Quiapo church media, kabilang sa top influencer media channel

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 970 total reads

Tiniyak ng Minor Basilica of the Black Nazarene ang pagpapaigting sa pagpalaganap ng mga Salita ng Diyos gamit ang social media.

Ito ang mensahe ni Fr. Douglas Badong, parochial vicar ng Quiapo Church hinggil sa pagkakabilang ng simbahan sa top influencer and media channel sa social media sa pag-aaral ng communication campaigns and consulting company na BluePrint.PH.

Ikinagagalak din ni Fr. Badong na marami ang naabot ng broadcast ng simbahan sa pamamagitan ng social media sa iba’t ibang panig ng mundo lalo’t may grupo ng mga OFW na deboto ng Mahal na Poong Hesus Nazareno sa ibayong dagat.

“Napakalaking responsibilidad din ito na ipagpatuloy ng Basilica ang misyon ng simbahan na magbigay ng pag-asa at maghatid nang Mabuting Balita,” pahayag ni Fr. Badong sa panayam ng Radio Veritas.

Batay sa pag-aaral ng BluePrint.PH pangalawa ang Quiapo Church sa top 10 influencer na nangangahulugang sinusundan ng maraming netizens ang mga gawain ng simbahan tulad ng banal na misa.

Dagdag pa ni Fr. Badong na magandang plataporma rin ito sa paghahayag ng mga Salita ng Diyos lalo ngayong ipinagdiriwang ng Pilipinas ang ikalimandaang taon ng kristiyanismo.

“Kami (basilica) ay tagapagpahayag ng Mabuting Balita; ang Poong Nazareno pa rin ang dapat na aming maiparinig at marinig ng sambayanan,” ani Fr. Badong.

Ang Quiapo Church Facebook page ay may 1.6 million likes habang mahigit sa tatlong milyon naman ang followers.

Sinabi pa ni Fr. Badong na ang social media ay naging paraan ng Panginoon at ng simbahan upang maihatid ang mga Salita ng Diyos sa iba’t ibang panig ng daigdig lalo’t may 70-porsyento ng populasyon ay gumagamit ng internet sa Pilipinas.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

GUILTY?

 4,394 total reads

 4,394 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 40,913 total reads

 40,913 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 97,319 total reads

 97,319 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

MADALDAL KULANG SA GAWA

 220,774 total reads

 220,774 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top