Laban sa Disimpormasyon at Poot sa Social Media

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,516 total reads

Kapanalig, hindi natin matatatwa na ang ang social media sa ating bayan ay babad na babad sa disimpormasyon at poot. Naglipana ang fake news at hate speech sa internet. Ang nakakalungkot dito kapanalig, nasasalin na rin ito sa ating puso at isipan.

Ating naranasan sa kasagsagan ng pandemya na naging mas mahirap labanan ang sakit dahil sabay sabay ang pagdaloy ng siyentipikong impormasyon ukol sa COVID-19 at ng mga fake news ukol dito. Mas marami pa nga minsan ang naniniwala sa mga sabi-sabi at sa mga haka-haka ukol sa COVID-19 kaysa sa mga science-based information ukol dito. Mas madali kasing napapakalat ang fake news. Kadalasan, nakabalot pa ito sa mga mala-meme at mas nakaka-intriga o controversial na mga mensahe. Ayon nga sa Director General ng World Health Organization sa 2020 Munich Security Conference, hindi lamang pandemic ang ating nilabanan, pati na infodemic. Nakita natin kapanalig, na nakakamatay ang maling impormasyon. Pero, patuloy pa rin itong naglilipana.

Sa ating bansa, ang fake news ay patuloy pa rin habang unti-unti na tayong nakakabangon sa pandemya. Pinaigting pa ito ng katatapos na eleksyon. Hanggang ngayon, mainit pa rin ang paksyon sa social media. Nakahiwalay pa rin ayon sa kulay ng pulitika ang usapin ng marami. Mas lumalawig ang separasyon na ito dahil na rin sa patuloy na pagdami ng fake news at hate speech.

Ang social media kapanalig, ay malaking bahagi na ng ating buhay. Dito na tayo nag-didiskurso ukol sa maraming isyu ng lipunan. Tayo nga diba, ang social media capital sa buong mundo dahil tayo na ang may pinaka-mataas na social media usage – mahigit apat na oras kada araw. Liban pa dito, lampas pa sa 80% ng mga Filipino ang aktibo sa social media. Makapangyarihan ang social media sa ating bayan, kahit hina-hijack na ito ng mga manlilinlang.

Kapanalig, ibahin naman sana natin ang pag-gamit ng social media sa ating bansa. Gawin naman natin itong espasyo ng pag-ibig, pagkakaibigan, at liwanag. Andami ng Filipinong naniniwala sa social media, at karamihan, hindi kayang iberipika ang impormasyong kanilang nakakalap mula dito dahil maraming mga lehitimong news outlets o information sites ang may bayad o may paywall. Limitado din ang load nila.

Sa kanyang World Communications Day message noong 2018, sinabi ni Pope Francis, responsibilidad natin na  i-check ang source ng ating mga binabahagi sa social media at tiyakin na hindi tayo nagkakalat ng galit o takot. Gawin sana natin na araw-araw na praktis o gawain ang paglilinis ng ating puso, isip, pati na rin ng ating mga binabahagi online. Kapanalig, pag-ibig at katotohanan lamang ang ating i-share sa social media. Ito ang daan upang ating malabanan ang fake news at poot na naghahari ngayon sa social media.

Sumainyo ang Katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 70,419 total reads

 70,419 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 105,794 total reads

 105,794 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 141,094 total reads

 141,094 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 367,363 total reads

 367,363 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 256,843 total reads

 256,843 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Just energy transition sa Semirara

 70,420 total reads

 70,420 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 105,795 total reads

 105,795 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 141,095 total reads

 141,095 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 367,364 total reads

 367,364 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »
Scroll to Top