Crackdown ng DOLE sa abosadong fast food chains, kinilala

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 3,739 total reads

Pinuri ng Associated Labor Unions – Trade Union Congress of the Philippines o ALU-TUCP ang naging pagkilos ng Department of Labor and Employment laban sa malalaking fast-food chains sa Pilipinas na lumalabag sa karapatan ng mga mangagawa.

Ayon kay Allan Tanjusay, tagapagsalita ng ALU-TUCP, ipinapakita lamang nito na kung talagang nanaisin ng mga ahensya ng pamahalaan na higpitan ang kanilang mandato ay hindi imposibleng maipatupad ang mga ito.

“Kino-congratulate natin ang Department Of Labor and Employment na kapag gusto pala nilang gawin yung kanilang trabaho, i-check yung kalagayan ng ating mga mangagawa, ay kaya pala nilang gawin. Kaya dito, sa inspection na kanilang ginawa ay nakita nila na yung Jolibee at Burger King ay napakarami nang violation,” bahagi ng pahayag ni Tanjusay sa Radyo Veritas

Ilan sa mga nadiskubre ng DOLE na ginawang paglabag ng mga naturang fast-food chains ay ang pagkakaroon ng illegally collected payments, hindi pagbabayad ng holiday pay at iba pang benefits ng mga empleyado at ang libo-libong endo workers na napakaliit lamang ng sweldo.

Samantala, dahil sa sinimulang mga pagsisiyasat ng DOLE, ipinangako ng ALU-TUCP na hindi mananahimik ang kanilang grupo at magpapatuloy sa pagsasagawa ng mga pagkilos upang ipagtanggol ang mga karapatan ng mga manggagawa.

Sa Social Doctrine of the Church, bagamat pabor ang Simbahan na kumita ang isang mamumuhunan kinakailangang na ang kitang ito ay nakakamit sa malinis na pamamaraan nang hindi nasasakripisyo o naaapektuhan ang karapatan ng mga manggagawa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 152,367 total reads

 152,367 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 225,277 total reads

 225,277 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 258,725 total reads

 258,725 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 294,024 total reads

 294,024 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 514,604 total reads

 514,604 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

BAKIT LALAYO PA?

 39,204 total reads

 39,204 total reads May mga pagkakataong hindi na kailangang pumunta pa sa malayo para makita ang panlilinlang. Minsan, nasa paligid lamang natin. Nasa mga lugar na

Read More »

KAPAG ANG PULITIKA AY NAGING PANATISMO

 32,090 total reads

 32,090 total reads Kapag ang suporta sa isang lider ay nauuwi sa pagkamuhi sa kapwa, hindi na lamang pulitika ang nakataya—pati ang pagkakaisa ng bayan.  

Read More »
Scroll to Top