Laiko at Madre, iminungkahi na maging administrator ng Arkidiyosesis at Diyosesis

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 630 total reads

Pinangunahan ni Antipolo Bishop Francisco De Leon ang pagdiriwang ng ika-36 taon na pagkakakatatag ng Diyosesis ng Antipolo.

Bukod kay Bishop de Leon, naging katuwang din sa misa ng pasasalamat si Antipolo Auxiliary Bishop Nolly Buco na ginanap sa Our Lady of Good Voyage Cathedral na dinaluhan ng mga pari ng diyosesis at mananampalataya ng Antipolo.

Sa kanyang pagninilay, ibinahagi ni Bishop De Leon sa mananampalataya ng Antipolo kanilang Ad Limina visit sa Santo Papa Francisco sa Roma noong Mayo.

Ayon sa Obispo, iminungkahi niya kay Pope Francis na tanggalin na sa mga obispo ang pamamahala o pagiging administrator ng diyosesis sa halip ay pamahalaan na lamang ito ng mga layko o ng mga madre.

“I think and I feel na it’s high time for us bishops na iwanan na ang administration ng diocese at ibigay na ‘yun sa competent laity or religious person or religious sister. At i-dedicate naming mga obispo ang aming sarili sa praying, preaching at sa new evangelization,” ayon kay Bishop De Leon.

Ipinaliwanag ni Bishop de Leon na sa ganitong paraan ay mapagtutuunan ng mga Obispo ang kaniyang pastoral duties lalu na ang new evangelization.

“Kaya ang kinakailangan natin sinabi ko sa Pope, is a competent lay person na hangga’t maari may managerial skill, hindi na siya financially burden, retired na. Puwede rin ang religious sister sapagkat if they can administer a school why can’t they administer a diocese. Sabi ng Pope sa akin na nangyayari na ’yan in places where there is a lack of priests like in Germany,” ayon pa sa kay Bishop De Leon.

Inihayag ng Obispo na maaring talakayin ng diyosesis sa mga susunod na taon ang kanyang panukala.

“The Pope did not say no, he did not object. Sabi lang niya na nangyayari na ‘yan, ginagawa na ‘yan. So why can’t we do it? Why do we wait until ang ating mga pari ay kumakaunti bago natin gawin ‘yun?” dagdag pa ng obispo.

Ayon pa kay Bishop De Leon, kabilang naman sa naging mungkahi ng Catholic Bishops Conference of the Philippines kay Pope Francis ang pagkakaroon ng permanent deacon sa Pilipinas.

Ipinapaubaya naman ng Santo Papa ang usapin na pagdesisyunan sa CBCP na inaasahang namang tatalakayin ang isyu ng pagkakaroon ng permanent deacon sa susunod na plenary assembly.

Taong 1983 nang mahiwalay at dating nasasakop ng Archdiocese ng Manila ang Antipolo nang ganap na ideklara ito bilang isang diyosesis na unang binubuo ng tatlong bikaryato at 21 parokya.

Simula ng pagkatatag bilang diyosesis ang Antipolo ay nagkaroon na ng apat na obispo na sina Bishops Protacio Gungon, Crisostomo Yalung, Gabriel Reyes na siyang hinalilihan ni Bishop de Leon.

Ang diyosesis ng Antipolo ay kasalukuyang may higit sa tatlong milyong mga katoliko na may 65 mga parokya na pinangangasiwaan ng 164 na mga pari.

Bishop Presto, nakiisa sa mga binaha

 3,897 total reads

 3,897 total reads Nakikiisa si San Fernando-La Union Bishop Daniel Presto sa mga Pilipinong nakararanas ng matinding pagbaha at iba pang epekto ng masamang panahon, habang

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 37,061 total reads

 37,061 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 121,662 total reads

 121,662 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 159,036 total reads

 159,036 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 190,294 total reads

 190,294 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 261,488 total reads

 261,488 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top