247 total views

Kapanalig, kasama na sa bokabularyo natin ngayon ang salitang bakwit. Ano nga ba ito at bakit bigla itong umantig sa ating kamalayan?

Ang bakwit kapanalig ay nangangahulugan ng evacuees. Ito ay nangangahulugang pagtakbo para masalba ang buhay. Sumikat ito dahil sa gyera sa Marawi. Ngunit ang totoo, ang bakwit ay isang mapait na reyalidad na nararanasan ng maraming Filipino. Sila ay ang mga “internally displaced” ng mga indibidwal sa ating bansa.

Kapanalig, ang ating bansa ay laging dinadayo ng baha at bagyo. Dahil dito, marami ang nadi-displace mula sa kanilang mga tahanan. Liban dito, lalo na sa Mindanao, ang conflict at pabugso-bugsong karahasan ay marahas ding tumutulak sa maraming tao na mag-“bakwit” para masalba ang kanilang buhay.
Noong 2016, ang ating bansa ay naging pangalawa sa may pinakamataas na bilang ng mga internally displaced persons, base sa datos ng Internal Displacement Monitoring Center. Umabot ng anim na milyon, kapanalig, ang bilang nito dahil sa mga natural na kalamidad at sa karahasan.

Maari tayong makatulong sa pagpapabuti ng kalagayan ng mga bakwit. Tingnan natin ang mga relocation centers. Ano ba ang mga kondisyon nito? Marami sa ating mga evacuation centers ay masikip – ang mga bakwit ay kailangang magsiksikan matapos makaranas ng trauma. Nag-uunahan ang mga bakwit para sa pwesto, hindi lamang para sa pahingaan kundi para sa pag-gamit ng palikuran. Maliban sa kawalan ng privacy dahil sa sikip, kulang din ang first aid at food supply sa maraming mga evacuation centers.

Ang mga bata ang tunay na kawawa pagdating sa displacement. Napaka-bulnerable ng kanilang sitwasyon. Sa pagtakbo pa lamang sa gitna ng kalamidad o karahasan, dehado na sila. Pagdating pa sa mga evacuation centers, marami sa kanila ang naha-harass at namo-molestiya. Marami din ang nabibiktima ng human trafficking.
Ang pagiging bakwit kapanalig, kadalasan, ay hindi na pagtakbo para sa kaligtasan. Ito na ay pagtakbo mula sa isang trauma tungo sa naghihintay na problema.

Kapanalig, hindi dapat ganito ang evacuation centers. Ang mga kalamidad at karahasan ay laging nangyayari sa maraming lugar sa ating bansa. Ang mga local na gobyerno, pati ang barangay, ay dapat handa sa pagdating ng mga bakwit, hindi lamang dahil obligasyon nito na pangalagaan ang kanilang mga constituents, kundi dahil ito ay dapat at tamang gawin ng mga makataong pinuno ng bayan. Ayon nga sa Quadragesimo Anno: Ang tungkulin ng ating mga pinuno ay ang bantayan ang komunidad at mga miyembro nito, lalo na ang mga mahihina at maralita.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Kamag-anak, Inc.

 58,044 total views

 58,044 total views Mga Kapanalig, kung magkakatotoo ang sinabi ni Vice President Sara Duterte sa isang ambush interview noong isang linggo, tatlong Duterte ang makikita natin sa balota sa pagkasenador sa eleksyon sa 2025.  Sila ay ang mag-aamang sina dating Pangulong Digong Duterte, Congressman Paolo Duterte ng unang distrito ng Davao, at Mayor Sebastian Duterte ng

Read More »

Diplomasya ang susi

 62,023 total views

 62,023 total views Mga Kapanalig, “misunderstanding” o aksidente lamang para sa Malacañang ang pinakahuling insidente ng komprontasyon sa Ayungin Shoal (o Second Thomas Shoal) sa pagitan ng Chinese Coast Guard at Philippine Navy. Sa naturang insidente na nangyari dalawang linggo bago matapos ang Hunyo, hinarang ng mga Chinese coast guard personnel ang mga bangka ng Philippine

Read More »

