Paglapastangan sa digdinad ng tao, paglapastangan sa Diyos-Cardinal David

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 32,295 total reads

Hinimok ni Catholic Bishops’ Conference of the Philippines President, Kalookan Bishop Pablo Virgilio Cardinal David ang mga mananampalataya na pagnilayan ang tunay na diwa ng Kapistahan ng Kristong Hari — ang paghahari ni Kristo na nagpapakita ng mataas na dignidad ng tao.

Ito ang pagninilay ng kardinal sa ika-100 taong pagdiriwang sa Kapistahan ng Paghahari ni Kristo Jesus sa National Shrine of Mary, Queen of Peace o EDSA Shrine noong November 23, 2025.

Ayon kay Cardinal David, isinugo si Kristo upang maghatid ng pag-asa, magpahayag ng Mabuting Balita, magpagaling ng may sakit, magpalaya sa naaapi, magpatawad sa nagkamali at magbigay-buhay sa sangkatauhan.

“Kung Kristiyano tayo, paninindigan natin na walang likas na masamang tao dito sa mundo. We distinguish always between person and action. The person is by nature good. Human beings are by nature good. But we are capable of evil action,” pagninilay ni Cardinal David.

Ipinaliwanag ng kardinal na ang anumang paglapastangan sa dignidad ng tao ay paglapastangan sa Diyos na nahahayag sa karahasan, walang saysay na pagpaslang, pang-aabuso sa kalikasan, at pagnanakaw sa kaban ng bayan.

Binigyang-diin ni Cardinal David na ang trono ni Kristo ay ang krus at ang karatulang “INRI,” na nangangahulugang “Si Hesus, ang Nazareno, Hari ng mga Hudyo,” na dating paratang ay naging tanda ng Kanyang tunay na paghahari.

Aniya, sa pagtingin sa Krus, naroon ang susi ng kaligtasan kung saan natatauhan ang tao, nagsisisi, humihingi ng tawad at nagbabalik-loob.

“Kahit masakit titigan, kailangan pala nating pagmasdan ang biktimang nakapako sa krus upang mamulat tayo sa walang hanggang pag-ibig ng Diyos na laging handang magbuwis ng buhay para sa ating katubusan. Upang tayo’y mamulat sa ating kahibangan. Upang tayo’y maantig at manangis, upang mahugasan ng luha ang ating mga mata, upang luminaw ang ating paningin at upang makita natin ang likas na dangal ng tao na patuloy na hinahamak,” ayon kay Cardinal David.

Nagbabala din si Cardinal David sa mapaminsalang epekto ng katiwalian na tinawag niyang makamandag at nakamamatay, at hinikayat ang mamamayan na pairalin ang katotohanan, kabutihan, at marangal na pamumuhay.

Panawagan ng kardinal ang pagbabalik-loob sa Panginoon upang manumbalik ang dangal ng bawat Pilipino at maghari ang katotohanan, katarungan at kapayapaan sa bansa.

“Kung tititigan natin Siyang mabuti, mahihimasan tayo. Kung hahayaan nating tumimo sa puso ang Kanyang dugo at sugat, magigising ang ating bayan. Kaya mga kapatid, pagmasdan natin ang hari sa krus. Pagmasdan upang matauhan, magsisi, magbalik loob at magpagaling,” saad ni Cardinal David.

Itinatag noong 1925 ni Pope Pius XI, sa pamamagitan ng ensiklikal na Quas Primas, ang pagdiriwang ng Christ the King upang tugunan ang paglaganap ng sekularismo at ipaalala ang paghahari ni Kristo sa buhay ng tao, sa lipunan at sa pamahalaan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAHIYA NAMAN KAYO

 54,246 total reads

 54,246 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Kasaysayang ayaw nating maulit

 140,742 total reads

 140,742 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 183,779 total reads

 183,779 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 233,538 total reads

 233,538 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

LEADERSHIP PROBLEM

 392,191 total reads

 392,191 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 191,882 total reads

 191,882 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top