Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Kristong Hari ng sanlibutan, tunay nga ba nasasalamin natin?

SHARE THE TRUTH

 6,469 total views

Lawiswis ng Salita ni P. Nicanor F. Lalog II, Ika-28 ng Nobyembre 2023

Habang naghahanda para sa Dakilang Kapistahan ng Kristong Hari ng Sanlibutan noong Linggo (26 Nobyembre 2023), pabalik-balik sa aking gunita at alaala ang unang taon ng COVID-19 pandemic kasi noong mga panahong iyon, tunay na tunay nga si Jesus ang Hari nating lahat.

Marahil dahil sa takot at kawalan ng katiyakan noong mga panahon iyon na kay daming namamatay sa COVID at wala pang gamot na lunas maging mga bakuna, sadyang sa Diyos lamang kumakapit ang karamihan.

Hindi ko malimutan mga larawang ito noon sa dati kong parokya na mga tao ay lumuluhod sa kalsada sa pagdaraan ng paglilibot namin ng Santisimo Sakramento noong Dakilang Kapistahan ng Kristong Hari noog Nobyembre ng 2020.

Marubdob ang mga eksena noon at damang dama talaga pagpipitagan ng mga tao sa Santisimo Sakramento.

Sinimulan namin ito noong unang Linggo ng lockdown, ika-22 ng Marso 2020 na ikalimang linggo ng Kuwaresma. Tandang tanda ko iyon kasi birthday ko rin ang araw ng Linggong iyon.

At dahil walang nakapagsimba sa pagsasara ng mga simbahan noon, minabuti kong ilibot ang Santisimo Sakramento ng hapong iyon upang masilayan man lamang ng mga tao si Jesus, madama nilang buhay ang Panginoon at kaisa sila sa pagtitiis sa gitna ng pandemic.

Hiniram ko ang F-150 truck ng aming kapit-bahay. Hindi ko pinalagyan ng gayak ang truck maliban sa puting mantel sa bubong nito kung saan aking pinatong ang malaki naming monstrance. Nagsuot ako ng kapa at numeral veil habang mga kasama ko naman ay dala ang munting mga bell para magpaalala sa pagdaraan ng Santisimo.

Pinayagan kami ng aming Barangay chairman si Kuya Rejie Ramos sa paglilibot ng Santisimo at pinasama ang kanilang patrol kung saan sumakay ang aming mga social communications volunteer na Bb. Ria De Vera at Bb. Anne Ramos na silang may kuha ng lahat ng larawan noon hanggang sa aking pag-alis at paglipat ng assignment noong Pebrero 2021.

Nakakaiyak makita noon mga tao, bata at matanda, lumuluhod sa kalsada. Ang iba ay may sindi pang kandila at talagang inabangan paglilibot namin na aming inanunsiyo sa Facebook page ng parokya noong umaga sa aming online Mass.

Pati mga nakasakay sa mga sasakyan nagpupugay noon sa Santisimo Sakramento.

Nang maglaon, marami sa mga tahanan ang naglagay na ng mga munting altar sa harap ng bahay tuwing araw ng Linggo sa paglilibot namin ng Santisimo Sakramento.

Napakasarap balikan mga araw na iyon na bagama’t parang wakas na ng panahon o Parousia dahil sa takot sa salot ng COVID-19, buhay ang pananampalataya ng mga tao dahil nadama ng lahat kapanatilihan ng Diyos kay Jesu-Kristong Panginoon natin.

Katunayan, noong unang Linggo ng aming paglilibot ng Santisimo Sakramento, umulan ng kaunti nang kami ay papunta na sa huling sitio ng aming munting parokya. Nagtanong aking mga kasamahan, sina Pipoy na driver at Oliver na aking alalay kung itutuloy pa namin ang paglilibot. Sabi ko ay “oo”.

Pagkasagot ko noon ay isang bahag-hari ang tumambad sa amin kaya’t kami’y kinilabutan at naiyak sa eksena. Noon ko naramdaman ang Panginoon tinitiyak sa akin bilang kura noon na hindi niya kami pababayaan.

At tunay nga, hindi niya kami – tayong lahat- pinabayaan.

