Nakakatanda, biyaya sa pamilya

SHARE THE TRUTH

 638 total views

Biyaya ng Diyos sa bawat pamilya ang mga nakatatanda.

Ito ang ibinahaging katekesis ni Lipa Archbishop Gilbert Garcera kaugnay sa kauna-unahang selebrasyon ng World Day for Grandparents and the Elderly sa Hulyo 25, kasabay ng Kapistahan nina San Joaquin at Sta. Ana – mga magulang ng Birheng Maria, lolo at lola ni Hesus.

Ayon kay Archbishop Garcera, na siya ring kasalukuyang chairman ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – Episcopal Commission on Family and Life, sina San Joaquin at Sta. Ana ay naging huwarang magulang kay Maria na ibinahagi ang kagandahang-asal at kabanalan hanggang sa maipanganak ang kanilang apong si Hesus.

Paliwanag ng Arsobispo na ang mga nakatatanda ang simbolo ng kasaysayan na nagpapatunay ng ating presensya sa mundong ibabaw.

Gayundin, sila ang instrumento ng Panginoon upang patuloy na maisalin sa mga susunod na henerasyon ang kagandahang-asal sa kapwa at pagkakaroon ng matatag na pananalig at pananampalataya.

“Tulad ni San Joaquin at Sta. Ana – lolo at lola ni Jesus – kung wala si lolo at si lola, nasaan tayo ngayon? Sila ay tanda ng kasaysayan na siyang nagsasalin ng pananampalataya sa atin. They transmit the faith sa ngayon. Kung ano ang kasaysayan na dumaan, hanggang ngayon, ipinagpapatuloy natin sa pamamagitan ng kwento nila,” bahagi ng katekesis ni Archbishop Garcera.

Hinihiling naman ni Archbishop Garcera na nawa’y ang bawat pamilya ay patuloy na pahalagahan ang mga nakatatanda sapagkat malaki at makabuluhan ang kontribusyon ng mga ito, hindi lamang sa lipunan, kundi maging sa pagpapalaganap ng pananampalatayang Kristiyano.

Idineklara ni Pope Francis ang kauna-unahang World Day for Grandparents and the Elderly, ngayong taon na may temang “I am with you always” na naglalayong bigyang-pansin ang pagiging malapit ng Simbahan at ng Panginoon sa bawat isa partikular na sa mga nakatatanda lalo na ngayong panahon ng pandemya.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

50-PESOS WAGE HIKE

 16,287 total views

 16,287 total views 50-pisong dagdag sa arawang sahod ng mga minimum wage earners. Dapat bang matuwa ang mga manggagawang Pilipino lalu sa National Capital Region? Sa

Read More »

PRIVATIZATION

 26,915 total views

 26,915 total views Kapag palpak ang pagpapatakbo ng gobyerno at ahensiya nito sa isang public services., dahil sa kakulangan ng kakayahan., korapsyon… ang solusyon, (privatization)… isapribado

Read More »

BICAM OPEN TO PUBLIC

 47,938 total views

 47,938 total views Napakagandang hangarin at mithiin., maisakatuparan naman kaya ito? Kapanalig, ang bicameral conference committee ay binubuo ng mga mambabatas mula sa mataas at mababang

Read More »

Isang bayang hindi kayang mag-isip

 66,771 total views

 66,771 total views Mga Kapanalig, “exceptional product of human genius” ang tawag ni Pope Leo XIV sa artificial intelligence (o AI). Mula sa healthcare hanggang sa

Read More »

Pagulungin ang proseso ng batas

 99,320 total views

 99,320 total views Mga Kapanalig, humiling ang defense team ni dating Pangulong Duterte na payagan ang kanilang kliyente na pansamantalang palayain habang dinidinig ang kanyang kasong

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

Scroll to Top