Archdiocesan Shrine of Santo Nino de Tondo, itinalagang Minor Basilica ni Pope Leo XIV

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 24,349 total reads

Inaprubahan na ni Pope Leo XIV ang kahilingan ng Archdiocesan Shrine of Santo Niño sa Tondo, Manila na maitaas ito bilang isang minor basilica.

Kinumpirma ng dambana na inilabas ng Vatican ang decree noong November 9, 2025, kasabay ng Kapistahan ng Dedication of the Lateran Basilica sa Roma.

Sa pag-aproba ng Vatican, ang Sto. Niño de Tondo ang magiging ikaanim na minor basilica sa Archdiocese of Manila, kasunod ng maringal na deklarasyon ng Basilica Minore de Nuestra Señora del Pilar o Sta. Cruz Church noong November 21.

Isa sa pinakamatandang parokya sa Maynila, ang Sto. Niño de Tondo ay itinatag ng mga misyonerong Agustino noong 1572. Dito rin dinala ang isang mahalagang imahen ng Santo Niño na naging sentro ng debosyon ng mga mananampalataya at patuloy na pinagbubuklod ang komunidad sa paglipas ng mga siglo.

Sa panahon ng mga Espanyol, nagsilbi ang simbahan bilang mahalagang pook ng pagpapalaganap ng Kristiyanismo sa Tondo at mga karatig-barangay.

Bagama’t ilang ulit napinsala dahil sa mga digmaan, sunog, at lindol, nananatiling matatag ang debosyon ng mga taga-Tondo. Ang kasalukuyang istruktura, na itinayo noong 1734, ay patuloy na pinangangalagaan bilang makasaysayan at espiritwal na pamana.

Dahil sa malawak at masiglang debosyon, idineklara ito bilang Archdiocesan Shrine, isang pagkilalang nagtatampok sa natatangi nitong papel sa pananampalatayang Katoliko sa lungsod.

Sa Archdiocese of Manila, ilan pang minor basilica ang Manila Cathedral, Minor Basilica of the Black Nazarene (Quiapo Church), San Sebastian Church, at ang Minor Basilica and National Shrine of San Lorenzo Ruiz (Binondo Church).

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 63,276 total reads

 63,276 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 111,958 total reads

 111,958 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 159,831 total reads

 159,831 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 263,776 total reads

 263,776 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 346,828 total reads

 346,828 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top