Itigil na ang kultura ng katakutan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 648 total views

Magsuot ng damit na kawangis ang mga Santo sa halip na magsuot ng mga nakakatakot ngayong halloween.

Ito ang mungkahi ni Father Daniel Estacio, exorcist ng Diocese of Pasig at parish priest ng Santo Niño de Taguig kaugnay sa nauusong halloween party at trick or treat sa tuwing nalalapit ang pagdiriwang ng All Saints Day at All Souls Day.

“Kumbaga pino-promote natin yung culture ng katatakutan, na hindi naman talaga ‘yun ang essence ng pagdiriwang natin ng All Saints Day at All Souls Day-so paggunita ‘yun sa mga mahal nating yumao at paggunita sa mga banal na kasama na ng Panginoon sa langit,” ayon kay Fr. Estacio.

Ayon kay Fr. Estacio, sa halip na ipromote ang nakakatakot na kultura mas mabuting gamitin itong pagkakataon para magbigay ng katesismo hinggil sa mga santo ng simbahang katolika na siyang dapat maging modelo at tularan lalu na ng mga kabataan.

Dagdag pa ng pari, ang pagsusuot ng mga nakakatakot na itsura ay maari ring makaengganyo ng mga masasamang espiritu.

“The more na nagsusuot ka ng mga costume na mga nakakatakot kumbaga pinpromote mo ang mga kademonyuhan, ‘yung mga evil spirit. Hindi siya advisable. Di ba nung tayo ay bininyagan dinamitan tayo ng puting kasuotan, yun ang ating baptismal garment ang tawag sa atin sa pagkakabanal. So therefore, kailangan i-maintain natin ‘yun. So kung magkakaroon man tayo ng costume yung mga costume na ng mga Santo na instead ung mga katatakutan,”pahayag ni Fr. Estacio.

Dagdag pa ng pari; “Not necessarily na sasapian ka, kumbaga the more mo kasi silang nirerecognize ang presence nila, parang pinahahalagahan mo sila. So it could invite, pero not necessarily na sasapian ka.”

Kamakailan lamang, 35 bagong Santo ang itinalaga ng simbahan na ayon kay Pope Francis ay isang patunay ng pagmamahal ng Panginoon sa mga tao – at magbibigay ng mabuting halimbawa sa ating pamumuhay ang pagmamahal na pangunahing sandata sa kasamaan.

Una na ring hinikayat ni Pasig Bishop Mylo Vergara, chairman ng CBCP-Episcopal Commission on Social Communications and Mass Media ang mananampalataya lalu na ang kabataan na magdamit tulad ng mga santo at gawin itong tradisyon- ang ‘parade of saints’ na taunan nang isinasagawa sa ilang mga parokya at katolikong paaralan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAKIT BIGO ANG K-12?

 46,181 total views

 46,181 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 42,050 total views

 42,050 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 78,252 total views

 78,252 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 86,987 total views

 86,987 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 112,399 total views

 112,399 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top