Arsobispo ng Davao, hinimok ang mananampalataya na suportahan ang Red Wednesday campaign

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 23,127 total views

Hinimok ni Davao Archbishop Romulo Valles ang mga mananampalataya na aktibong suportahan ang Red Wednesday Campaign ng Aid to the Church in Need (ACN) Philippines, isang taunang pagkilos na naglalayong itampok ang kalagayan ng mga Kristiyanong inuusig sa iba’t ibang bansa.

Ayon sa arsobispo, ang pagdiriwang ay mahalagang pagkakataon upang ipadama ang pagkakaisa ng simbahan sa mga kapatid na dumaranas ng pagdurusa dahil sa kanilang pananampalataya.

“Together, let us support the persecuted Christians all over the world through our prayers and actions. Let us show our solidarity with Christians and other faith minorities who are persecuted because of their love for God,” ani Archbishop Valles.

Itinakda ng ACN Philippines ang Red Wednesday ngayong Nobyembre 26 sa temang “Living Hope Amidst Suffering.” Tampok dito ang iba’t ibang gawaing pastoral at panawagan para sa mas matatag na suporta sa mga Kristiyano at iba pang grupong panrelihiyon na humaharap sa karahasan at diskriminasyon.

Inatasan din ng arsobispo ang mga kura paroko na magsagawa ng special collection sa araw na ito para suportahan ang mga programa ng ACN na nakatuon sa mga Kristiyanong biktima ng pag-uusig.

Kasabay nito, hinikayat ni Archbishop Valles ang mga parokya, paaralan, at institusyon sa arkidiyosesis na magpailaw at magdekorasyon nang kulay pula, habang inaanyayahan ang publiko na magsuot din ng pula bilang tanda ng pakikiisa.

“The faithful are encouraged to wear red on that day as remembrance for the blood Christ shed on the Cross… and for the blood of our persecuted brethren,” dagdag ni Archbishop Valles.

Nagsimula ang Red Wednesday Campaign sa United Kingdom noong 2015 bilang global advocacy upang bigyang-pansin ang pag-uusig, karahasan, at diskriminasyon na dinaranas ng mga Kristiyano at iba pang religious minorities.

Lumahok ang Pilipinas noong 2017, at noong 2020 ay pormal itong pinagtibay ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines bilang taunang gawaing idinaraos tuwing Miyerkules matapos ang Kapistahan ng Kristong Hari.

Ngayong taon, isasagawa rin ng ACN Philippines ang pangunahing pagdiriwang sa Archdiocese of San Fernando, Pampanga, kung saan pangungunahan ni Archbishop Florentino Lavarias ang banal na Misa sa San Fernando Cathedral.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

NASAAN ANG SIMBAHAN

 22,258 total views

 22,258 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 45,410 total views

 45,410 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 115,524 total views

 115,524 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 190,138 total views

 190,138 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 268,620 total views

 268,620 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top