Kung narito ka Panginoon…

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 739 total reads

Sinabi ni Marta kay Jesus,
"Panginoon, kung narito kayo
hindi sana namatay
ang aking kapatid." (Juan 11:21)
Maraming pagkakataon, Panginoon
ganyan din aming sinasabi
kapag kami ay sakbibi ng dalamhati,
tulad ni Santa Marta sa pagpanaw
ng kapatid nilang si San Lazaro:
Kung narito ka, Panginoon.....
...hindi sana nagkaroon ng pandemic,
...hindi sana kami nagipit,
...hindi sana kami nagkasakit,
...hindi sana kami nagkamali,
...hindi sana kami kinakapos,
...hindi sana kami nagugutom,
...hindi sana kami naghikahos,
...hindi sana kami nalinlang,
...hindi sana kami nasaktan,
...hindi sana kami nawalan,
...hindi sana kami nagkahiwalay,
...hindi sana kami napaalis,
...hindi sana kami natalo,
...hindi sana kami napahiya,
...hindi sana kami sumuko,
...hindi sana kami napatigil sa pag-aaral,
...hindi sana kami naulila,
...hindi sana kami naligaw,
...hindi sana kami nabigo,
...hindi sana kami nagkaganito.
Tiyak na marami pa kaming
masasambit na sana ay hindi
nangyari kung narito ka,
Panginoong Jesu-Kristo
katulad ni Santa Marta nang
pumanaw kapatid niya at
kaibigan ninyo na si San Lazaro;
ngunit hayaan din ninyo na aming
mapagtanto kalooban at layon ninyo
kaya kayo naparito upang kami 
ang maging kapanatilihan mo
at sumaklolo sa mga nasa peligro.
Itulot po ninyo, Panginoon
aming tularan bunsong kapatid 
nina Santa Marta at San Lazaro,
si Santa Maria ng Betanya:
manatili sa iyong paanan, 
magnilay at madalisay ang buhay 
sa pananalangin upang sa pagdamay
namin sa mga nahihirapan at nabibigatan
ikaw bilang Buhay at Muling Pagkabuhay
ay kanilang panaligan sa aming 
pagkakapatiran at pagtutulungan
maramdaman nila, narito ka, Panginoon!
Icon ni Jesus dumalaw sa magkakapatid na San Lazaro, Santa Maria, at Santa Marta sa kanilang tahanan sa Betanya. Larawan mula sa http://www.crossroadsinitiative.com.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mukha ng Boracay

 22,103 total reads

 22,103 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 58,792 total reads

 58,792 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 285,062 total reads

 285,062 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 178,529 total reads

 178,529 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 271,372 total reads

 271,372 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

It might be you?

 7,791 total reads

 7,791 total reads Lord My Chef Daily Recipe for Soul by Fr. Nicanor F. Lalog II Monday, Twenty-Eighth Week in Ordinary Time, Year II, 12 October

Read More »

Bewitched

 13,674 total reads

 13,674 total reads Lord My Chef Daily Recipe for Soul by Fr. Nicanor F. Lalog II Thursday, Twenty-Seventh Week in Ordinary Time, Year II, 08 October

Read More »
Scroll to Top