VeritasPH

The Word, The Truth

 2,024 total views

Mga Kapanalig, lahat naman siguro sa atin ay sasang-ayong ang mahusay na edukasyon ang pinakamahalagang paraan upang umunlad tayo bilang mga indibidwal at bilang bayan. Ngunit kumusta nga ba ang sitwasyon ng ating edukasyon lalo pa’t kakaibang paraan ng pagtuturo at pag-aaral ang ginagawa ngayon dahil sa pandemya.

Bago pa man ang pandemya, may mga palatandaan nang nagpapakitang malaki ang kakulangan ng ating mga mag-aaral sa kanilang natututunan sa paaralan. Sa isang pandaigdigang pag-aaral na isinagawa noong 2018, pinakahuli ang Pilipinas sa 79 na bansa sa kakayahan ng mga mag-aaral na labinlimang taong gulang sa pag-unawa, pagsusuri, pagninilay, at paggamit ng kanilang nababasa. Ang makabuluhang pagbabasa ay hindi lamang na nakababasa ang mga bata ng mga salita at pangungusap kundi kanilang nauunawaan at nagagamit ang nakuhang kaisipan at kaalaman para sa kanilang mga mithiin sa buhay at upang makilahok sa komunidad at lipunan. Dito ay maliwanag na bagsak ang ating grado.

Sa math at science, mababa rin ang naging ranggo ng Pilipinas, ‘di nalalayo sa ranggo sa reading comprehension. Ang pinapahiwatig nito ay ang malungkot na katotohanang marami sa ating mga kabataan ay lalakíng kulang sa mga kakayahang kinakailangan upang mapaunlad ang kanilang sarili, maunawaan ang mga nagaganap sa kanilang paligid, kasama na rito ang mga patakaran at programa ng pamahalaang may epekto sa kanilang buhay.

Napalalâ pa ang sitwasyong ito ng pandemya. Ayon sa isang senador, base sa datos ng DepEd, mahigit dalawang milyong mag-aaral ang hindi nakapagtuloy ng pag-aaral dahil sa pandemya. Ayon naman sa ulat ng isang pribadong organisasyon, tatlo sa bawat apat na pampublikong paaralan ay walang internet upang makasabay sa blended o distance learning na paraan ng pagtuturo. Sabi nga ni Bise Presidente Leni Robredo, marahil ay dapat natin kilalaning mayroon tayong krisis sa edukasyon. Kung wasto nating kinikilalang mayroon tayong kakulangan at problema, ito ay ang unang hakbang sa paghanap ng solusyon.  Kapag tayo ay nagiging bulag sa ating mga kakulangan, tayo ay magiging kampante at hindi magpupursige na pagbutihin ang ating ginagawa.

Kung mayroon mang dapat pagtuunan ang huling taon ng administrasyon ni Pangulong Duterte, marahil ay wala nang mas mahalaga pa kaysa ang pagsisiguro na ang mga mag-aaral, lalo na ang mga nag-aaral sa mga pampublikong paaralan, ay naaalalayan at nabibigyan ng sapat na tulong upang makagamit ng teknolohiyang kinakailangan sa kanilang pag-aaral. Sa kasalukuyang panahon ng pandemya, madalas nating pinag-uusapan ang kahalagahan ng siyensiya at ang magdesisyon batay sa siyentipikong pag-iisip. Kapag kulang ang mga mamamayan ng ganitong kakayahan, hindi sila nakapagpapasya para sa kanilang sarili, at hindi nila alam timbangin kung ang mga desisyon ng mga namumuno sa kanila ay wasto o mali. Ito kaya ang nais ng ating mga namumuno—na ang mga tao ay sumunod na lamang at hindi makapag-isip para sa kanilang sarili? Hindi naman sana.

Sa darating na halalan, sinasabi nating dapat maging mapanuri ang mga botante.  Paano sila magsusuri kung kulang ang kanilang ang kakayahang umunawa, maghanap ng impormasyon, at magtimbang sa mga ito. Paano sila magpapasya nang tama?

Ang ating Simbahan ay binibigyan ng napakabigat na halaga ang edukasyon bilang karapatan ng bawat tao dahil sa dignidad nito at upang matamo ang kabutihan ng lipunan kung saan siya ay inaasahang mag-ambag. Sinasabi sa Gravissimum Educationis na dapat sinasanay ang kabataan upang makibahagi sa buhay-panlipunan, maging aktibo sa mga samahang pangkomunidad, makipagdiskurso sa kanilang kapwa, at gawin ang kanilang makakaya upang maisulong ang kabutihang panlahat.

