266 total views

Kapanalig, ang nagbabagang tag-init at mga usaping politika ay huwag sana magdulot sa atin ng temporary amnesia: marami pang mahahalagang bagay ang hindi natin napapaghandaan at naisasa-ayos sa sa ating bayan.
Isa na rito ay ang maaring maging epekto ng climate change sa ating bansa.
Ang climate change ay isa sa mga pangunahing dahilan ng displacement sa buong mundo. Ayon sa mga pagtataya ng eksperto, aabot ng 650 milyong tao ang maninirahan sa mga flood-prone areas pagdating ng 2100. Ang majority o pinakamalaking bilang ng mga taong ito ay matatagpuan sa Asya, kasama na ang Pilipinas.
Isipin natin kapanalig, ang ating bansa ay isang arkilepelago; tayo ang isa sa may pinakamahabang coastline sa buong mundo. Tinatayang 36,289 kilometro ang haba nito at sumasakop pa ng 25 na syudad. Mahigit 60% ng ating populasuon ay nakatira sa coastal zone, ayon sa World Bank.
Ang climate change kapanalig, ay nagpapapataas ng sea level. Ito ang isa sa pinakamatinding epekto ng climate change. Ang pagtaas ng sea level ay kakamal ng lupa; mababago nito ang mapa. Saan pupunta ang ating mga coastal residents? Ito lamang Pebrero 2017, umabot ng halos 180,000 ang nadisplace ng pagbaha sa Mindanao. Base sa pangyayari na ito, makikita na hindi tayo handa.
Kapanalig, ang isyu ng pagbaha ay malayo sa ating mga gunita ngayon, ngunit ito ay kailangan ngating paghandaan, Hindi sapat na puro usaping pampuliktika ang ating inaatupag; kailangan nating kumilos. Ang mga epekto ng climate change ay mas magiging ramdam sa ating bansa sa mga darating na panahon, at ito ay dapat pagtuunan ng pansin dahil buhay, kapanalig, libo-libong buhay ang nakasalalay dito.
Base sa 2015 Global Climate Risk Index, ang ating bansa ang top 1 na pinaka-apektado ng climate change noong 2013. Ang ating bansa kasi ay napapalibutan ng katubigan. Iinit ito at tataas ang lebel dahil sa climate change.
Kilos na kapanalig, kumilos tayong lahat. Ayon nga kay Pope Francis: Many things have to change course, but it is we human beings above all who need to change.
Adaptation at mitigation ang pangunahing mga aksyon na maari natin gawin para mabawasan ang epekto ng climate change. Ang Netherlands, kapanalig, ay isa sa mga magagandang ehemplo ng bansang may mainam na flood mitigation actions. Malaking bahagi ng kanilang bayan, miski ang kanilang airport ay below sea-level kapanalig, pero naharap nila ang isyu ng flood control.
Magising nawa tayo ng babala ni Pope Francis mula sa Laudato Si: Marami sa mga may kapangyarihan sa ating lipunan ay nakatuon lamang sa pagtago o pagresolba ng mga sintomas ng climate change. Ngunit marami sa mga sintomas na ito ay lalong lalala sa halip na gumaling dahil hindi naman ito naka-ugat sa tunay at makabuluhang pagbabago.

