atty. Proculo Sarmen, mahalagang ipanalangin ang paggabay ng Banal na Espiritu para sa mga Obispo na nagsisilbing pastol

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Lagman, binatikos ng SCAD

 11,553 total views

 11,553 total views Binigyang diin ng Super Coalition Against Divorce (SCAD) na ang paninindigan ng iba’t ibang mga faith-based groups laban sa pagsasabatas ng diborsyo sa Pilipinas ay nakabatay sa katotohanan at hindi sa pagkukunwari o “religious hypocrisy”. Ito ang tugon ng grupo sa patutsada ni Albay 1st District Representative Edcel Lagman sa paninindigan ng Couples

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

De Lima, kakasuhan ang mga nagpakulong sa kanya

 25,266 total views

 25,266 total views Inihayag ni dating Senador Leila De Lima ang planong pagsasampa ng kaso laban sa mga nasa likod ng kanyang pagkakakulong sa loob ng nakalipas na pitong taon. Ito ang ibinahagi ni De Lima sa programang ‘Oras ng Bayan’ sa himpilan ng Radyo Veritas. Inihayag ng dating Senador ang paninirang puri, pagkasira ng reputasyon

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

St. John the Baptist church sa Camalig Albay, idineklarang importany cultural property

 18,127 total views

 18,127 total views Opisyal na idineklara ng National Museum of the Philippines bilang isang Important Cultural Property ang St. John the Baptist Church sa Camalig, Albay na nasa ilalim ng pangangasiwa ng Diyosesis ng Legazpi. Naganap ang paghahawi ng tabing sa panandang pangkasaysayan noong ika-24 ng Hunyo, 2024 kasabay ng Dakilang Kapistahan ng Kapanganakan ni San

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Suporta sa naiwang pamilya ng EJK victims, paiigtingin ng Arnold Janssen Kalinga Foundation

 17,242 total views

 17,242 total views Paiigtingin ng Arnold Janssen Kalinga Foundation ang suporta sa pamilya ng mga biktima ng extra-judicial killings sa marahas na implementasyon ng war on drugs ng nakalipas na administrasyong Duterte. Sa ilalim ng Program Paghilom ay nagkakaloob ng iba’t ibang tulong at suporta ang organisasyon para sa naiwang asawa, magulang at anak ng mga

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Partisipasyon at paninindigan ng mga layko sa usaping panlipunan, paiigtingin

 21,708 total views

 21,708 total views Tiniyak ng Sangguniang Laiko ng Pilipinas ang lalong pagpapaigting sa kamalayan at aktibong partisipasyon ng layko sa mga usaping panlipunan sa bansa. Ito ang ibinahagi ni LAIKO National President Francisco Xavier Padilla sa mga nakahanay na gawain ng implementing arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – Episcopal Commission on the Laity

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Ipagdasal ang mga opisyal ng pamahalaan at simbahan, panawagan ng military bishop sa mamamayan

 20,142 total views

 20,142 total views Hinimok ng isang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang mga mananampalataya na ipanalangin ang mga opisyal ng pamahalaan at Simbahan upang maging mabuting lingkod at tagapaggabay sa bawat isa. Ito ang bahagi ng mensahe ni Military Ordinariate of the Philippines Bishop Oscar Jaime Florencio sa paggunita ng ika-126 na

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Obispo, hinamon ang mga Pilipino na manindigan sa pananakop ng dayuhang bansa

 21,624 total views

 21,624 total views Binigyang diin ng isang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang pagiging katiwala ng bawat Pilipino sa kalayaang biyaya ng Panginoon sa bansa. Ito ang paalala ni Taytay Palawan Bishop Broderick Pabillo – chairman ng CBCP-Office on Stewardship sa pagdiriwang ng ika-126 na Araw ng Kalayaan ng Pilipinas sa ika-12

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

SLP, palalawakin ang kaalaman ng mamamayan laban sa divorce

 21,741 total views

 21,741 total views Naninindigan ang implementing arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) – Episcopal Commission on the Laity laban sa panukalang pagsasabatas ng diborsyo sa Pilipinas. Ipinahayag ni Francisco Xavier Padilla, pangulo ng Sangguniang Laiko ng Pilipinas ang paninindigan sa kasagraduhan ng kasal na maisasantabi sa isinusulong na absolute divorce sa bansa. Pagbabahagi

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Maling pamamahayag ng isang TV station, pinuna ng CBCP President

 20,226 total views

 20,226 total views Pinuna ni Kalookan Bishop Pablo Virgilio David – pangulo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang maling pamamahayag ng isang media outlet kaugnay sa naganap na tension sa pagsasagawa sana ng transition sa pamunuan ng St. Joseph Parish sa Gagalangin Tondo, Maynila noong ika-4 ng Hunyo, 2024. Sa personal na Facebook

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Tagbilaran Cathedral, kinilala ng NHCP

 19,196 total views

 19,196 total views Binigyang pagkilala ng Pambansang Komisyong Pangkasaysayan ng Pilipinas ang Diocesan Shrine and Cathedral-Parish of Saint Joseph the Worker sa Tagbilaran, Bohol o mas kilala bilang Tagbilaran Cathedral para sa mahalagang ambag nito sa kasaysayan ng bansa. Pinangunahan ni Tagbilaran Bishop Alberto Uy ang unveiling ng national historical marker na matatagpuan sa harapang bahagi

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top