215 total views

Mga Kapanalig, inaantabayanan ng buong bansa ang pagdating ng mga bakuna laban sa Covid-19 na inaasahang magbibigay-lunas sa pinagdadaanan nating matitinding epekto ng pandemya. Bagamat marami nang mga bansang nagsimulang magturok ng bakunang ito sa kanilang mga mamamayan, marami sa ating mga kababayan ang nagdadalawang-isip kung sila ba ay magpapabakuna o hindi. Sa isang survey na ginawa ng Department of the Interior and Local Government (o DILG), lumabas na tatlo lamang sa bawat sampung taga-Metro Manila ang pumapayag na magpabakuna laban sa Covid-19.

Maaaring iba-iba ang mga dahilan ng 70% na nagsabing ayaw nila o nag-aatubili silang magpabakuna. Dahil bago ang mga bakunang ito at wala pang sapat na datos upang malaman ang kanilang pangmatagalang epekto sa katawan ng tao, marami ang natatakot, lalo na ang mga may ibang karamdaman. Napabalita rin kasing may mga matatandang namatay sa Norway matapos maturukan ng bakuna laban sa Covid-19, bagamat kahit wala pa ang Covid-19 ay dati na rin namang mataas ang bilang ng mga namamatay sa ganoong mga edad sa bansang iyon. May ilan ding gusto munang makita ang epekto ng bakuna sa ibang tao, bago sila magpaturok.



Isa ring tinitingnang dahil ang takot na idinulot ng mga balita noon tungkol sa Dengvaxia, ang bakuna kontra dengue. Bagamat walang malinaw na ebidensya, kumalat noon ang balitang ito ang dahilan ng pagkamatay ng ilang batang naturukan nito. Dahil hindi naging malinaw ang naging resulta ng mga imbestigasyon ukol sa usaping ito, hindi nagkaroon ng matibay na sagot kung ligtas ba o hindi ang nasabing bakuna.  Maraming mga magulang tuloy ang hindi nagpabakuna pati sa ibang mga sakit katulad ng tigdas at polio, at dahil dito ay tumaas ang bilang ng mga nagkasakit at namatay sa mga sakit na ito sa sumunod na dalawang taon matapos ang isyu sa Dengvaxia.

Sa gitna ng ganitong mga agam-agam, malinaw na ang hinahanap ng mga tao ay mapagkakatiwalaang impormasyon at mapagkakatiwalaang mga namumunong magbibigay ng tamang impormasyon at magpapaliwanag sa kanila nito. Isa sa napakahalagang impormasyong dapat maunawaan ng mga tao ay kung bakit mahalagang marami ang magpabakuna upang ang lahat sa atin ay maging ligtas. Sa siyensiya, tinatawag itong “herd immunity”.  Kung nakatanggap ng bakuna ang humigit-kumulang 70% ng populasyon, halos lahat ay magiging ligtas sa Covid-19 dahil mapipigilan na ng mga nabakunahan ang paglilipat ng sakit sa iba. Samakatuwid, ang pagpapabakuna ay hindi lamang para sa sariling kaligtasan kundi para sa kaligtasan din ng iba at ng nakararami, maging ang mga bata na hindi kasama sa mga babakunahan.

Dito hinahamon ang pagmamalasakit natin sa isa’t isa, o ang madalas nating sabihing pagsusulong ng kagalingang panlahat, o ang tinatawag natin sa Simbahan na “common good.” Magpapabakuna ang isang tao dahil makabubuti ito hindi lamang sa kanya kundi sa kanyang kapwa. Hinahamon din ang Simbahang Katolika kung maipapalaganap nito ang kaisipang ito at mahihikayat ang mga mananampalatayang magpabakuna para sa kapakanan ng nakararami. Gaya ng pangangaral ni San Pablo sa mga taga-Filipos 2:4, hinihingi sa ating pagmalasakitan natin ang kapakanan ng iba, at hindi lamang ang sa ating sarili. Sa Gaudium et Spes, isang Catholic social teaching, sinasabi sa ating hindi na sasapat ang moralidad na pansarili; pananagutan ng bawat isa ang isulong ang kagalingang panlahat ayon sa kanyang kakayahan at pangangailangan ng iba.

Mga Kapanalig, upang mapalaganap ang kaisipang ito at mahikayat natin ang maraming magpabakuna, tiwala at kumpiyansa ang kailangan ng mga tao—kumpiyansa sa mga namumuno sa mga komunidad, sa barangay, sa lokal at pambasang pamahalaan, maging sa Simbahan. Kailangang maipaliwanag ang siyensya ng pagbabakuna, maging transparent o tapat sa paglalahad ng tamang impormasyon, at ipaunawa ang kahalagahan ng malasakit sa kapwa.

