Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Kultura ng sama-samang pagdarasal tuwing alas-sais ng gabi, ibalik ngayong Kuwaresma

SHARE THE TRUTH

 1,185 total views

Ang panahon ng Kuwaresma ang isang magandang pagkakataon at opurtunidad upang muling mapalapit sa Diyos.

Ito ang panawagan ni Diocese of Sorsogon Bishop Arturo Bastes – Chairman ng CBCP Episcopal Commission on Mission sa bawat mananampalataya bilang paghahanda sa Semana Santa.

Ayon sa Obispo, isang magandang opurtunidad ang Kuwaresma upang mas mapalalim pa ang pananampalataya at personal na relasyon sa Panginoon sa pamamagitan ng pananalangin sa harap ng Banal na Sakramento at taimtim na pagrorosaryo.

Bukod dito, binigyang diin rin ni Bishop Bastes na isa rin itong pagkakataon upang muling maibalik ang magandang tradisyon ng pamilyang Pilipino na sama-samang pananalangin tuwing alas-sais ng gabi.

“First prayer, be close to God, take some time to adore the Blessed Sacrament, take some time to pray the rosary silently and especially a family prayer, let us go back to the beautiful tradition of the Filipinos that every 6 o’clock in the evening the whole family is gathered in prayer, it is very important…” pahayag ni Bishop Bastes sa panayam sa Radio Veritas.

Samantala, bukod sa pagpapalalim ng pananampalataya sa Panginoon ay una na ring ipinaalala ni Nueva Caceres Archbishop Rolando Tria Tirona, National Director ng CBCP NASSA / Caritas Philippines na ang kuwaresma ay panahon ng pag-aayuno at pagtulong sa mga nangangailangan lalo na ang mga dukha at mga biktima ng iba’t ibang trahedya.

Read: http://www.veritas846.ph/pagtulong-sa-mga-nangangailangan-diwa-ng-kuwaresma/

Kabilang na sa mga pangunahing programa ng Simbahan tuwing Kwaresma ang Alay Kapwa na nagsisilbing pondo para sa pagtulong sa mga biktima ng ibat-ibang sakuna at kalamidad.

At ang Fast to Feed Program ng Hapag-Asa Feeding Program ng Pondo ng Pinoy na kumakalinga at tumutugon sa malnourished at nagugutom na mga kabataan na tinatayang aabot na sa higit 1.5-milyong kabataan ang natulungan mula ng ilunsad noong 2005.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

CLIMATE CRISIS

 7,978 total views

 7,978 total views Nakakalungkot Kapanalig, tila hindi natin nauunawaan ang “climate crisis”, o nauunawaan man natin, wala lang tayong pakialam? Ito po ay sitwasyon na nagbabadya

Read More »

NUMERO

 19,461 total views

 19,461 total views Kawawang mga Pilipino, ganito lang tayo tinitingnan ng mga politiko sa panahon ng eleksyon, pagkatapos ng halalan… walang na tayong numero… wala na

Read More »

UNAWAIN AT MAGTIIS

 35,150 total views

 35,150 total views Kapanalig, anumang contingency plans ang gagawin ng pamahalaan sa “Edsa rehabilitation project” sa kalagitnaan ng buwan ng Hunyo, 2025, inaasahan na natin ang

Read More »

Tunay na boses ng kabataan

 35,934 total views

 35,934 total views Mga Kapanalig, hindi ipinroklama ang Duterte Youth bilang isa sa mga nanalong party-list groups sa nagdaang halalan. Halos dalawang milyon ang bumoto sa

Read More »

Anong solusyon sa edukasyon?

 45,698 total views

 45,698 total views Mga Kapanalig, tinuruan tayo ni Pope Benedict XVI sa kanyang liham na Caritas in Veritate na ang pag-unlad o development ay hindi nasusukat

Read More »

SPECIAL ANNOUNCEMENT

One Godly Vote
Simbahan at Halalan - Mid Term Election 2025
Click Here
Jubilee Pilgrimage
Veritas Eucharistic Advocate Pilgrimage
Click Here
Previous slide
Next slide

Related Story

Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Cardinal Tagle, pangungunahan ang PCNE XI

 6,942 total views

 6,942 total views Inaanyayahan ng Office for the Promotion of New Evangelization (OPNE) ng Archdiocese of Manila ang mananampalataya sa ika-11 yugto ng Philippine Conference on

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Bagong Santo Papa, nasa puso ang mahihirap

 5,266 total views

 5,266 total views Naniniwala si Jesuit Communications executive director Rev. Fr. Emmanuel Alfonso, SJ na sinasalamin ng napiling pangalan ng Santo Papa ang kanyang magiging paraan

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top