Labanan ang violence against women

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 193,909 total reads

Mga Kapanalig, ngayon ay ang International Day for the Elimination of Violence Against Women (o VAW). Sa Pilipinas, simula ang araw na ito ng 18-Day Campaign to End VAW. Layunin ng kampanyang ito na wakasan ang karahasan laban sa kababaihan. 

Ayon sa United Nations Programme for Gender Equality and the Empowerment of Women (o UN Women), ang VAW ay nananatiling isa sa pinakalaganap na porma ng human rights violation sa mundo. Repleksyon ito ng patuloy na diskriminasyon base sa kasarian, mga maling paniniwala tungkol sa kababaihan, at  pagtingin na mas malakas ang mga lalaki kaysa sa mga babae. Sa buong mundo, tinatayang isa sa bawat tatlong babaeng edad 15 pataas (o mahigit 736 milyong babae) ang nakaranas ng pisikal at/o sekswal na pang-aabuso. Kadalasan, biktima sila ng kanilang intimate partners (gaya ng asawa) o ng kapamilya nila mismo. Noong 2023, hindi bababa sa 51,000 na babae ang pinatay ng kanilang intimate partner o ng isang kamag-anak. Katumbas ito ng halos 140 na babaeng pinsalang kada araw noong 2023. 

Dito sa Pilipinas, ayon sa National Demographic and Health Survey noong 2022, 18% ng mga babae sa Pilipinas edad 15 hanggang 49 ang nakaranas na ng pisikal, sekswal, at emosyonal na pang-aabuso mula sa kanilang partner. Katumbas ito ng halos limang milyong Pilipina na biktima ng pang-aabuso. 

Base sa mga numerong ito, malayo pa talaga ang laban upang wakasan ang VAW. Katulad ng tema ng 18-Day Campaign to End VAW ngayong taon na “United for a VAW-free Philippines”, kailangan nating magtulungan para tuldukan ang karahasan laban sa kababaihan. Sa taong ito, nais palakasin ng pamahalaan ang tinatawag na “whole-of-nation approach” sa paglaban sa VAW. 

May apat na grupong tinatawagang makipagtulungan. Una ay ang kabataan. Hinihimok silang maging changemakers na nagsasalita upang labanan ang VAW at itaas ang kamalayan ng iba tungkol sa isyung ito. Pangalawa ay ang mga lalaki. Tinatawag silang maging proactive allies sa pamamagitan ng pagbabago sa mga paniniwalang mababa ang pagtingin sa mga babae. Pangatlo ay ang mga bystanders o mga taong nakakikita o nakaaalam ng pang-aabuso. Hinihikayat silang maging empowered responders na nagsasalita at nakikialam. Panghuli, ang mga lokal na lider ay iniimbitahang maging catalysts for policy-driven transformation na magpapalakas ng mga polisiya at programa para labanan ang VAW. 

Tayo kaya sa Simbahan, mga Kapanalig, anong mga maaari nating gawin para gawing VAW-free ang ating mga simbahan at komunidad? 

Walang puwang sa ating pananampalataya ang karahasan laban sa sinuman. Naniniwala tayong ang lahat—anuman ang kasarian—ay nilikha ng Diyos sa Kanyang wangis. Iniibig ng Diyos ang bawat isa sa atin. Anumang porma ng karahasan sa kababaihan ay tahasang pagyurak sa kanilang dignidad. Katulad ng sinasabi sa Roma 2:11, “walang kinikilingan ang Diyos.” Hindi niya nilikha ang lalaki para maging mas mataas sa babae. Kapwa silang nilikha ng Diyos; magkaiba ngunit magkapantay. Ang pagkakaiba ay bahagi ng paghahangad ng Diyos na magtulungan ang mga babae at lalaki. Plano ng Diyos na maging magkatuwang ang mga babae at lalaki. 

Kaya bilang Simbahan, kumilos tayo at labanan ang VAW. Pag-usapan—at ituwid kung kailangan—ang mga lumang pagtingin, paniniwala, at gawain na nagbubunga ng paglabag sa dignidad ng mga babae. Kundenahin natin ang iba’t ibang porma ng pang-aabuso. Isumbong natin sa mga kinauukulan ang anumang uri ng karahasan laban sa kababaihan. Ang VAW ay hindi lamang krimen; salungat ito sa ating pananampalataya.

Mga Kapanalig, lahat tayo ay may kilalang babae sa ating buhay—ina, kapatid, tita, lola, asawa, anak, kaibigan, kapitbahay, katrabaho. Ang pananahimik sa gitna ng karahasan laban sa kanila ay pagkampi sa nang-aabuso. Sama-sama nating labanan ang VAW!

Sumainyo ang katotohanan. 

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagod na pagod

 949 total reads

 949 total reads Mga Kapanalig, pagod na pagod na raw si Senador Juan Miguel Zubiri sa sobrang siksik na schedule niya tuwing pumapasok sa Mataas na

Read More »

Kahirapan sa bansa

 221,591 total reads

 221,591 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 256,264 total reads

 256,264 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 272,164 total reads

 272,164 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 308,602 total reads

 308,602 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Pagod na pagod

 950 total reads

 950 total reads Mga Kapanalig, pagod na pagod na raw si Senador Juan Miguel Zubiri sa sobrang siksik na schedule niya tuwing pumapasok sa Mataas na

Read More »

Kahirapan sa bansa

 221,592 total reads

 221,592 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 256,265 total reads

 256,265 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 272,165 total reads

 272,165 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »
Scroll to Top