Kaya noong Biyernes, ika-24 ng Nobyembre 2023, napagnilayan ko sa mga pagbasa kung paanong itinalaga muli ni Judas Macabeo ang templo ng Jerusalem matapos nilang matalo at mapalayas ang mananakop na si Hariong Antiochos Epiphanes habang ang ebanghelyo noon ay ang tungkol sa paglilinis ni Jesus ng templo.

Bakit wala tayong pagdiriwang sa pagwawakas o panghihina ng epekto ng COVID-19? (https://lordmychef.com/2023/11/24/if-covid-is-over/)

Nakalulungkot isipin na matapos dinggin ng Diyos ating mga panalangin noong kasagsagan ng pandemya, tila nakalimutan na natin Siya. Kakaunti pa rin nagsisimba sa mga parokya at nahirati ang marami sa online Mass.

Walang pagdiriwang ni kapistahan ang Simbahan sa pagbabalik sa “normal” na buhay buhat nang mawala o manghina ang virus ng COVID.

At ang pinamakamasaklap sa lahat, hindi na yata si Jesus ang naghahari sa ating buhay ngayon.

Balik sa dating gawi ang maraming mga tao.

At nakakahiyang sabihin, hindi na nalampasan ng mga tao at pati ilang mga pari katamaran noong pandemic.

Nakakahiyang aminin na pagkaraan ng araw-araw na panawagan sa Facebook noong isang linggo na lumuhod at magbigay-galang kay Kristong Hari na nasa Banal na Sakramento mga tao, maraming mga pari noong Linggo ang kinatamaran magsuot na nararapat na damit tulad ng kapa at numeral veil. At pagkatapos, sasabihin, isisigaw, Mabuhay ang Kristong Hari?

Hindi pa lubusang tapos ang COVID, pero, ibang-iba na katayuan natin ngayon. Malayang muli nakakagalaw, walang face mask maliban sa ilang piling lugar tulad ng pagamutan. Ang tanong ngayong huling linggo ng ating kalendaryo sa Simbahan ay, si Jesus pa rin ba ang haring ating kinikilala, sinusunod at pinararangalan sa ating buhay, maging sa salita at mga gawa?

Nasasalamin ba natin si Kristong Hari sa ating mga sarili, lalo na kaming mga pari Niya?

ads
2
3
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

“Same pattern” kapag may kalamidad

 9,082 total views

 9,082 total views Mga Kapanalig, ulan at baha ang sumalubong sa atin sa pagpasok ng buwan ng Setyembre. Habang isinusulat natin ang editoryal na ito, labinlimang kababayan natin ang iniwang patay ng Bagyong Enteng. Marami sa kanila ay namatay sa landslide o nalunod sa rumaragasang baha. Hindi bababà sa 20 ang patuloy pa ring hinahanap. Tinahak

Read More »

Moral conscience

 23,850 total views

 23,850 total views Kapanalig, sa nararanasan at nasasaksihan nating pangyayari sa ating kapwa, sa komunidad, satrabaho, sa pamamalakad ng gobyerno…umiiral pa ba ang “moral conscience”? Sa ginagawang “budget watch” o corruption free Philippines advocacy ng Radio Veritas ay napatunayan na ang salitang “moral conscience” sa mga kawani, opisyal ng pamahalaan at mga halal na representante nating

Read More »

Pagpa-parking/budget insertions

 30,973 total views

 30,973 total views Kapanalig, sa “laymans term” ang pagpa-parking ay pag-iiwan ng sasakyan pansamantala sa isang parking space o tinatawag sa mga mall at business establishments na pay parking area. Ang pagpa-parking ay natutunan na rin ng mga mambabatas mula sa Mababang Kapulungan ng Kongreso at Mataas na Kapulungan ng Kongreso (Senado). Sa ating mga ordinaryong

Read More »

Season of Creation

 38,176 total views

 38,176 total views Nakakalungkot, ginugunita ng buong Santa Iglesia ang “Season of Creation” o panahon ng paglikha mula a-uno ng Setyembre, kasabay ng “World Day of Prayer of Creation” na magtatapos sa ika-13 ng Oktubre 2024, araw ng National Indigenous Peoples’ Sunday. Kamakailan lang, nasaksihan at naranasan ng milyong Pilipino ang matinding epekto ng pagsasawalang bahala