Pag-angat ng Kasanayan ng Mamamayan
Kapanalig, ang edukasyon ay mahalaga. Ito ay isang daan labas ng kahirapan.
Sa ating bayan nga lamang kapanalig, medyo limitado ang depinisyon ng edukasyon. Marami sa atin ay naniniwalang ang edukasyon ay lagi dapat pormal. Hindi bukas ang marami sa atin sa konsepto ng paglilinang ng kasanayan o bokasyonal na edukasyon.
Kaya’t hindi nakakapagtataka na malaki ang skills mismatch sa ating bansa. Kung titingnan ang labor market ngayon, maraming mga graduates ang walang trabaho at maraming trabaho ang kulang sa mga aplikante habang sa ibang posisyon, milya milya ang haba ng mga aplikante. Noong nakaraang taon, tinatayang mga 1.2 million na graduates ang hindi agad nakakuha ng trabaho dahil sa job mismatch.
Ayon sa Labor Market Information Report ng Department of Labor and Employment (DOLE) mula 2013 to 2020, 275 na trabaho ang in-demand habang may 102 naman ang mahirap malagyan ng tao.
Ang mga ganitong sitwasyon ay maaring maiwasan kung ang ating lipunan ay mas bibigyang pansin ang paglilinang ng kasanayan kasabay ng pagsasa-ayos ng pormal na edukasyon. Ang mataas na investment sa skills development ay isang mainam na paraan upang maiwaksi ang kahirapan sa bayan at matugunan ang isyu ng hindi pagkapantay-pantay ng lipunan.
Sa ngayon kasi kapanalig, marami ang nais makakuha ng diploma ngunit dahil sa hirap na buhay, kaunti lamang ang nakakapagtapos ng pormal na edukasyon. Kung walang kasanayan ang mga hindi nakatapos, nawawalan sila ng ibang opsyon upang magkaroon ng disenteng hanapbuhay.
Ang investment sa paglilinang ng kasanayan ay hindi lamang dapat limitado sa pagbibigay insentibo sa mga institusyong nagbibigay ng training at vocational education. Kasama din dapat ditto ang pagtataas ng kamalayan ng mas maraming Pilipino ukol sa kabutihang maaring maidulat ng technical at vocational education.
Ang pagpapalawig ng opsyon para sa edukasyon at kabuhayan ay isang uri ng pagkilala sa dignidad ng tao. Ang Mater et Magistra ay nag-papa-alala sa mahalagang bahagi ng edukasyon sa ating buhay at pagkatao: Marami pa ring mga hindi makatarungan at makataong pangyayari sa ating buhay ngayon. Marami pa ring mga pagkakamali ang nakaka-apekto sa ating mga gawain, layunin, struktura at mga operasyon. Ngunit hindi natin mapapagkaila na, salamat sa agham at teknolohiya, ang mga produktibong sistema ngayon ay mas moderno at mas mahusay. Lahat ng ito ay nangangailangan ng mas mataas na lebel ng kasanayan mula sa mga mangagawa. Kaya’t kailangan bigyan sila ng tulong at oras upang makumpleto nila ang kanilang bokasyonal na pagsasanay at ng kanilang kultural, moral, at ispiritwal na edukasyon.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Pinupulitikang ayuda

 73,826 total views

 73,826 total views Mga Kapanalig, noong kasagsagan ng pandemya, naging matunog na salita ang “ayuda” o ang pinansyal na tulong na natanggap mula sa pamahalaan ng mga naapektuhan ng malawakang lockdown. Kahit tila balik na tayo sa normal na pamumuhay, nagpatuloy ang pamamahagi ng gobyerno ng ayuda sa ilalim ng iba’t ibang programa nito. Pangunahing benepisyaryo

Read More »

Higit sa kita

 84,619 total views

 84,619 total views Mga Kapanalig, “catastrophe” o malaking sakuna ang maaari daw mangyari kapag maisabatas ang panukalang dagdagan ng isandaang piso ang daily minimum wage sa ating bansa.  Iyan ang babala ng isang grupo ng mga negosyante habang kanilang tinututulan ang Senate Bill No. 2354. Ang panukalang batas na ito, na inaprubahan na ng Senado noong

Read More »

Huwag tayong titiklop, huwag tayong aatras

 90,025 total views

 90,025 total views Mga Kapanalig, ginunita pa rin sana natin kahapon, kahit hindi opisyal na holiday, ang ika-38 taong anibersaryo ng EDSA People Power Revolution.  Marami na sa atin marahil ang nakalimot na o hindi nalalaman ang apat na araw noong Pebrero 1986 kung kailan ipinamalas ng mga Pilipino ang masidhing pagnanais na makaroon ng pagbabago

Read More »

