“Ikulong na ang korap!”

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 21,087 total reads

Ito ang matapang na panawagan ni Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas sa pakikiisa ng arkidiyosesis sa Trillion Peso March sa November 30.

Ayon sa arsobispo, ang lumalawak na kilos-protesta ay moral na pananagutan ng mga Kristiyano at ng mamamayang Pilipino na patuloy na nagdurusa sa epekto ng matinding katiwalian sa pamahalaan.

“Sa makabuluhang araw na ito tayo, ang Simbahan ng Lingayen Dagupan, ay nagpapahayag ng ating malinaw na espirituwal na pagkakaisa, kasama ang bawat kapatid na Pilipino, sa buong kapuluan, na pinipiling manindigan para sa Panginoon. Ikulong na ang korap!” ani Archbishop Villegas.

Tinukoy ng arsobispo ang mala-telenovelang pagsisiwalat ng malakihang pagnanakaw sa buwis ng bayan na posibleng umabot sa trilyong piso, pondong dapat sana’y nakalaan para sa kalusugan, edukasyon, at paglaban sa kahirapan.

“Ito ay hindi lamang isang espirituwal na gawain… ito ay isang civic na tungkulin at isang moral na pananagutan,” aniya, sabay giit na dapat pag-isahin ang tinig ng mamamayan upang durugin ang kultura ng korapsyon, pagpatay, at pagsisinungaling.

Binigyang-diin ng arsobispo na ang ugat ng kasalukuyang krisis ay nagsimula nang pahintulutan ng lipunan ang kultura ng pagpatay bilang mabilisang “solusyon” sa suliranin.

“Pinabayaan natin ang pagpatay sa mga mahihirap at mahihina. Dumalisdis tayong mabilis patungo sa pagnanakaw sa gobyerno. Ang killer at robber ay magkapamilya,” giit ni Archbishop Villegas.

Sinabi rin ni Archbishop Villegas na hindi maaaring pag-usapan ang trilyong piso ng pagnanakaw nang hindi inaalala ang mga biktima ng imoral at illegal na “war on drugs.”

“Habang humihiyaw tayo bilang protesta… hindi natin maaaring ibaon ang mga daing at luha ng mga mahihirap na sistematikong pinatay,” aniya.

Idinagdag ng arsobispo na nananatiling mahalaga ang paghahanap ng hustisya para sa mga biktima ng war on drugs, kabilang ang kasalukuyang pagsisiyasat ng International Criminal Court (ICC).

Binalaan din niya ang publiko sa patuloy na pagkalason ng katotohanan dahil sa disinformation at mga makinaryang nagkakalat ng pekeng salaysay.

“Ang ating pambansang krisis… ay isang krisis ng katotohanan mismo. Ang patuloy na paghampas ng fake propaganda ay naglalayong gawing manhid ang ating budhi,” giit ng arsobispo.

Hinimok ni Archbishop Villegas ang mamamayan na labanan ang kultura ng trolling, bashing, at digital vulgarity, at “i-decommission” ang mga sandatang online na ginagamit sa pangungutya at character assassination.

Hamon ni Archbishop Villegas na manindigan sa katotohanan kahit kapalit ang panganib sa hanapbuhay at ang posibleng backlash sa social media.

“Dalangin namin na ipagkaloob sa atin ng Banal na Espiritu ang lakas ng loob ni San Andres… upang tayo ay maging Simbahan sa malinaw na haligi ng katotohanan,” aniya.

Sa November 30, muling magsasama-sama ang iba’t ibang grupo, organisasyon, at Simbahang Katolika upang tutulan at kondenahin ang talamak na korapsyon sa pamahalaan na kinasasangkutan ng matataas na opisyal ng bansa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Battered woman syndrome

 62,722 total reads

 62,722 total reads Mga Kapanalig, dalawang linggo mula ngayon magsisimula ang 18-Day Campaign to End Violence against Women. Taun-taon ito ginugunita mula November 25 hanggang December

Read More »

Implikasyon ng eleksyon sa Amerika

 124,414 total reads

 124,414 total reads Mga Kapanalig, hindi pumabor sa kasalukyang administrasyon ni US President Donald Trump ang kinalabasan ng katatapos lamang na midterm elections doon.  Mayorya ng

Read More »

Salat sa malasakit

 170,116 total reads

 170,116 total reads Mga Kapanalig, pasintabi po sa maselang tema ng ating editoryal ngayon.  Lamán ng mga balita kamakailan ang 26 na labî ng aso at

Read More »

PAANO MABUHAY SA 96-PESOS

 271,381 total reads

 271,381 total reads Kapanalig, ipinagyayabang ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang poverty statistics ng Philippine Statistics Authority na hindi ka maituturing na mahirap kapag kumikita ka

Read More »

MAHIYA NAMAN KAYO

 338,005 total reads

 338,005 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top