Kinatawan ng simbahan, naghahanda sa oral argument ng anti-terror law

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 798 total reads

Umapela sa mga mahistrado ng Korte Suprema ang Association of Major Religious Superiors in the Philippines (AMRSP) na pakinggan ang bawat argumento sa mga panganib na maaring idulot ng Anti-Terrorism Law.

Ito ang panawagan ni AMRSP Co-Executive Secretary Rev. Fr. Angelito Cortez, OFM kaugnay sa nakatakdang oral arguments sa Korte Suprema para sa mga petisyon sa pinagtatalunang batas.

“Ramdam na ramdam na natin ang bangis ng Terror Law noong wala pa, lalo na ng maisabatas. Kami sa AMRSP na kumakatawan sa hanay ng mga taong Simbahan ay nanawagan sa mga mahistrado na pakinggan ang bawat argumento na kumakatawan sa boses ng mamayang Pilipino.” Ang bahagi ng pahayag ni Fr. Angelito Cortez, OFM sa panayam sa Radyo Veritas.

Paliwanag ng Pari, bago pa man maisabatas ang Anti-Terror Law ay nasaksihan na ng lahat ang lupit ng batas na maituturing na laban sa bayan at mamamayan.

Tinukoy ni Fr. Cortez ang talamak na red-tagging sa mga lingkod ng Simbahan kabilang na sa mga madre, pari at maging sa mga layko.

Pinuna din ng Pari ang paraan ng pagpapatahimik ng administrasyon sa mga kritiko at sa mga tagapaghatid ng mga balita na hindi pabor sa pamahalaan.

Nanawagan naman si Fr. Cortez sa mananampalataya na ipanalangin ang katatagan at kaliwanagan ng isip ng lahat ng mga magtatanggol upang maipawalang bahala ang batas sa pamamagitan ng pagtalakay sa mga implikasyon sa kaligtasan at kapakanan ng mamamayan.

“Nakita natin at narinig kung paano iniisa-isang i-red tag ang mga madre, pari, layko at mga kabataan. Nakita natin at narinig kung paano iparalisa ang mga institusyong naninidigan para sa katotohanan katulad ng mga paaralan. Nakita natin at narinig kung paano patahimikin ang media at ang mga tagapagdala ng balita, ito ang Terror law ang batas laban sa bayan. Ipagdasal po natin ang mga grupo at abogado na mangunguna sa pagtatangol upang ibasura ang batas na ito.” Dagdag pa ni Fr. Cortez.

Itinakda ang oral arguments sa February 2.



Sa tala ng Korte Suprema may 37-petisyon na inihain ng iba’t ibang mga sektor na kumukwesyon sa legalidad ng Anti-Terrorism Act of 2020.

Kabilang sa mga petisyon ang inihain ng AMRSP bilang kinatawan ng mga relihiyoso at mga layko ng Simbahang Katolika dahil sa paglabag ng Anti-Terror Law sa Freedom of Religious Expression.

Makailang-ulit nang naparatangang kalaban ng pamahalaan ang ilang mga lider ng Simbahan dahil sa pagpuna sa paraan ng pamamahala sa bansa.

Radyo Veritas 846, kinilala ng RMAF

 3,668 total reads

 3,668 total reads Binigyang-diin ni Ramon Magsaysay Award Foundation (RMAF) President Susanna Afan ang kahalagahan ng pagkukuwento sa pagpapalalim ng pagkakaunawaan at pagpapalapit ng mga mamamayan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 56,100 total reads

 56,100 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 141,466 total reads

 141,466 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 188,202 total reads

 188,202 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 236,074 total reads

 236,074 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 337,301 total reads

 337,301 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top