Labanan ang kasinungalingan sa darating na halalan, panawagan ng CMSP sa mamamayan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 8,386 total reads

Nanawagan ang Conference of Major Superiors in the Philippines (CMSP) sa bawat mamamayan na magkaisa para sa iisang adhikain para sa nalalapit na halalan sa bansa.

Ayon sa CMSP, mahalaga ang pagkakaisa ng lahat lalo na ang mga kabataan at mga taong Simbahan upang manindigan bilang tagapaghatid ng pag-asa at tagapangalaga ng katotohanan sa gitna ng patuloy na pagkakahati-hati ng lahat dahil sa paglaganap ng kasinungalingan ng lipunan.

“Sa panahong ang pagkakahati-hati ay lason sa pag-uusap, ang kasinungalingan ay lumalambong sa katotohanan, at ang takot ay sumasakal sa pananampalataya, tinatawag namin ang aming kapwa mamamayan—lalo na ang kabataan at ang mga taong simbahan—na tumindig bilang tagapaghatid ng pag-asa at tagapangalaga ng katotohanan.” Bahagi ng pahayag ng CMSP.

Nanawagan naman ang CMSP sa mga kandidato upang tunay na mamuno at maglingkod ng may integridad, at kababaang-loob para sa kapakanan at kabutihan ng mas nakararami o ng common good.

“Nanawagan kami sa mga kandidato: Huwag ninyong samantalahin ang aming sakit. Huwag ninyong galitin o guluhin ang aming takot. Sa halip, mamuno kayo nang may integridad, kababaang-loob, at puso ng tunay na lingkod.” Dagdag pa ng CMSP.

Partikular ding nanawagan ang CMSP sa iba pang mga komunidad at mga lingkod ng Simbahan na patuloy na mangaral at magsilbing gabay para sa bawat mamamayan lalo sa pagbabahagi ng mga kaalaman kung paano pumili ng karapat-dapat na ihalal para sa nalalapit na halalan.

“Nanawagan kami sa Simbahan at mga komunidad relihiyoso: Mangaral ukol sa katarungan. Turuan ang bayan. Samahan sila. Maging mapagmatyag at propetiko. Gawing pugad ng paninindigan at lakas ang ating mga kapilya at kumbento, mga paaralan at misyon.” Ayon pa sa CMSP.

Una ng umapela ang Conference of Major Superiors in the Philippines (CMSP) na patuloy na ipanalangin ang paggabay ng Panginoon maging mga kandidato at maging sa mga botante para sa pagkakaroon ng kaliwanagan ng isip at paninindigan para sa kapakanan, kabutihan, at kinabukasan ng buong bansa.

Batay sa tala ng COMELEC, aabot sa mahigit 69.6 na milyon ang bilang ng mga rehistradong botante para sa nalalapit na 2025 National and Local Elections habang aabot naman sa mahigit 18,200 ang kinakailangang ihalal na mga bagong opisyal ng bayan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 47,034 total reads

 47,034 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 126,815 total reads

 126,815 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 160,262 total reads

 160,262 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 195,560 total reads

 195,560 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 420,288 total reads

 420,288 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top