Lahat ng simbahan, gawing sanctuary ng mga nangangailangan ng proteksiyon

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 378 total views

Umaasa si dating Commission on Human Rights Chairperson Etta Rosales na mas marami pang mga Obispo ang magbubukas ng kanilang mga Simbahan upang magsilbing sangtuwaryo ng mga nangangailan ng proteksyon sa gitna ng patuloy na karahasan sa lipunan.

Ito ang naging pahayag ni Rosales, kasunod ng pagbibigay suporta kay Caloocan Bishop Pablo Virgilio David mula sa mga alegasyon ng obstruction of justice dahil sa pagbibigay proteksyon at kustodiya ng mga menor de edad na testigo sa pagkamatay ng 17-taong gulang na si Kian Delos Santos sa Brgy. Sta. Quiteria, Caloocan City noong ika-16 ng Agosto.

Ayon sa dating opisyal mahalaga ang suporta at gabay ng Simbahan para sa lahat ng mga nangangailangan ng matatakbuhan mula sa marahas na sitwasyon sa bansa.

mga ibang Obispo nananawagan po kami, nag-aapela po kami sa inyo na lubos naming sinusuportahan ang ganda ng ginagawa ninyo sa Simbahan na sinasabi niyo na bawal ang pumatay at saka bawal ang magnakaw kapag sinasabi ninyo yan, natutuwa kami pero sana rin mas magbukas kayo, buksan ninyo ang mga Simbahan ninyo upang sa ganun yung mga ating mga kababayan na nangangailangan ng tulong ay mabigyan ng sanctuary dahil the more that you do this the better it is for them…” pahayag ni dating CHR Rosales sa panayam sa Radio Veritas.

Kaugnay nito, nagpahayag ng pagsuporta ang dating opisyal sa pagkupkop at pagbibigay proteksyon ng Diocese of Caloocan sa mga menor de edad na testigo sa kaso ni Kian Delos Santos.

Paliwanag ni Incoming CBCP Vice President Caloocan Bishop Pablo Virgilio David, hindi mga kriminal sa halip ay mga menor de edad na testigo sa krimen ang pinoproteksyunan ng Diocese of Caloocan upang makamit ang katarungan kaya’t walang nilalabag na batas ang Simbahan sa pagbibigay proteksyon sa mga kabataang saksi.

Bukod dito una ring nanindigan si Bishop David na handa ang Simbahan na magsilbing sangktuwaryo ng mga nangangailangan ng proteksyon at paggabay mula sa marahas na lipunan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

International Wellness Day

 112,692 total views

 112,692 total views Mga Kapanalig, ngayong araw ay International Wellness Day. Sa dami ng krisis natin ngayon, kumusta na kaya tayo? Noong Marso, idineklara ng United

Read More »

Labanan ang climate disinformation

 135,851 total views

 135,851 total views Mga Kapanalig, patuloy ang pagkalat ng fake news!  Ayon sa report ng Asia Center, isang research institute na nagsusulong ng mga karapatang pantao,

Read More »

Sigaw ng mga magsasaka

 157,125 total views

 157,125 total views Mga Kapanalig, tatlong pandaigdigang mga institusyon ang nagbabalâ tungkol sa krisis sa pagkain dahil sa nagpapatuloy na giyera sa Middle East. Nagpahayag ang

Read More »

Hindi sapat ang bayanihan

 317,853 total views

 317,853 total views Mga Kapanalig, nakasaad sa Galacia 6:2, “magtulungan kayo sa pagbuhat ng pasanin ng bawat isa.”  Sa kabila ng krisis na kinahaharap ng ating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Mananampalataya, inaanyayahan sa PCNE 2026

 6,548 total views

 6,548 total views Inaanyayahan ng Philippine Conference on New Evangelization (PCNE) ang bawat mananampalataya sa nakatakdang PCNE 2026 sa darating na Hulyo. Nakatuon ang PCNE 2026

Read More »
Scroll to Top