Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Kritiko ng ML extension, hinamong pulsuhan ang mamamayan ng Mindanao

SHARE THE TRUTH

 210 total views

Hinamon ni House Speaker Pantaleon Alvarez ang mga tutol sa Martial law extension na pulsuhan ang mga residente ng Mindanao kung sang-ayon o hindi sa pag-iral ng batas militar.

Sa isinagawang special joint session, inaprubahan ng dalawang kapulungan ng Kongreso ang extension ng martial law hanggang sa katapusan ng taong 2017.

Kumpiyansa si Alvarez na malaking bahagi ng residente ng Mindanao ang sang-ayon sa martial rule dahil na rin sa presensya ng ISIS inspired armed groups sa rehiyon tulad ng Maute group upang matiyak na hindi makakapag-regroup ang grupo sa ibang lugar habang may digmaan sa Marawi City.

Hinikayat din ni Alvarez ang mga nagrereklamo ng pang-aabuso na ireport sa Commission on Human Rights (CHR) ang mga paglabag sa karapatang pantao.

Kaugnay nito, isa si Hadji Nor Makabato sa mahigit 22-libong mga estudyante ng Marawi City na lumikas at nagpahayag ng pagtutol sa M-L extension.

Sinabi naman ni Alliance of Concerned Teachers Representative Antonio Tinio na napatunayan sa kasaysayan na hindi martial law ang tugon ng suliranin sa kapayapaan sa bansa.

Ayon kay Tinio, tila taliwas ang ginagawa ng Pangulo sa sinasabing kapayapaan sa pagpapalawig ng martial law at pagtatapos naman ng usapang pangkapayapaan sa pagitan ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA).

Una na ring nagpahayag ng pagtutol ang ilang Obispo ng Mindanao sa martial law extension dahil sa pangambang posibleng pagmamalabis at mga paglabag sa karapatang pantao.

Base sa 2005 survey ng National Statistic Office, 24-porsiyento ng mahigit sa 102-milyong populasyon ng Pilipinas ay mula sa Mindanao region.

Sa pinakahuling tala, umaabot na sa 600 ang nasawi sa kaguluhan sa Marawi City, habang mahigit 400-libong residente ang nagsilikas kabilang na dito ang 1,425 na mga guro at 22-libong mag-aaral.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Apela sa bagong housing czar

 20,959 total views

 20,959 total views Mga Kapanalig, kasama si dating Secretary Jerry Acuzar ng Department of Human Settlements and Urban Development (o DHSUD) sa mga nagpasa ng courtesy

Read More »

Panagutin naman natin sila

 34,395 total views

 34,395 total views Mga Kapanalig, may mga kababayan tayong ang tingin sa impeachment trial para dinggin ang mga reklamo laban kay Vice President Sara Duterte ay

Read More »

CLIMATE CRISIS

 50,989 total views

 50,989 total views Nakakalungkot Kapanalig, tila hindi natin nauunawaan ang “climate crisis”, o nauunawaan man natin, wala lang tayong pakialam? Ito po ay sitwasyon na nagbabadya

Read More »

NUMERO

 61,223 total views

 61,223 total views Kawawang mga Pilipino, ganito lang tayo tinitingnan ng mga politiko sa panahon ng eleksyon, pagkatapos ng halalan… walang na tayong numero… wala na

Read More »

SPECIAL ANNOUNCEMENT

One Godly Vote
Simbahan at Halalan - Mid Term Election 2025
Click Here
Jubilee Pilgrimage
Veritas Eucharistic Advocate Pilgrimage
Click Here
Previous slide
Next slide

Related Story

Latest Blogs

Scroll to Top