Pag-ibayuhin ang vaccine rollout, hamon ng LENTE sa pamahalaan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 587 total reads

Umapela ang Legal Network for Truthful Elections o LENTE sa pamahalaan na higit pang pag-ibayuhin ang Anti-COVID-19 vaccination roll-out program sa bansa bilang paghahanda na rin nalalapit na halalan sa susunod na taon.

Ito ang bahagi ng pahayag ng LENTE kasunod ng naging privileged speech ni Senate Majority leader Juan Miguel Zubiri kaugnay sa resulta ng Pulse Asia’s Ulat ng Bayan survey kung saan lumabas na 46% ng mga botante ang maaring hindi makibahagi sa nakatakdang halalan dahil sa banta ng COVID-19.

Ayon kay LENTE Executive Director Atty. Rona Ann Caritos, mahalagang matiyak ang mahigpit na pagpapatupad ng mga safety health protocol lalo na sa nakatakdang halalan upang hindi isantabi ng bawat mamamayan ang kanilang natatanging karapatan at kapangyarihan ng maghalal ng mga opisyal ng bayan.

“Accelerated and more efficient vaccination roll-out and implementation of election health protocols can address the fear of voters contracting COVID-19 while participating in electoral activities. These can also bolster the assurance given to every citizen wanting to exercise their right to vote that it can be done without heightened risk to health.” pahayag ni LENTE Executive Director Atty. Rona Ann Caritos.

Ipinaliwanag ni Atty. Caritos na sa halip na isulong ang pagpapaliban ng nakatakdang halalan dahil sa banta ng COVID-19 ay mas dapat na tutukan ng pamahalaan ang pagtiyak sa kaligtasan ng bawat isa sa pamamagitan ng higit na pagpapaigting ng mga safety health protocol sa pagsasagawa ng halalan.

“LENTE believes that the discourse should be shifted from pitting safety and health against democracy to laying down strategies and plans for the purpose of conducting electoral activities with the least amount of risk of local transmission. We have time to plan, put rules in place, and implement measures.” Dagdag pa ni Atty. Caritos.

Partikular ding tinukoy ng LENTE ang naging ligtas at matagumpay na pagsasagawa ng Commission on Election ng plebesito sa Palawan noong Marso ng kasalukuyang taong 2021 sa gitna ng COVID-19 pandemic kung saan 60% ang voter turn-out sa mga mamamayan na maaaring maging batayan ng mga dapat na ipatupad na safety health protocol sa nakatakdang halalan.

“COMELEC conducted an electoral exercise last March 2021 during the Palawan Plebiscite. During the plebiscite, safety protocols were implemented and all stakeholders were mandated to comply. The 60% voter turn-out for this plebiscite exceeded the Commission’s projections.” Ayon pa kay Atty. Caritos.

Iginiit ng LENTE na may sapat pang panahon ang COMELEC at ang pamahalaan upang matugunan ang pangamba ng taumbayan sa pakikibahagi sa nakatakdang halalan maging sa gitna ng panahon ng pandemya.

Binigyang diin naman ni Atty. Caritos na hindi lamang tungkulin ng pamahalaan na matiyak ang kaligtasan ng lahat mula sa patuloy na banta ng COVID-19 virus.(

2nd National Convention, ibinahagi ng CMSP

 13,009 total reads

 13,009 total reads Ibinahagi ng Conference of Major Superiors in the Philippines ang isasagawang ikalawang national convention sa September 1 hanggang 5 sa Zamboanga City. Ayon

Read More »

COMELEC, tuloy ang paghahanda sa BSKE

 14,176 total reads

 14,176 total reads Nananawagan ang Commission on Elections (Comelec) sa Senado at Kamara na agad linawin ang mga panukalang batas para sa Barangay at Sangguniang Kabataan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Halimbawa sa taumbayan

 29,075 total reads

 29,075 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 66,452 total reads

 66,452 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 97,722 total reads

 97,722 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 173,110 total reads

 173,110 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 265,931 total reads

 265,931 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Seguridad, hinigpitan ng AdZU

 25,812 total reads

 25,812 total reads Pinaiigting ng Ateneo de Zamboanga University (AdZU) ang mga hakbang ng unibersidad para sa seguridad ng mga estudyante at kawani nito kasunod ng

Read More »
Scroll to Top