Mga Kapanalig, sabi nga sa Mga Kawikaan 4:7-8, “Unahin mo sa lahat, pagtuklas ng karunungan, ito’y pilitin mong matamo kahit gaano kamahal.  Karununga’y pahalagahan at ika’y kanyang itataas, bibigyan kang karangalan kapag iyong niyakap.”

Sumainyo ang katotohanan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Kalidad ng pagtuturo

 6,167 total views

 6,167 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »

Mga payaso sa sirko

 13,703 total views

 13,703 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »

BPO industry

 29,689 total views

 29,689 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »

Balik Probinsya

 37,734 total views

 37,734 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »

Kuryente

 42,814 total views

 42,814 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kalidad ng pagtuturo

 6,168 total views

 6,168 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga payaso sa sirko

 13,704 total views

 13,704 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BPO industry

 29,690 total views

 29,690 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Balik Probinsya

 37,735 total views

 37,735 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kuryente

 42,815 total views

 42,815 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nutrisyong sapat para sa lahat

 43,363 total views

 43,363 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 45,149 total views

 45,149 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Umento sa sahod ng mga manggagawa

 42,074 total views

 42,074 total views Mga Kapanalig, inapubahan bago matapos ang Hunyo ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang ₱35 na dagdag sa arawang sahod ng mga manggagawa dito sa National Capital Region (o NCR). Mula ₱610 ay magiging ₱645 ang minimum daily wage ng mga non-agricultural workers sa rehiyon.  Dismayado dito ang ilang labor groups. Para

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Irigasyon

 56,388 total views

 56,388 total views Kapanalig, ang Pilipinas ay isang bansang agrikultural na lubos na umaasa sa pagsasaka para sa kabuhayan ng maraming mamamayan. Ang irigasyon, o ang sistematikong pamamahagi ng tubig sa mga taniman, ay isang mahalagang aspeto ng agrikultura na may malaking epekto sa produksyon ng mga pananim, seguridad ng pagkain, at pangkalahatang pag-unlad ng bansa.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lifelong learning skills

 60,078 total views

 60,078 total views Kapanalig, sa ating digital world ngayon, maraming mga disruptions at mabilis ang pagbabago. Maraming mga imbensyon at inobasyon ang sumusulpot at umuusbong na nagbabago ng ating way of life at way of doing business. Kapag ang mamamayan ay hindi handa dito, lagi tayong mahuhuli at mahihirapan mag transisyon. Change, kapanalig, is constant. At

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Brain drain

 58,681 total views

 58,681 total views Dahil nasa digital age na tayo ngayon, ang mga science-based at digital industries ang karaniwang nangunguna sa merkado. Dahil sa malaking pagbabago na ito, ang mga uri ng trabaho na kailangan sa job market ngayon ay kinakailangan mas maraming scientists, engineers, programmers, IT specialists, at ibang kaugnay na trabaho. Ayon nga sa UNESCO

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kamag-anak, Inc.

 68,668 total views

 68,668 total views Mga Kapanalig, kung magkakatotoo ang sinabi ni Vice President Sara Duterte sa isang ambush interview noong isang linggo, tatlong Duterte ang makikita natin sa balota sa pagkasenador sa eleksyon sa 2025.  Sila ay ang mag-aamang sina dating Pangulong Digong Duterte, Congressman Paolo Duterte ng unang distrito ng Davao, at Mayor Sebastian Duterte ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Diplomasya ang susi

 72,636 total views

 72,636 total views Mga Kapanalig, “misunderstanding” o aksidente lamang para sa Malacañang ang pinakahuling insidente ng komprontasyon sa Ayungin Shoal (o Second Thomas Shoal) sa pagitan ng Chinese Coast Guard at Philippine Navy. Sa naturang insidente na nangyari dalawang linggo bago matapos ang Hunyo, hinarang ng mga Chinese coast guard personnel ang mga bangka ng Philippine

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Educator sa DepEd

 83,523 total views

 83,523 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, wala pa ring pinapangalanan ang administrasyong Marcos Jr na ipapalit na kalihim ng Department of Education (o DepEd). Nagulat ang marami nang mag-resign si Vice President Sara Duterte bilang DepEd secretary at opisyal ng isa pang opisina noong June 19. Sa sulat sa isinapubliko

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Heatwave at Malubhang Pagbaha sa Pilipinas

 95,962 total views

 95,962 total views Ang Pilipinas, bilang isang arkipelagong bansa, ay madalas na nakakaranas ng iba’t ibang kalamidad na dulot ng pagbabago ng klima. Isa sa mga pangunahing suliranin na kinakaharap natin ngayon ay ang matinding init o heatwave. Ka-alternate naman nito, kapanalig, ay ang malawakang pagbaha naman sa iba-ibang parte ng ating bansa, kahit pa walang

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top