Cybercrime

 127,108 total views

 127,108 total views Hindi natin maitatanggi, kapanalig, na talamak ang cybercrime sa ating bansa. Parami ng parami ang konektado sa internet sa ating bayan, at parami rin ng parami ang mga kriminal na nagnanais na gamitin ang kondisyon na ito bilang oportunidad para kumita. Kapanalig, kung dati, ang mga krimen na karaniwan nating naririnig ay lokal

Read More »

Financial Inclusion

 138,754 total views

 138,754 total views Limitado ang pagkaunawa ng maraming mga Filipino ukol sa financial inclusion. Marami sa atin, basta mapabilang o makasali lamang sa mga e-wallets o mga financial platforms, tinuturing na agad itong financially inclusive. Hindi ganun kasimple ito, kapanalig, at panahon na upang mas lumawak pa ang ating pag-unawa sa financial inclusion. Ayon sa Bangko

Read More »

Watch Live

catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pinupulitikang ayuda

 73,827 total views

 73,827 total views Mga Kapanalig, noong kasagsagan ng pandemya, naging matunog na salita ang “ayuda” o ang pinansyal na tulong na natanggap mula sa pamahalaan ng mga naapektuhan ng malawakang lockdown. Kahit tila balik na tayo sa normal na pamumuhay, nagpatuloy ang pamamahagi ng gobyerno ng ayuda sa ilalim ng iba’t ibang programa nito. Pangunahing benepisyaryo

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Higit sa kita

 84,620 total views

 84,620 total views Mga Kapanalig, “catastrophe” o malaking sakuna ang maaari daw mangyari kapag maisabatas ang panukalang dagdagan ng isandaang piso ang daily minimum wage sa ating bansa.  Iyan ang babala ng isang grupo ng mga negosyante habang kanilang tinututulan ang Senate Bill No. 2354. Ang panukalang batas na ito, na inaprubahan na ng Senado noong

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Huwag tayong titiklop, huwag tayong aatras

 90,026 total views

 90,026 total views Mga Kapanalig, ginunita pa rin sana natin kahapon, kahit hindi opisyal na holiday, ang ika-38 taong anibersaryo ng EDSA People Power Revolution.  Marami na sa atin marahil ang nakalimot na o hindi nalalaman ang apat na araw noong Pebrero 1986 kung kailan ipinamalas ng mga Pilipino ang masidhing pagnanais na makaroon ng pagbabago

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Cybercrime

 127,109 total views

 127,109 total views Hindi natin maitatanggi, kapanalig, na talamak ang cybercrime sa ating bansa. Parami ng parami ang konektado sa internet sa ating bayan, at parami rin ng parami ang mga kriminal na nagnanais na gamitin ang kondisyon na ito bilang oportunidad para kumita. Kapanalig, kung dati, ang mga krimen na karaniwan nating naririnig ay lokal

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Financial Inclusion

 138,755 total views

 138,755 total views Limitado ang pagkaunawa ng maraming mga Filipino ukol sa financial inclusion. Marami sa atin, basta mapabilang o makasali lamang sa mga e-wallets o mga financial platforms, tinuturing na agad itong financially inclusive. Hindi ganun kasimple ito, kapanalig, at panahon na upang mas lumawak pa ang ating pag-unawa sa financial inclusion. Ayon sa Bangko

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Blue Economy

 106,500 total views

 106,500 total views Ang Pilipinas ay isang arkipelago – napapaligiran tayo ng katubigan. Kaya’t napakahalaga, kapanalig, na pamilyar tayo sa konsepto ng blue economy. Nakataya dito ang ating buhay at kinabukasan. Ito ang pundasyon ng ating lipunan. Hindi lamang pagkain, trabaho, at libangan ang dala nito. Ang mga karagatan ang nagpo-produce ng kalahati ng oxygen ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sundan ang hakbang ng Negros Occidental

 112,293 total views

 112,293 total views Mga Kapanalig, pinuri ng tatlong obispo mula sa Negros Occidental na sina Bishop Patricio Buzon ng Bacolod, Bishop Louie Galbines ng Kabankalan, at Bishop Gerardo Alminaza ng San Carlos ang pamahalaang panlalawigan dahil sa inilunsad nitong programa na tinatawag na “SecuRE Negros: Ensuring Power Security with Renewable Energy.” Layunin ng programang magkaroon ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sundan ang hakbang ng Negros Occidental