Sumainyo ang katotohanan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Inclusive mobility

 37,789 total views

 37,789 total views Mga Kapanalig, simula ngayong linggo, bawal nang dumaan ang mga light electric vehicles (o LEVs) katulad ng e-bikes, e-trikes, at e-scooters sa mga pangunahing kalsada sa Metro Manila. Ang lalabag sa patakarang ito ng MMDA ay pagmumultahin ng ₱2,500. Kukumpiskahin din ang ‘di rehistradong LEV. Hindi natin maikakailang dumarami ang tumatangkilik ng LEVs

Read More »

Para sa content?

 49,867 total views

 49,867 total views Mga Kanapalig, napanood ba ninyo ang video ng mga vloggers mula sa South Cotabato kasama ang dalawang tarsier?  Makikita sa video ang isang vlogger na tumatawa habang hawak-hawak ang isang tarsier. Kausap niya ang may hawak ng camera na noong una ay ipinakikita lamang ang isa pang tarsier na nakakapit sa tangkay ng

Read More »

Kabuhayan sa Bangketa

 69,279 total views

 69,279 total views Ang bangketa ay maraming bagay para sa mga Pilipino. Ito ay daanan, minsan tahanan, at kadalasan, tindahan ng maraming Pilipino. Dahil sa hirap ng buhay, oo, pati bangketa ay nagiging pwesto na ng maraming maliliit na negosyanteng Pilipino. Ang bangketa kasi ay daluyan ng tao, at kung saan may tao, may benta. Kaya

Read More »

Street People

 80,399 total views

 80,399 total views Kapanalig, buksan natin ang ating mga mata. Dito sa Metro Manila, napakarami ng mga Pilipinong sa kalye nananahan, at tinatayang mga 250,000 dito ay mga children in street situations o CISS. Tahakin mo lang ang ilang major roads sa ating bayan, bubungad na agad sila. Mga Pilipinong nasa kalye ang hanapbuhay, at sa

Read More »

Buhay sa Slum Settlements

 84,324 total views

 84,324 total views Madilim. Masikip. Marumi. Ito ay ilan lamang sa mga salitang naglalarawan sa mga slum areas sa ating bayan. Ang mga daanan sa ganitong lugar, motor o tao lamang ang kasya. Nagsasalubong na ang kanilang mga bubong kaya minsan, kahit araw, madilim sa mga eskinita. At dahil malayo sa daanan ng mga garbage collectors,

Read More »

Watch Live

catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inclusive mobility

 37,790 total views

 37,790 total views Mga Kapanalig, simula ngayong linggo, bawal nang dumaan ang mga light electric vehicles (o LEVs) katulad ng e-bikes, e-trikes, at e-scooters sa mga pangunahing kalsada sa Metro Manila. Ang lalabag sa patakarang ito ng MMDA ay pagmumultahin ng ₱2,500. Kukumpiskahin din ang ‘di rehistradong LEV. Hindi natin maikakailang dumarami ang tumatangkilik ng LEVs

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Para sa content?

 49,868 total views

 49,868 total views Mga Kanapalig, napanood ba ninyo ang video ng mga vloggers mula sa South Cotabato kasama ang dalawang tarsier?  Makikita sa video ang isang vlogger na tumatawa habang hawak-hawak ang isang tarsier. Kausap niya ang may hawak ng camera na noong una ay ipinakikita lamang ang isa pang tarsier na nakakapit sa tangkay ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kabuhayan sa Bangketa

 69,280 total views

 69,280 total views Ang bangketa ay maraming bagay para sa mga Pilipino. Ito ay daanan, minsan tahanan, at kadalasan, tindahan ng maraming Pilipino. Dahil sa hirap ng buhay, oo, pati bangketa ay nagiging pwesto na ng maraming maliliit na negosyanteng Pilipino. Ang bangketa kasi ay daluyan ng tao, at kung saan may tao, may benta. Kaya

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Street People

 80,400 total views

 80,400 total views Kapanalig, buksan natin ang ating mga mata. Dito sa Metro Manila, napakarami ng mga Pilipinong sa kalye nananahan, at tinatayang mga 250,000 dito ay mga children in street situations o CISS. Tahakin mo lang ang ilang major roads sa ating bayan, bubungad na agad sila. Mga Pilipinong nasa kalye ang hanapbuhay, at sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Buhay sa Slum Settlements

 84,325 total views

 84,325 total views Madilim. Masikip. Marumi. Ito ay ilan lamang sa mga salitang naglalarawan sa mga slum areas sa ating bayan. Ang mga daanan sa ganitong lugar, motor o tao lamang ang kasya. Nagsasalubong na ang kanilang mga bubong kaya minsan, kahit araw, madilim sa mga eskinita. At dahil malayo sa daanan ng mga garbage collectors,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga katutubong pinaasa at pinalayas

 67,326 total views

 67,326 total views Mga Kapanalig, nagulat at nanlumo ang 44 na miyembro ng tribong Ati sa isla ng Boracay nang palayasin sila sa lupang inakala nilang napakasamay na nila. Linggo ng Palaspas nang dumating ang mga guwardyang naglagay ng mga piraso ng yero upang paligiran ang lupa. Hindi sila pinapasok ang mga katutubo kahit pa namagitan

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Naglahong pera na naman?

