Kilalanin ang guidelines para sa minors

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 580 total reads

Nararapat kilalanin ng mga otoridad ang mga alintuntunin o partikular na mga batas na nagbibigay proteksiyon sa mga kabataan na nakagawa ng kasalanan.

Ito ang binigyang diin ni Rev. Fr. Conegundo Garganta – Executive Secretary ng CBCP Episcopal Commission on Youth kaugnay sa pagtugon ng mga alagad ng batas sa kaso ng mga menor de edad na nakagawa ng pagkakamali o nagkasala sa batas.

Ayon sa Pari, sa kabila ng pagkakalihis ng direksyon ng mga kabataang lumabag sa batas ay mayroon silang mga karapatan na kinakailangang bigyang paggalang upang matulungan ang mga ito na maitama ang kanilang pagkakamali at makapagbagong buhay.

“Kilalanin din po natin yung mga guidelines at saka yung parameters or limitations na hinihingi ng batas na may kaugnayan para sa pagkilala pa rin natin ng karapatan ng mga minors o ng mga kabataan kahit po sila ay nakagawa ng krimen o ng paglihis, paglabag sa batas, sila rin po ay may mga karapatan kung saan matutulungan sila makita nila ang kanilang sarili sa kanilang naging kamalian…” pahayag ni Father Garganta sa panayam sa Radio Veritas.

Iginiit ng Pari na may mga batas na nagbibigay proteksiyon sa mga kabataan na may kaakibat na pamamaraan upang maitama ang kanilang pagkakamali.

“Meron po tayong paanyaya at panawagan din para sa ating nasa pagpapatupad ng batas lalo na ukol sa mga kabataan o yung tinatawag natin na delinquents or minors na meron po tayong pamantayan na alam nating nakapaloob rin sa batas at sana poi to ay ating naipatutupad” Dagdag pa ni Father Garganta.

Nasasaad sa Juvenile Justice Law o RA 9344 na naamyendahan ng Republic Act 10630o   JUVENILE JUSTICE AND WELFARE ACT OF 2006 na ang mga kabataang edad 18-taong gulang pababa ay wala pang kriminal na pananagutan sa halip ay dapat na ipasailalim sa intervention program maliban na lamang kung isinagawa ang krimen ng may buong pag-intindi o pag-unawa na magbubunsod upang isailalim sa naangkop na paglilitis.

Bukod dito, dapat ding bigyan ng espesyal na pagtrato ang mga kabataang nagkasala sa batas lalo na sa pagharap sa korte kung saan dapat ding isailalim ang mga ito sa pisikal at mental na pagsusuri.

Iginiit ng Association of Major Religious Superiors of the Philippines na gabay, kalinga at atensiyon ang kinakailangan ng mga batang criminal offender upang maituwid ang kanilang pagkakamali at maging mabuting mamamayan sa halip na ikulong kasama ang mga kriminal.

Radyo Veritas 846, kinilala ng RMAF

 17,120 total reads

 17,120 total reads Binigyang-diin ni Ramon Magsaysay Award Foundation (RMAF) President Susanna Afan ang kahalagahan ng pagkukuwento sa pagpapalalim ng pagkakaunawaan at pagpapalapit ng mga mamamayan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 77,166 total reads

 77,166 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 162,533 total reads

 162,533 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 209,269 total reads

 209,269 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 257,140 total reads

 257,140 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 357,321 total reads

 357,321 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top