Read More »

Bulag na tagasunod

 43,530 total views

 43,530 total views Mga Kapanalig, gaya sa larong tagu-taguan, ilang buwan nang “tayâ” ang ating kapulisang hindi mahanap-hanap si Pastor Apollo Quiboloy ng grupong Kingdom of Jesus Christ (o KOJC). Hinihinalang nagtatago siya sa compound ng grupo sa Davao. Mahigit isang linggo na ang nakalipas mula noong ibinalita ng Philippine National Police (o PNP) na, gamit

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Nicanor Lalog II

New beginnings and mysteries

 1,188 total views

 1,188 total views The Lord Is My Chef Daily Recipe for the Soul by Fr. Nicanor F. Lalog II Friday in the Twenty-Second Week of Ordinary Time, Year II, 06 September 2024 1 Corinthians 4:1-5 <*((((>< + ><))))*> Luke 5:33-39 Photo by author, 15 August 2024. Thank you, our loving Father for another week about to

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Nicanor Lalog II

What moves you?

 2,668 total views

 2,668 total views The Lord Is My Chef Sunday Recipe for the Soul by Fr. Nicanor F. Lalog II Twenty-Second Sunday in Ordinary Time, Cycle B, 01 September 2024 Deuteronomy 4:1-2, 6-8 ><}}}*> James 1;17-18, 21-22, 27 ><}}}*> Mark 7:1-8, 14-15, 21-23 Photo by author, Sacred Heart Novitiate, Novaliches, QC, 20 March 2024. After five Sundays

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Nicanor Lalog II

True Wisdom

 2,956 total views

 2,956 total views The Lord Is My Chef Daily Recipe for the Soul by Fr. Nicanor F. Lalog II Friday in the Twenty-first Week of Ordinary Time, Year II, 30 August 2024 1 Corinthians 1:17-25 <*((((>< + ><))))*> Matthew 25:1-13 Photo by author, Chapel of angel of Peace, Our Lady of Fatima University, Valenzuela City. For

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Nicanor Lalog II

Grudge

 2,956 total views

 2,956 total views The Lord Is My Chef Daily Recipe for the Soul by Fr. Nicanor F. Lalog II Thursday, Memorial of the Passion of John the Baptist, 29 August 2024 Jeremiah 1:17-19 <*{{{{>< + ><}}}}*> Mark 6:17-29 Photo from catholicworldreport.com, “The Beheading of St. John the Baptist” (1869) by Pierre Puvis de Chevannes. A precursor

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Nicanor Lalog II

Holiness of work

 4,073 total views

 4,073 total views The Lord Is My Chef Daily Recipe for the Soul by Fr. Nicanor F. Lalog II Wednesday, Memorial of St. Augustine, Bishop & Doctor of the Church, 28 August 2024 2 Thessalonians 3:6-10, 16-18 <*{{{{>< + ><}}}}*> Matthew 23:27-32 Commuters hang from the back of a jeepney as it travels along a road

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Nicanor Lalog II

Handle life with prayer

 4,341 total views

 4,341 total views The Lord Is My Chef Daily Recipe for the Soul by Fr. Nicanor F. Lalog II Tuesday, Memorial of St. Monica, Married Mother, 27 August 2024 2 Thessalonians 2:1-3, 14-17 <*((((>< + ><))))*> Matthew 23:23-26 Photo by author, St. Scholastica Spiritual Center, Tagaytay City, 20 August 2024. I thank you today, dear God

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Nicanor Lalog II

Twice worthy

 4,340 total views

 4,340 total views The Lord Is My Chef Daily Recipe for the Soul by Fr. Nicanor F. Lalog II Monday in the Twenty-first Week of Ordinary Time, Year II, 26 August 2024 2 Thessalonians 1:1-5, 11-12 <*((((>< + ><))))*> Matthew 23:13-22 Photo by author, St. Scholastica Spirituality Center, Tagaytay City, 21 August 2024. Thanks be to

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Nicanor Lalog II

What shocks you?

