VeritasPH

The Word, The Truth

Kuwento ng pag-asa sa kabila ng pandemya

SHARE THE TRUTH

 317 total views

Mga Kapanalig, mahigit isa’t kalahating taon na ang ating pagkalugmok sa pandemya ng COVID-19, at tila wala pa ring liwanag kung paano tayo makakawala sa madilim na kalagayang ito. Mabuti na lamang at may mga kuwento pa ring nagbibigay sa atin ng inspirasyon, mga kuwentong nagpapaalala sa ating may magagandang bagay pa ring nangyayari sa kabila ng pandemya.

Noong nakaraang linggo, tumanggap ng prestihiyosong parangal ang ilan nating kababayan.

Una ay si Ginoong Roberto “Ka Dodoy” Ballon, isang lider-mangingisda mula sa Zamboanga Sibugay. Pinarangalan siya ng Ramon Magsaysay Award Foundation para sa kanyang pagsusumikap na samahan ang kanyang kapwa mangingisdang buhayin ang isang namamatay na industriya. Kinilala ang pagpupunyagi ni Ka Dodoy na palaguin ang pangisdaan at paunlarin ang buhay ng mga mangingisda sa kanilang bayan. Ayon kay Ka Dodoy, umaasa ang kanilang mga pamilya sa dagat para sa kanilang kabuhayan, hindi sa mga politiko o ibang mga tao, kung kaya’t nararapat lamang na pangalagaan nila ang karagatan.

Sa loob ng tatlong dekada, si Ka Dodoy at ang mga kasamahan niyang mangingisda ay nagtulung-tulong na magtanim ng mga bakawan o mangroves sa baybayin ng bayan ng Kabasalan. Sa tulong ng lokal na pamahalaan at mga pribadong organisasyon, nakapagpasimula rin ang kanilang grupo ng ilang proyektong pangkabuhayan katulad ng produksyon ng talaba at alimango, at pagtatanim ng seaweed. Ang ginawa ni Ka Dodoy at kanyang mga kasama ay konkretong pagsasabuhay ng responsibilidad na ibinigay ng Diyos sa tao noong tayo ay Kanyang nilikha. Sabi nga sa Genesis 1:28, “Kayo’y maging mabunga at magpakarami, punan ang mundo, at supilin; at mamahala sa mga isda sa dagat, sa mga ibon sa langit, at sa bawat may buhay na gumagalaw sa mundo.” Si Ka Dodoy ay isa sa limang awardees at ang tanging Pilipinong pinarangalan ng Ramon Magsaysay Award Foundation ngayong 2021.

Ang ikalawang binigyang-parangal ay si Binibining Lou Sabrina Ongkiko, isang English teacher sa Culiat Elementary School dito sa Quezon City. Isa siya sa sampung Metrobank Foundation Outstanding Filipinos ngayong taon. Kasama niya ang tatlo pang guro, tatlong sundalo, at tatlong pulis na nagpapamalas ng malasakit at integridad sa kanilang trabaho o propesyon. Noong 2020, pinangunahan ni Teacher Sab ang isang learning community program at mga pamamaraan sa pagtuturo katulad ng pagsusulat ng lesson scripts at pagkakaroon ng klase sa Facebook na nagsilbing blueprint para sa ibang paaralan at sa Department of Education (o DepEd).

Bilang tagapagsalita ng mga kapwa niyang gurong awardees, nagpasalamat si Teacher Sab sa kanilang mga estudyante na dahilan kung bakit sila nasa propesyon ng pagtuturo. Aniya, nabigyan sila ng pagkakataon at sagradong tungkuling kilalanin, protektahan, paunlarin, at ilabas ang pinakamahusay sa bawat mag-aaral. Tunay na napakahalaga ng papel na ginagampanan ng ating mga guro dahil nagiging instrumento sila ngpagtataguyod sa dignidad ng tao, isang prinsipyong pinahahalagahan ng mga panlipunang turo ng Simbahan. Ang mga gurong katulad ni Teacher Sab ay buháy na patotoo ng nasasaad sa Titus 2:7: “Sa lahat ng mga bagay ay magpakilala kang ikaw ay isang uliran sa mabubuting gawa; at sa iyong aral ay ipakilala mo ang walang kamalian, ang kahusayan.”

