VeritasPH

The Word, The Truth

Kwalipikasyon ng mga lingkod-bayan

SHARE THE TRUTH

 365 total views

Mga Kapanalig, itinalaga ni Pangulong Bongbong Marcos Jr ang kontrobersyal na personalidad na si Larry Gadon bilang Presidential Adviser on Poverty Alleviation.  

Sa posisyong ito, makikipagtulungan si Secretary Gadon sa mga ahensya ng gobyerno, mga NGO, at iba pang sektor upang bumuo at magpatupad ng mga komprehensibong programang tutugon sa mga ugat ng kahirapan. Papayuhan niya ang pangulo tungkol sa mga kailangang gawin upang tuldukan ang kahirapan sa bansa. Gayunpaman, marami ang umalma sa pagkakatalaga ni Secretary Gadon sa posisyon.  

Noong Miyerkules, isang araw matapos inanunsyo ang kanyang appointment, inilabas ng Korte Suprema ang desisyon nitong i-disbar o tanggalin ang lisensya ni Secretary Gadon bilang abogado. Sa desisyong 15-0, lahat ng mahistrado ng Korte Suprema ay sumang-ayong hindi na karapat-dapat maging abogado si Secretary Gadon. Ito ay matapos ang paulit-ulit niyang pagmumura at pambabastos sa mamamahayag na si Raissa Robles sa isang viral video habang nangangampanya noong nakaraang eleksyon. Kaalyado ng pangulo si Secretary Gadon na tumakbo pang senador sa ilalim ng kanyang tiket ngunit natalo.  

Bago ang viral video, naging kontrobersyal din si Secretary Gadon sa panlalait sa mga tagasuporta ni dating Chief Justice Maria Lourdes Sereno sa isang protesta habang nililitis ang impeachment case ng dating punong mahistrado. Noong 2016, inulan din siya ng kritisismo matapos niyang sabihing kailangang patayin ang mga Muslim dahil sila ang dahilan ng kaguluhan sa Mindanao. Maliban sa mga ito, mayroon pang anim na administrative cases sa Office of the Bar Confidant at apat na disciplinary cases sa Integrated Bar of the Philippines na kinakaharap si Secretary Gadon. Sa tingin ninyo, mga Kapanalig, ano ang sinasabi ng mga kontrobersyang ito tungkol sa kanyang karakter?  

Sa kabila ng negatibong imahe ng dating abogado, bilib si Pangulong BBM na magagawa ni Secretary Gadon ang kanyang trabaho nang maayos at mahusay. Hindi ito ang pananaw ng iba. Nanawagan si Senadora Risa Hontiveros sa pangulo na muling pag-isipan ang pagtatalaga kay Secretary Gadon. Hindi raw magdudulot ng kumpiyansa sa gabinete ng pangulo ang pagkaka-disbar kay Secretary Gadon. Hindi rin naman daw siya eksperto sa isyu ng kahirapan. Sang-ayon si Liza Maza, dating pinuno ng National Anti-Poverty Commission, na dapat muling pag-isipan ng pangulo ang pagtatalaga kay Secretary Gadon. Aniya, maituturing na sampal sa pangulo ang desisyon ng Korte Suprema na tanggalin sa pagkaabogado si Secretary Gadon. Insulto rin daw ang pagtatalaga sa kanya sa mga babaeng pumapasan ng kahirapan sa bansa.  

Binibigyang-diin ng mga panlipunang turo ng Simbahan ang kahalagahan ng moral na aspeto sa pamamahala. Ibig sabihin, inaasahan ang ating mga lingkod-bayang gamitin ang kanilang kapangyarihan upang maglingkod. Maipakikita ito sa pagkakaroon ng pasensya, kahinahunan, at pagkakawanggawa sa kanilang mga pinaglilingkuran. Ang tunay na lingkod-bayan ay gumagalang sa kanyang kapwa at nakatuon sa pagkamit ng kabutihang panlahat o common good 

Hindi maiiwasang may mga kumuwestyon sa pagtatalaga sa gobyerno ng mga taong nasasangkot sa mga kontrobersya at humaharap sa iba’t ibang kaso. Maituturing na salungat sa magandang plano ng Diyos sa pamamahala ang pagkakaroon ng mga pinunong may rekord ng pambabastos sa kapwa at may pagkiling sa karahasan. Maliban sa usapin ng kakayahan, naniniwala ang Simbahang importanteng kwalipikasyon ng mga lingkod-bayan ang kanilang mga pinahahalagahan (o values) at karakter upang tunay na makapaglingkod sa taumbayan.  

Mga Kapanalig, katulad ng sinasabi sa Mga Awit 78:72, kailangan natin ng mga lingkod-bayang “tapat ang puso at papatnubayan tayo sa pamamagitan ng kabihasahan ng kanyang kamay.” Mas piliin sana ni Pangulong Marcos Jr. ang mga lingkod-bayang bihasa ang kamay, may pusong marunong gumalang, at gagamitin ang kanilang posisyon upang tunay na maglingkod sa taumbayan, lalo na sa mahihirap.  

Sumainyo ang katotohanan. 