Educator sa DepEd

 72,915 total views

 72,915 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, wala pa ring pinapangalanan ang administrasyong Marcos Jr na ipapalit na kalihim ng Department of Education (o DepEd). Nagulat ang marami nang mag-resign si Vice President Sara Duterte bilang DepEd secretary at opisyal ng isa pang opisina noong June 19. Sa sulat sa isinapubliko

Read More »

Heatwave at Malubhang Pagbaha sa Pilipinas

 85,357 total views

 85,357 total views Ang Pilipinas, bilang isang arkipelagong bansa, ay madalas na nakakaranas ng iba’t ibang kalamidad na dulot ng pagbabago ng klima. Isa sa mga pangunahing suliranin na kinakaharap natin ngayon ay ang matinding init o heatwave. Ka-alternate naman nito, kapanalig, ay ang malawakang pagbaha naman sa iba-ibang parte ng ating bansa, kahit pa walang

Read More »

Hamon ng Climate Change

 96,119 total views

 96,119 total views Ang climate change o pagbabago ng klima ay biggest challenge ng mundo ngayon. Ang Pilipinas ang isa sa pinakabulnerable dito. Ang epekto nito ay lubhang nararamdaman at nagdudulot ng malaking pagbabago sa ating kalikasan, kabuhayan, at pang-araw-araw na buhay. Dahil arkipelago ang ating bayan, lubhang bulnerable ito sa pagtaas ng temperatura, pagbabago sa

Read More »

Watch Live

catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kamag-anak, Inc.

 58,045 total views

 58,045 total views Mga Kapanalig, kung magkakatotoo ang sinabi ni Vice President Sara Duterte sa isang ambush interview noong isang linggo, tatlong Duterte ang makikita natin sa balota sa pagkasenador sa eleksyon sa 2025.  Sila ay ang mag-aamang sina dating Pangulong Digong Duterte, Congressman Paolo Duterte ng unang distrito ng Davao, at Mayor Sebastian Duterte ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Diplomasya ang susi

 62,024 total views

 62,024 total views Mga Kapanalig, “misunderstanding” o aksidente lamang para sa Malacañang ang pinakahuling insidente ng komprontasyon sa Ayungin Shoal (o Second Thomas Shoal) sa pagitan ng Chinese Coast Guard at Philippine Navy. Sa naturang insidente na nangyari dalawang linggo bago matapos ang Hunyo, hinarang ng mga Chinese coast guard personnel ang mga bangka ng Philippine

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Educator sa DepEd

 72,916 total views

 72,916 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, wala pa ring pinapangalanan ang administrasyong Marcos Jr na ipapalit na kalihim ng Department of Education (o DepEd). Nagulat ang marami nang mag-resign si Vice President Sara Duterte bilang DepEd secretary at opisyal ng isa pang opisina noong June 19. Sa sulat sa isinapubliko

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Heatwave at Malubhang Pagbaha sa Pilipinas

 85,358 total views

 85,358 total views Ang Pilipinas, bilang isang arkipelagong bansa, ay madalas na nakakaranas ng iba’t ibang kalamidad na dulot ng pagbabago ng klima. Isa sa mga pangunahing suliranin na kinakaharap natin ngayon ay ang matinding init o heatwave. Ka-alternate naman nito, kapanalig, ay ang malawakang pagbaha naman sa iba-ibang parte ng ating bansa, kahit pa walang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hamon ng Climate Change

 96,120 total views

 96,120 total views Ang climate change o pagbabago ng klima ay biggest challenge ng mundo ngayon. Ang Pilipinas ang isa sa pinakabulnerable dito. Ang epekto nito ay lubhang nararamdaman at nagdudulot ng malaking pagbabago sa ating kalikasan, kabuhayan, at pang-araw-araw na buhay. Dahil arkipelago ang ating bayan, lubhang bulnerable ito sa pagtaas ng temperatura, pagbabago sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pangangalaga sa Bata para sa Kinabukasan ng Bansa

 51,088 total views

 51,088 total views Kung nais mo makita ang kinabukasan ng bansa, kapanalig, tingnan mo na lamang kung paano natin inaalagaan ang mga bata. Ito ang magtatakda ng direksyon ng ating bayan sa darating na panahon. Ang mga bata ay kayamanan ng bawat lipunan. Sila ang magmamana at magpapatuloy ng ating mga adhikain at mithiin. Ipapasa natin

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Alagaan ang mental health ng mga estudyante