 124,675 total views

 124,675 total views Mga Kapanalig, pinuri ng tatlong obispo mula sa Negros Occidental na sina Bishop Patricio Buzon ng Bacolod, Bishop Louie Galbines ng Kabankalan, at Bishop Gerardo Alminaza ng San Carlos ang pamahalaang panlalawigan dahil sa inilunsad nitong programa na tinatawag na “SecuRE Negros: Ensuring Power Security with Renewable Energy.” Layunin ng programang magkaroon ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pwedeng taumbayan naman?

 72,991 total views

 72,991 total views Mga Kapanalig, noong nakaraang buwan ay pinag-usapan natin sa isang editoryal ang isinasagawang people’s initiative para sa Charter change (o Cha-cha). Sinimulan ito dahil sa hindi pagsuporta ng Senado na amyendahan ang Konstitusyon.  Itinutulak ng people’s initiative ang pagsasama ng mga senador at kongresista sa pagboto sa mga panukalang pagbabago sa Konstitusyon, imbis

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ilang buhay pa ang kailangang masawi?

 108,197 total views

 108,197 total views Mga Kapanalig, sa isang nakaraang editoryal tungkol sa landslide sa Davao de Oro na kumitil ng labing-isang buhay, tinanong natin: “Ilang insidente pa ng pagguho ng lupa at ilang buhay pa ang kailangang mawala bago natin tuluyang iwan ang pagmimina?”  Sa kasamaang-palad, agad itong nasundan ng isa na namang nakapanlulumong insidente ng landslide

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Proteksyon para sa mga gig workers

 154,030 total views

 154,030 total views Sa kasalukuyan, ang mga gig workers o manggagawa sa gig economy sa Pilipinas ay patuloy na dumarami. Ang mga gig workers ay mga irregular na empleyado at nagtatrabaho sa pamamagitan ng mga platforms tulad ng food delivery services, ride-hailing apps, online freelancing, at iba pa. Ang laki ng kanilang kontribusyon sa ekonomiya, pero

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Online work at kababaihan

 155,048 total views

 155,048 total views Ang laking bentahe ng online work dito sa ating bansa, lalo na para sa mga kababaihan. Nagbubukas ito ng oportunidad at mga bagong posibilidad. Sa pamamagitan ng online work, mas napapadali ang pag-access nila sa trabaho nang hindi na kailangang lumabas ng bahay. Ito ay isang magandang pagkakataon para sa mga kababaihan na

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Disaster Preparedness

 128,814 total views

 128,814 total views Ang ating bansa ay madalas sinasalanta ng iba’t ibang kalamidad tulad ng bagyo, lindol, at iba pa. Ang mga kalamidad na ito ay nagdudulot ng pinsala sa ari-arian, kabuhayan, at higit sa lahat, sa buhay ng maraming Pilipino. Ayon nga sa mga eksperto, malaki ang tsansa na umabot ng P1.5 trillion ang halaga

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Panahon ng biyaya at pagbabagong-loob

 125,873 total views

 125,873 total views Mga Kapanalig, sa kanyang mensahe para sa paggunita ng Kuwaresma ngayong taon, sinabi ni Pope Francis na ang panahong ito ay isang panahon ng biyaya. Isa itong pagkakataon para sa pagbabagong-loob at kalayaan. “Lent is a season of conversion, a time of freedom,” paalala ng Santo Papa sa ating mga Katoliko. Sa naturang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagkakaisa, hindi pagkakawatak-watak

 126,915 total views

 126,915 total views Mga Kapanalig, kung hindi pa kontrobersyal ang lamat sa pagitan ng binansagang “UniTeam” ng mga Marcos at Duterte, lumutang naman ang mungkahi ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na humiwalay na sa Pilipinas ang Mindanao. Ibang klaseng hiwalayan naman ito. Sa kasagsagan ng debate tungkol sa Cha-cha at sa people’s initiative, sinabi ng dating

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top