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

BPO industry

 9,676 total views

 9,676 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »

Balik Probinsya

 17,721 total views

 17,721 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »

Kuryente

 22,801 total views

 22,801 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »

Nutrisyong sapat para sa lahat

 28,508 total views

 28,508 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 37,296 total views

 37,296 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BPO industry

 9,677 total views

 9,677 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Balik Probinsya

 17,722 total views

 17,722 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kuryente

 22,802 total views

 22,802 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nutrisyong sapat para sa lahat

 28,509 total views

 28,509 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 37,297 total views

 37,297 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Umento sa sahod ng mga manggagawa

 40,464 total views

 40,464 total views Mga Kapanalig, inapubahan bago matapos ang Hunyo ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang ₱35 na dagdag sa arawang sahod ng mga manggagawa dito sa National Capital Region (o NCR). Mula ₱610 ay magiging ₱645 ang minimum daily wage ng mga non-agricultural workers sa rehiyon.  Dismayado dito ang ilang labor groups. Para

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Irigasyon

 54,778 total views

 54,778 total views Kapanalig, ang Pilipinas ay isang bansang agrikultural na lubos na umaasa sa pagsasaka para sa kabuhayan ng maraming mamamayan. Ang irigasyon, o ang sistematikong pamamahagi ng tubig sa mga taniman, ay isang mahalagang aspeto ng agrikultura na may malaking epekto sa produksyon ng mga pananim, seguridad ng pagkain, at pangkalahatang pag-unlad ng bansa.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lifelong learning skills

 58,468 total views

 58,468 total views Kapanalig, sa ating digital world ngayon, maraming mga disruptions at mabilis ang pagbabago. Maraming mga imbensyon at inobasyon ang sumusulpot at umuusbong na nagbabago ng ating way of life at way of doing business. Kapag ang mamamayan ay hindi handa dito, lagi tayong mahuhuli at mahihirapan mag transisyon. Change, kapanalig, is constant. At

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Brain drain

 57,071 total views

 57,071 total views Dahil nasa digital age na tayo ngayon, ang mga science-based at digital industries ang karaniwang nangunguna sa merkado. Dahil sa malaking pagbabago na ito, ang mga uri ng trabaho na kailangan sa job market ngayon ay kinakailangan mas maraming scientists, engineers, programmers, IT specialists, at ibang kaugnay na trabaho. Ayon nga sa UNESCO

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kamag-anak, Inc.

 67,058 total views

 67,058 total views Mga Kapanalig, kung magkakatotoo ang sinabi ni Vice President Sara Duterte sa isang ambush interview noong isang linggo, tatlong Duterte ang makikita natin sa balota sa pagkasenador sa eleksyon sa 2025.  Sila ay ang mag-aamang sina dating Pangulong Digong Duterte, Congressman Paolo Duterte ng unang distrito ng Davao, at Mayor Sebastian Duterte ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Diplomasya ang susi

 71,026 total views

 71,026 total views Mga Kapanalig, “misunderstanding” o aksidente lamang para sa Malacañang ang pinakahuling insidente ng komprontasyon sa Ayungin Shoal (o Second Thomas Shoal) sa pagitan ng Chinese Coast Guard at Philippine Navy. Sa naturang insidente na nangyari dalawang linggo bago matapos ang Hunyo, hinarang ng mga Chinese coast guard personnel ang mga bangka ng Philippine

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Educator sa DepEd

 81,913 total views

 81,913 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, wala pa ring pinapangalanan ang administrasyong Marcos Jr na ipapalit na kalihim ng Department of Education (o DepEd). Nagulat ang marami nang mag-resign si Vice President Sara Duterte bilang DepEd secretary at opisyal ng isa pang opisina noong June 19. Sa sulat sa isinapubliko

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Heatwave at Malubhang Pagbaha sa Pilipinas

 94,352 total views

 94,352 total views Ang Pilipinas, bilang isang arkipelagong bansa, ay madalas na nakakaranas ng iba’t ibang kalamidad na dulot ng pagbabago ng klima. Isa sa mga pangunahing suliranin na kinakaharap natin ngayon ay ang matinding init o heatwave. Ka-alternate naman nito, kapanalig, ay ang malawakang pagbaha naman sa iba-ibang parte ng ating bansa, kahit pa walang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hamon ng Climate Change

 105,110 total views

 105,110 total views Ang climate change o pagbabago ng klima ay biggest challenge ng mundo ngayon. Ang Pilipinas ang isa sa pinakabulnerable dito. Ang epekto nito ay lubhang nararamdaman at nagdudulot ng malaking pagbabago sa ating kalikasan, kabuhayan, at pang-araw-araw na buhay. Dahil arkipelago ang ating bayan, lubhang bulnerable ito sa pagtaas ng temperatura, pagbabago sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pangangalaga sa Bata para sa Kinabukasan ng Bansa

 52,363 total views

 52,363 total views Kung nais mo makita ang kinabukasan ng bansa, kapanalig, tingnan mo na lamang kung paano natin inaalagaan ang mga bata. Ito ang magtatakda ng direksyon ng ating bayan sa darating na panahon. Ang mga bata ay kayamanan ng bawat lipunan. Sila ang magmamana at magpapatuloy ng ating mga adhikain at mithiin. Ipapasa natin

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top