Mga Kapanalig, bugbog man tayo sa mga hindi magandang pangyayari at nakatatakot na balita araw-araw, at nangangamba man tayo sa maaaring mangyari sa hinaharap, nakasusulyap at mapupukaw pa rin tayo ng mga kuwento ng pag-asa sa pamamagitan ng mga kababayan nating katulad nina Ka Dodoy, Teacher Sab, at ang mga kasamahan nilang pinarangalan. Hindi sila mga perpektong tao, ngunit sa kanilang mga gawa, napatunayan nilang ang karapatan sa pag-asa, ayon nga kay Pope Francis, ay isang karapatang hindi kailanman makukuha sa atin.

Sumainyo ang katotohanan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Responsableng kasiyahan

 10,112 total views

 10,112 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »

Kalidad ng pagtuturo

 18,097 total views

 18,097 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »

Mga payaso sa sirko

 25,633 total views

 25,633 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »

BPO industry

 41,618 total views

 41,618 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »

Balik Probinsya

 49,662 total views

 49,662 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Responsableng kasiyahan

 10,113 total views

 10,113 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kalidad ng pagtuturo

 18,098 total views

 18,098 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga payaso sa sirko

 25,634 total views

 25,634 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BPO industry

 41,619 total views

 41,619 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Balik Probinsya

 49,663 total views

 49,663 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kuryente

 45,863 total views

 45,863 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nutrisyong sapat para sa lahat

 44,288 total views

 44,288 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 46,074 total views

 46,074 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Umento sa sahod ng mga manggagawa

 42,999 total views

 42,999 total views Mga Kapanalig, inapubahan bago matapos ang Hunyo ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang ₱35 na dagdag sa arawang sahod ng mga manggagawa dito sa National Capital Region (o NCR). Mula ₱610 ay magiging ₱645 ang minimum daily wage ng mga non-agricultural workers sa rehiyon.  Dismayado dito ang ilang labor groups. Para

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Irigasyon

 57,313 total views

 57,313 total views Kapanalig, ang Pilipinas ay isang bansang agrikultural na lubos na umaasa sa pagsasaka para sa kabuhayan ng maraming mamamayan. Ang irigasyon, o ang sistematikong pamamahagi ng tubig sa mga taniman, ay isang mahalagang aspeto ng agrikultura na may malaking epekto sa produksyon ng mga pananim, seguridad ng pagkain, at pangkalahatang pag-unlad ng bansa.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lifelong learning skills

 61,003 total views

 61,003 total views Kapanalig, sa ating digital world ngayon, maraming mga disruptions at mabilis ang pagbabago. Maraming mga imbensyon at inobasyon ang sumusulpot at umuusbong na nagbabago ng ating way of life at way of doing business. Kapag ang mamamayan ay hindi handa dito, lagi tayong mahuhuli at mahihirapan mag transisyon. Change, kapanalig, is constant. At

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Brain drain

 59,606 total views

 59,606 total views Dahil nasa digital age na tayo ngayon, ang mga science-based at digital industries ang karaniwang nangunguna sa merkado. Dahil sa malaking pagbabago na ito, ang mga uri ng trabaho na kailangan sa job market ngayon ay kinakailangan mas maraming scientists, engineers, programmers, IT specialists, at ibang kaugnay na trabaho. Ayon nga sa UNESCO

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kamag-anak, Inc.

 69,593 total views

 69,593 total views Mga Kapanalig, kung magkakatotoo ang sinabi ni Vice President Sara Duterte sa isang ambush interview noong isang linggo, tatlong Duterte ang makikita natin sa balota sa pagkasenador sa eleksyon sa 2025.  Sila ay ang mag-aamang sina dating Pangulong Digong Duterte, Congressman Paolo Duterte ng unang distrito ng Davao, at Mayor Sebastian Duterte ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Diplomasya ang susi

 73,561 total views

 73,561 total views Mga Kapanalig, “misunderstanding” o aksidente lamang para sa Malacañang ang pinakahuling insidente ng komprontasyon sa Ayungin Shoal (o Second Thomas Shoal) sa pagitan ng Chinese Coast Guard at Philippine Navy. Sa naturang insidente na nangyari dalawang linggo bago matapos ang Hunyo, hinarang ng mga Chinese coast guard personnel ang mga bangka ng Philippine

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Educator sa DepEd

 84,448 total views

 84,448 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, wala pa ring pinapangalanan ang administrasyong Marcos Jr na ipapalit na kalihim ng Department of Education (o DepEd). Nagulat ang marami nang mag-resign si Vice President Sara Duterte bilang DepEd secretary at opisyal ng isa pang opisina noong June 19. Sa sulat sa isinapubliko

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top