Kalusugan, isaalang-alang ngayong Kuwaresma

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 596 total views

Nilinaw ng CBCP Episcopal Commission on Health Care na hindi kinakailangan pilitin ng mga taong may karamdaman at may mga edad na magsagawa ng abstinence o fasting ngayong panahon ng Kuwaresma.

Ayon kay Rev.Fr. Dan Cancino, Executive Secretary ng Komisyon, bagamat hinihimok ng Simbahang Katolika ang mga mananampalataya na magsagawa ng pag-aayuno sa pamamagitan ng Fasting o Abstinence bilang pakikiisa sa paghihirap ni Hesu-Kristo, hindi naman ito kailangan ipilit lalo na kung ang isang indibidwal ay kinakailangan kumain para sa kanyang pangangailangang pangkalusugan.

“Kung ito ay delikado na sa iyong kalusugan ikaw ay may pinagdadaanan na pagpapagaling at kailangan mong kumain, kailangan mo ng nutrisyon, may iba’t-ibang paraan tayo kung paano magsakripisyo. tingnan natin kung ano ang ibig sabihin talaga kung bakit kailangan mag-fasting, bakit kailangang mag abstinence, bakit kailangan ng alms giving.”pahayag ni Fr. Cancino sa panayam ng Radio Veritas 846.

Naniniwalai si Father Cancino na maraming ibang pamamaraan para magsagawa ng pakikibahagi sa diwa ng kuwaresma maliban sa pag-aayuno basta’t ang layunin at tunay na niloloob nito ang mangibabaw sa isang mananampalataya.

“Ang pinaka puso, yung sakripisyo, yung pagbibigay ng sarili, yung taos-puso na nagbibigay tayo ng sarili natin sa Diyos at magbibigay din tayo ng sarili natin sa mga minamahal ng Diyos sa iyong kakayahan kung ikaw ay may sakit kung ikaw ay may limitasyon meron kang pwedeng gawing sakripisyo na hindi talaga nakakasama din sa iyong kalusugan.”dagdag pa ni Fr. Cancino.

Tiniyak ng Pari na kinokonsidera ng Simbahan ang layunin ng pag-aayuno higit sa pamamaraan ng pagsasagawa nito.

Gayunpaman, hinihimok ng komisyon ang bawat mananamapalataya na ibahagi ang ating mga sarili sa kapwa ngayong panahon ng kuwaresma.

Magugunitang ang Simbahang katolika ay may iba’t-ibang programa kasabay ng lenten season gaya ng Hapag-Asa feeding Program at Alay Kapwa.

Sa pamamagitan ng hapag-asa ay libo-libong mga malnoursihed children ang napapakain ng Simbahang katolika habang dahil naman sa Alay Kapwa ay nakakatugon ito sa pangangailangan ng mga naapektuhan ng kalamidad at mga mahihirap.

Ipinaalala ni Caritas Philippines national director Nueva Caceres Archbishop Rolando Tirona na ang pagtulong sa kapwang nangangailangan ang tunay na diwa ng Kuwaresma.

Read: http://www.veritas846.ph/pagtulong-sa-mga-nangangailangan-diwa-ng-kuwaresma/

Tinatayang mahigit sa 80 porysento ng populasyon sa Pilipinas ay itinuturing na mga katoliko.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

NASAAN ANG SIMBAHAN

 18,225 total views

 18,225 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 41,377 total views

 41,377 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 111,491 total views

 111,491 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 186,104 total views

 186,104 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 264,921 total views

 264,921 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Diocese of Ilagan, umaapela ng tulong

 91,393 total views

 91,393 total views Umapela na din ng tulong and Diyosesis ng Ilagan sa lalawigan ng Isabela matapos maapektuhan ng pananalasa ng bagyong Kristine. Sa ipinadalang Situationer

Read More »
Scroll to Top