 5,237 total views

 5,237 total views The Lord Is My Chef Sunday Recipe for the Soul by Fr. Nicanor F. Lalog II Twenty-first Sunday in Ordinary Time, Cycle B, 25 August 2024 Joshua 24:1-2, 15-17, 18 ><}}}}*> Ephesians 5:21-32 ><}}}}*> John 6:60-69 Photo by author, St. Scholastica Spirituality Center in Tagaytay City, 21 August 2024. We now come to

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Nicanor Lalog II

Pahingalay

 6,092 total views

 6,092 total views Lawiswis ng Salita ni P. Nicanor F. Lalog II, Ika-22 ng Agosto 2024 Larawan kuha ng may-akda, Sacred heart Novitiate, Novaliches, QC, 20 Marso 2024. Halina’t magpahingalay hindi lamang upang mapawi pagod at hirap kungdi sarili ay mabawi sa kawalang kabuluhan at mga kaguluhan, pagkawindang mapigilan kaayusan ng buhay ay mabalikan; limang tanong

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Nicanor Lalog II

Sad Jesus

 6,701 total views

 6,701 total views Quiet Storm by Fr. Nicanor F. Lalog II, 19 August 2024 “Christ and Rich Young Ruler” by Heinrich Hofmann from en.wikipedia.org. The volcanic smog from Taal that has shrouded the south since early Monday morning inspired me tonight to share with you this short reflection from the gospel: Jesus said to him,”If you

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Nicanor Lalog II

Eating well, living well

 6,821 total views

 6,821 total views The Lord Is My Chef Sunday Recipe for the Soul by Fr. Nicanor F. Lalog II Twentieth Sunday in Ordinary Time, Cycle B, 18 August 2024 Proverbs 9:1-6 ><}}}}*> Ephesians 5:15-20 ><}}}}*> John 6:51-58 Photo by author, James Alberione Center, QC, 15 August 2024. It is our fourth consecutive Sunday listening to the

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Nicanor Lalog II

When getting technical & legal, we forget our personal relationships

 8,656 total views

 8,656 total views The Lord Is My Chef Daily Recipe for the Soul by Fr. Nicanor F. Lalog II Friday, Memorial of San Roque (St. Rock/Roche), Healer, 16 August 2024 Ezekiel 16:1-15, 60, 63 <*((((>< + ><))))*> Matthew 19:3-12 Photo by author, 15 August 2024. God our loving Father, thank you for the gift of personhood,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Nicanor Lalog II

Walking life’s hills with Jesus

 8,657 total views

 8,657 total views The Lord Is My Chef Daily Recipe for the Soul by Fr. Nicanor F. Lalog II Thursday, Solemnity of the Assumption of the Blessed Virgin Mary, 15 August 2024 Revelation 11:19;12:1-6, 10 ><}}}}*> 1 Corinthians 15:20-27 ><}}}}*> Luke 1:39-56 Photo from shutterstock.com Glory and praise, God Almighty Father in sending us Jesus our

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Nicanor Lalog II

Elijah & Jesus with “Lolo and the Kid”

 12,721 total views

 12,721 total views Quiet Storm by Fr. Nicanor F. Lalog II, 13 August 2024 Photo from reddit.com This is a rejoinder to my Sunday homily I posted here Saturday morning (https://lordmychef.com/2024/08/10/when-we-cry-this-is-enough-god-gives-us-more-than-enough-to-go-on/). I had published my Sunday homily that Saturday morning when I decided to unwind by watching any movie on Netflix which I do only on

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Nicanor Lalog II

When we cry “this is enough” & God gives us more than enough to go on

 10,555 total views

 10,555 total views The Lord Is My Chef Sunday Recipe for the Soul by Fr. Nicanor F. Lalog II Nineteenth Sunday in Ordinary Time, Cycle B, 11 August 2024 1 Kings 19:4-8 ><}}}}*> Ephesians 4:30-5:2 ><}}}}*> John 6:41-51 Photo by Ms. Ria De Vera in Banff, Alberta, Canada, 07 August 2024. Like the Prophet Elijah in

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top