 50,633 total views

 50,633 total views Mga Kapanalig, sa pagtutok natin sa kalusugan ng mga bata at kabataan, nabibigyang-pansin din ba ang kalusugan ng kanilang pag-iisip o mental health? Kung ang sagot ninyo ay “hindi,” mukhang kailangan natin itong pansinin. Tumaas daw kasi ang suicide rate sa mga kabataan noong 2023. Ayon sa Unilab Foundation, may 404 na kaso

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition

 52,857 total views

 52,857 total views Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang buwan, ilang beses na inilagay sa yellow at red alert ng National Grid Corporation of the Philippines ang Luzon at Visayas power grids. Ito raw ay dahil sa pagpalya ng ilang power plants at hindi sapat na suplay ng kuryente na nagdulot ng power interruptions at pagtaas ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Patuloy na panawagan para sa katarungan

 46,357 total views

 46,357 total views Mga Kapanalig, hinatulang guilty ng Caloocan Regional Trial Court ang apat na pulis mula Caloocan City sa salang homicide kaugnay ng pagkamatay noong 2016 nina Luis Bonifacio at kanyang anak na si Gabriel, 19 anyos, sa isang operasyon sa ilalim ng war on drugs ni dating Pangulong Duterte.  Kuwento ng misis ni Luis,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga Hamon sa Kabataan

 45,708 total views

 45,708 total views Ang mga bata ay itinuturing na pinakamahalagang yaman ng isang bansa. Sila ang kinabukasan at pag-asa ng lipunan. Sa Pilipinas, ang karapatan ng mga bata ay pinahahalagahan at pinoprotektahan ng batas. Pero sa kabila nito, marami pa ring bata ang nakararanas ng iba’t ibang uri ng pang-aabuso, karahasan, at diskriminasyon. Maraming hamon sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inequality sa ating Bayan

 51,576 total views

 51,576 total views Ang hindi pagkakapantay-pantay o inequality sa Pilipinas ay isang napakalalim at malawak na isyu. Malaki ang epekto nito sa lipunan, ekonomiya, at pulitika ng bansa. Sa kabila ng mga pagsisikap na ginagawa ng pamahalaan at iba’t ibang sektor upang mapabuti ang kalagayan ng mga mamamayan, nananatiling matindi ang agwat sa pagitan ng mayaman

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga Katutubo

 55,322 total views

 55,322 total views Kapanalig, ang mga katutubo o indigenous peoples (IPs) ay kapwa natin Pilipino – pero hindi ba’t parang invisible sila sa ating bayan? Ang IPs ay kapatid natin sa kasaysayan, kultura, at pagkakakilanlan. Ang ating mga tradisyon, paniniwala, paraan ng pamumuhay ay ating mata-trace sa kanila. Ang ating common heritage ay nagpapakita ng yaman

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pera, hindi tao, ang mahalaga sa POGO

 61,272 total views

 61,272 total views Mga Kapanalig, sa raid na ginawa sa isa na namang POGO hub kamakailan, naka-recover ang mga awtoridad ng iligal na droga, libu-libong pera, alahas, at torture devices.  Nangyari ito sa POGO hub sa bayan ng Porac sa Pampanga. Nasamsam ng mga tauhan ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (o PAOCC) ang mga bagay na

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Proteksyon para sa mga magsasaka

 41,459 total views

 41,459 total views Mga Kapanalig, malapit nang matapos ang pangalawang taon ni Pangulong Bongbong Marcos Jr, pero hinahanap pa rin ng marami sa atin ang pangako niyang gawing ₱20 kada kilo ang presyo ng bigas.  Malapit na raw itong mangyari. Pagsapit daw ng Agosto, inaasahan ng gobyernong bababa sa ₱29 kada kilo ang pinakamababang presyo ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Panagutin ang dapat panagutin

 52,578 total views

 52,578 total views Mga Kapanalig, natatandaan pa ba ninyo ang kontrobersyal na kompanyang Pharmally Pharmaceutical Corporation? Maikling rewind lang po tayo. Noong kasagsagan ng COVID-19 pandemic, bumili ang gobyerno sa Pharmally ng sandamakmak na medical PPE (o personal protective equipment), katulad ng face masks at face shields. Umabot sa 11.5 bilyong piso ang ibinayad sa naturang

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top