Kawalan ng pakialam ng mga Filipino sa nagaganap na karahasan, Pinuna

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 507 total views

Ang mga mamamayang Filipino ang dapat na mas maunang kumilos at gumawa ng hakbang para sa bayan sa halip na ang mga dayuhan.

Ito ang panawagan sa mga mamamayan ni Bro. Gerry Bernabe – Vice President ng Philippines Action for Youth Offenders at Convenor ng Coalition Against Death Penalty kaugnay sa kawalan ng reaksyon at tugon ng mga Filipino sa nagaganap na karahasan sa Bansa.

Iginiit ni Bernabe na kinakailangan na magkaroon ng National Recovery sa bansa sapagkat nakababahala na mas mayroon pang pakialam at simpatya ang mga dayuhan at iba pang International Organizations para sa kapakanan at kalagayan ng karapatang pantao ng mga mamamayan kaysa sa mismong mga Filipino.

“Yun ang nakakabahala ano, talagang ang mas nakakakita ng sitwasyon sa Pilipinas ay yung nasa labas samantalang yung nasa loob ay wala tayong pakialam, pumapalakpak pa tayo, natutuwa pa tayo sana pakinggan natin itong mga boses na ito at tayo kailangan talagang magkaroon tayo ng national recovery para dito, ang mga Filipino talaga ang kailangang makakita kung ano talaga ang problema…” pahayag ni Bernabe sa panayam sa Radyo Veritas.

Matatandaang noong nakalipas na buwan ay muling umapela ang 38-member states ng United Nations Human Rights Council (UNHRC) sa Gobyerno ng Pilipinas na tuluyan ng wakasan ang Kampanya laban sa illegal na droga at makipagtulungan upang imbestigahan ang human Rights Situation sa bansa.

Kaugnay nito, sa tala mismo ng Philippine National Police tinatayang umaabot na sa 23-libong indibidwal ang nasawi sa ilalim ng Duterte Administration sinasabing dulot ng naging malawakang kampanya ng pamahalaan laban sa illegal na droga.

Samantala, patuloy rin ang panawagan ng Simbahang Katolika para sa katarungan ng lahat ng mga napaslang sa naturang kampanya kung saan karamihan ay hindi pa napatutunayan at nahahatulan ang pagkakasala ng hukuman.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Isa pang state of emergency

 50,623 total views

 50,623 total views Mga Kapanalig, nagdeklara na si Pangulong Bongbong Marcos ng state of national energy emergency sa gitna ng krisis sa langis matapos ang ilang

Read More »

Krisis sa bukid at laot

 50,623 total views

 50,623 total views Mga Kapanalig, sa gitna ng pagdaigdigang krisis sa langis, hindi sumasabay ang lawak ng tulong mula sa gobyerno sa laki ng pangangailangan ng

Read More »

Ano tayo pagkatapos ng krisis?

 50,623 total views

 50,623 total views Mga Kapanalig, “kinamatayan na lang ang ayuda.” Ganito inumpisahan ang balita tungkol kay Tatay Jimmy na tatlong dekada nang namamasada ng tricycle sa

Read More »

Ang kalikasan ay may karapatan

 49,070 total views

 49,070 total views Mga Kapanalig, paano kung ang pagkalbo ng kagubatan, pagbuga ng polusyon, at pagsira sa dagat ay hindi na lang simpleng paglabag sa batas

Read More »

Patibong ng kasamaan

 44,823 total views

 44,823 total views Mga Kapanalig, hindi laging lantad ang kasamaan. Minsan nag-aanyo itong mabuti, maamo, at inosente. Ayon sa 2 Corinto 11:14, “…si Satanas man ay

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top