 63,724 total views

 63,724 total views Mga Kapanalig, hindi pa naipaliliwanag ng Department of Education (o DepEd) ang 125 bilyong pisong confidential funds nito na nagastos sa loob ng labing-isang araw noong 2023, heto na naman at may bagong kontrobersyang minumulto ang sektor ng edukasyon. Speaking of “multo”, may kinalaman ang panibagong isyu sa mga tinatawag na “ghost students”. 

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sikretong kasunduan

 63,333 total views

 63,333 total views Mga Kapanalig, napanood ba ninyo sa balita ang nangyari sa mga barko ng Pilipinas at sa mga sakay ng mga ito habang nagsasagawa ng tinatawag na rotation and resupply mission para sa ating mga sundalong nasa BRP Sierra Madre na nakahimpil sa Ayungin Shoal? Nangyari ang insidente Sabado bago ang mga Mahal na

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Catastrophic Diseases

 86,160 total views

 86,160 total views Alam niyo kapanalig, ang pagkakasakit, lalo na pag malubha, ay isa sa mga pangunahing dahilan ng kahirapan ng marami nating mga kababayan. Ayon sa opisyal na datos, ang mga pangunahing cause of death sa ating bansa ay ang sakit sa puso o ischemic heart disease, kanser, at mga cerebrovascular diseases. 19% ng mga

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Arkitektura at Kultura

 100,589 total views

 100,589 total views Ang arkitektura at kultura, kapanalig, ay parang mga hibla ng tela – nakahabi, magkaugnay, at bumubuo ng napakagandang masterpiece o obra. Dito nakikita natin ating pagkakakilanlan o identity at kasaysayan. Ipinakikita nito ang iba ibang yugto ng ating buhay. Halimbawa na lamang, kapanalig, ay ang bahay kubo. Isang tingin lamang, alam mo na

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Urbanisasyon at Kaunlaran

 116,461 total views

 116,461 total views Ang urbanisasyon ay isa sa mga palatandaan na ang isang lugar o bansa ay umuunlad na. Sa mga urban areas, mabilis umuusbong ang mga negosyo, imprastraktura, pati tao. Sa bilis, ang mga resources minsan, hindi na makahabol. Kapanalig, pagdating sa urbanisasyon at sa pangarap nating kaunlaran, napakahalaga ng balanse at inobasyon. Balanse upang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Suporta para sa mga pangalawang magulang

 136,408 total views

 136,408 total views Mga Kapanalig, ang paaralan, bilang pangalawang tahanan ng mga kabataan, ay lugar kung saan mabubuo ang kanilang mga kakayahan, kaalaman, at paniniwalang dadalhin nila sa kanilang pagtanda. Dahil dito, malaki ang tungkuling hawak ng mga guro bilang mga “pangalawang magulang” ng mga estudyante. Usap-usapan kamakailan ang isang public school teacher na nagalit sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kanselado na ang PAREx!

 140,500 total views

 140,500 total views Mga Kapanalig, hindi na itutuloy ng San Miguel Corporation ang plano nitong pagtatayo ng Pasig River Expressway (o PAREx). Ang PAREx ay isang expressway project na ilalagay sa ibabaw mismo ng Pasig River mula R-10 sa Maynila hanggang sa iminumungkahing South East Metro Manila Expressway sa C-6 sa Taguig. May haba itong 19.4

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kalbaryo ng mga maralita

 85,804 total views

 85,804 total views Mga Kapanalig, maligayang Pasko ng Pagkabuhay ni Hesus! Nawa’y naging mabunga ang inyong paggunita sa mga Mahal na Araw. Sa katatapos na panahon ng Kuwaresma, isinagawa ng mga urban poor groups ang “Kalbaryo ng mga Maralita.” Taunang tradisyon na ito kung saan sila ay nagmamartsa at nagtatanghal gamit ang mga simbolo ng Semana

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ocean Health

 92,266 total views

 92,266 total views Summer na kapanalig, at halos lahat tayo sa beach na nais magpunta. Ang karagatan ang pangunahing destinasyon ng maraming Pilipino. Sa ating pag-eenjoy sa beach ngayong tag-init, naisip ba natin kahit minsan ang “ocean health”? Ang karagatan ay napakalawak na katawang tubig na umaakap sa maraming barangay, bayan, at bansa. Sa katawang tubig

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top