234 total views
Ibinahagi ni Cebu Auxiliary Bishop Dennis Villarojo dating Secretary ni Archbishop Emeritus Ricardo Cardinal Vidal ang mga aral ng Kardinal na tumatak sa kanyang puso.
Ayon kay Bishop Villarojo isa sa hindi niya malilimutan ang ibinahagi ni Cardinal Vidal na formula for peace.
Tinukoy dito na hindi dahil kontra ang isang tao ay dapat na itong ituring na kaaway dahil maaari silang maging malakas na katuwang o kakampi.
“What you told us then is a formula for peace. Those who disagree with us are not necessarily our enemies, they could be our most vital collaborators, our most important allies allowing disagreement to alienate us from others is like cutting off our limbs when they start aching… The moral high ground you took enabled you to broker a peace among the worrying factions knowing that some of our quarrels are not really based on principles but on personalities.” Pahayag ni Bishop Villarojo.
Bukod dito, sinabi pa ni Bishop Villarojo na ang pag-aaway o hindi pagkakaunawaan ay kinakailangang pag-usapan ng personal at huwag idaan sa Social media.
“You believe that quarrels are always manmade and the best way to resolve them is not to the in personal and often brutal battle field of the airwaves or the social media, but face to face, heart to heart. Instead of making public pronouncements, you made personal visits. Instead of merely issuing pastoral letters, you formed the people’s conscience by catechesis and grassroots organization.” Dagdag pa ng Obispo
Samantala, inalala din ni Bishop Villarojo ang pangaral ng Cardinal noong sila ay mga seminarista pa lamang at nagrereklamo sa kakulangan sa pasilidad sa mga seminaryo.
Partikular na hinaing ng mga seminarista ang hindi sapat na pagkain, kaya naman sinabi ng cardinal, “It is good to eat, and yet not become full. Regulate your desires, “Ayaw pun-a ang imong tiyan kon mokaon ka, pagbilin ug luna kay moinom pa ra ba kag tubig.” He who seeks his life will lose it. He will lose his life, for may seek will find it.”
Ayon kay Bisho Villarojo, binigyang diin ni Cardinal Vidal na mas mahalagang pangalagaan ang ating kaluluwa kaysa punan ang kagutuman ng pisikal na pangangatawan.
Samantala, sa huling bahagi ng homiliya ni Bishop Villarojo inalala nito ang habilin sa kanya ni Cardinal Vidal na itinuturing niyang pinakamahalaga sa lahat.
“Take care of your brother priests.” I always known that you love your priests so much, but ‘till the end they were foremost in your mind. I used to grumble when you leave too early for your masses in the parishes, I realized later, you wanted to spend more quality time with your priests, talking, laughing, and bonding with your fellow workers in the vineyard of the Lord.” Pagbabahagi ni Bishop Villarojo.
Kaninang alas nuebe ng umaga, ginanap ang Requiem Mass para kay Cardinal Vidal at sinundan ng prusisyon kung saan inihatid ng mga mananampalataya ang Kardinal sa kanyang huling hantungan sa Museleo ng Cebu Cathedral.
Si Cardinal Vidal na yumao sa edad na 86 ay naglingkod sa Archdiocese of Cebu sa loob ng 29 na taon.
Ipinamalas nito sa halos tatlong milyong mananampalataya sa Cebu ang buhay na si Hesus sa pamamagitan ng kanyang pag-aalay ng sarili sa kapwa at sa pagsunod sa kalooban ng Diyos.