Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Kawalan ng programa ng pamahalaan sa Boracay closure, pinangangambahan

SHARE THE TRUTH

 339 total views

Pabor ang mga mamamayan ng Boracay sa anim na buwang pagpapasara ng isla.

Ito ang inihayag ni Father Jose Tudd Belandres – Parish Priest ng Our Lady of the Most Holy Rosary Parish sa isla ng Boracay kaugnay sa inaprubahan ng Malacañang na pansamantalang pagsasara ng isla mula sa mga turista upang mapaigting ang rehabilitasyon nito.

Naniniwala si Father Belandres na napakahalaga ng gagawing pagsasaayos na ito sa Boracay upang maibalik ang kalakasan at kagandahan ng kanilang kapaligiran.

“Kung mga taga-Boracay mismo ang tatanungin, sila ay matutuwa kaya ang sabi nga namin kanina sa misa ay “May Boracay Rest in Peace for a while”, kailangan rin naming manahimik, alam mo naman yon na kailangang lumakas at maging maganda ulit,” pahayag ni Father Belandres sa Veritas.

Gayunman, sa kabila nito ay nangangamba rin si Father Belandres at ang mga lokal na residente ng Boracay dahil wala pa silang natatanggap na kongkretong programa ng pamahalaan kung ano ang magaganap habang nakasara ang isla, at pagkatapos ng anim na buwang closure.

Sinabi ng Pari na ilan sa mga pangamba nito ay ang posible ring pagpapasara sa Boracay Water na nagsusuplay ng tubig sa isla at ang posible ring pagkalugi ng Aklan Electric Company, na nagbibigay naman ng elektrisidad.

“Yung nakalatag talaga na what will happen, what’s the program, mga concrete programs , hindi pa yun clear kagaya ng sinabi nila over the media na meron namang mga nakalaan na trabaho sa kanila pero kung titignan mahirap pa rin… Yun yung mga pangamba at it’s really a harassment what will happen, for those who will be staying here in Boracay kagaya ko.” Dagdag pa ni Father Belandres.

Nakatakda sa ika-26 ng Abril ang pormal na pagsasara ng isla ng Boracay.

Naninindigan naman ang Simbahang Katolika sang-ayon na rin sa turo ni Pope Francis sa encyclical na Laudato Si na kinakailangang laging isaalang-alang sa pagpapasya ng pamahalaan ang kalikasan at lalo’t higit ang mga mahihirap na taong umaasa lamang dito.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

kabaliwan

 16,896 total views

 16,896 total views Ito ang taguri ng Obispo ng Kalookan sa mga ahensiya ng gobyerno na kunwaring nababahala sa iligal na offshore gambling… ginagawa namang legal

Read More »

Magkaayos Kaysa Maghiwalay

 32,984 total views

 32,984 total views Sa pagsisimula ng 20th Congress, muli na namang isinulong sa Mababa at Mataas na Kapulungan ng Kongreso ang divorce bill. Kailangan ba talaga

Read More »

Dagdag nga ba o bitin pa rin?

 70,704 total views

 70,704 total views Mga Kapanalig, inanunsyo ng Department of Labor and Employment (o DOLE) na magkakaroon ng dagdag na ₱50 sa arawang minimum wage sa Metro

Read More »

Ka-tiwala, hindi ka-tiwali

 81,655 total views

 81,655 total views Mga Kapanalig, noong nakaraang Lunes ay nagsimula na ang termino ng mga nanalo sa nakaraang eleksyon. Maraming mga opisyal—mula sa mga senador hanggang

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Cultural
Michael Añonuevo

Diocese of Imus, nagpapasalamat sa CBCP

 25,371 total views

 25,371 total views Nagpaabot ng pagbati ang Diocese of Imus, Cavite sa pagkakahirang ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) kay Bishop Reynaldo Evangelista bilang

Read More »

RELATED ARTICLES

PAGMAMAHAL SA BAYAN

 162,061 total views

 162,061 total views “Ibigin mo ang Panginoon Mong Diyos… Ibigin mo ang iyong kapwa.” (Mateo 22:27-28) Mahal kong mga kapatid kay Kristo sa Bikaryato ng Taytay,

Read More »

Our Lady of Mt.Carmel, kinoronahan

 105,907 total views

 105,907 total views August 18, 2020 Kinoronahan ni Cubao Bishop Honesto Ongtioco ang imahe ng Our Lady of Mount Carmel sa Minor Basilica and National Shrine

Read More »
Scroll to Top