Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 683 total views

Homiliya Para sa Ika-27 Linggo ng Karaniwang Panahon, 02 Oktubre 2022, Luk 17:5-10

Ito ang naisip kong pamagat para sa ating pagninilay sa ebanghelyo natin ngayon, dahil parang hawig and mensahe nito sa naisulat minsan ni San Pablo sa mga taga-Corinto (2 Cor 12:7-10).

Ganito ang nasabi niya sa sulat na iyon, “Para hindi ako maging mayabang dahil sa kamangha-manghang mga bagay na ipinakita ng Dios sa akin, binigyan ako ng isang kapansanan sa katawan. Hinayaan ng Dios na pahirapan ako ni Satanas sa aking kapansanan para hindi ako maging mapagmalaki.”

Tatlong beses daw nagmakaawa si San Pablo na alisin sa kanya ng Panginoon ang kanyang kahinaan o kapansanan, na tinawag niyang “tinik sa laman.” Pero ganito daw ang sagot ng Diyos sa kanya, “Sapat na sa iyo ang aking biyaya, dahil ang kapangyarihan ko ay nakikita sa iyong kahinaan.”

Ano ang kaugnayan nito sa ating ebanghelyo ngayon? May konteksto kasi ang sagot ni Hesus sa pakiusap ng mga alagad na dagdagan niya ang kanilang pananampalataya. Di ba sinabi niya, kahit kasinliit lang ng butilng mustasa ang kanilang pananampalataya, mararanasan pa rin nila ang kapangyarihan nito? Na pwede nilang utusang mabunot ang isang punongkahoy upang malipat sa dagat?”

Sayang nilaktawan kasi ng pagbasa sa leksyunaryo ang unang parte ng chapter 17 ng ebanghelyo. Sa verse 5 kaagad nagsisimula, nilaktawan ang verses 1-4. Doon kasi nasabi ni Hesus na may matinding parusang naghihintay sa sinumang maging sanhi ng ikapagkakasala ng kapwa at dapat laging handa silang magpatawad sa bawat sandali na may paulit-ulit na magkasala sa kanila at paulit-ulit ding humingi ng tawad. Para bang ang reaksyon ng mga alagad ay, “Ang hirap naman yata ng ineexpect mo sa amin, Lord; hindi yata kaya ng powers namin iyon. Siguro kakayanin namin KUNG DADAGDAGAN MO ANG AMING PANANAMPALATAYA.”



Kaya ang kasunod ay ang pangaral niya tungkol sa sikreto ng “kapangyarihan sa gitna ng kahinaan, kaliitan o kapakumbabaan.” Ano ang sikretong ito? Ang Talinghaga tungkol sa mapagkumbabang utusan. Ang tamang disposisyon daw ng isang mabuting tagapaglingkod ay ganito: na sa kabila ng kanyang pagpapagod, wala siyang hinihintay na gantimpala, recognition, o kahit na pasasalamat, dahil hindi doon nakasalalay ang kanyang pagpapagod. Hindi siya naghahabol ng karapatan dahil sa kanyang ginagawa. Nananatiling mababa ang kanyang loob. Ang paglilingkod mismo ay sapat nang gantimpala sa kanya.

Ito daw ang tamang disposisyon na magpapanatili sa katatagan ng isang naglilingkod para hindi siya maging mayabang o lumaki ang kanyang ulo. Na kung kailan siya nananatiling mababa ang loob, noon siya lalong napapalakas ng Panginoon, noon lalong namamagitan sa kanya ang kapangyarihan ng Diyos. Noon lalong nararanasan sa pamamagitan niya ang lakas ng Panginoong pinaglilingkuran niya.

Ano nga ba ang magpapalakas sa atin upang magpatawad? Edi ang pananatiling mulat na tayo mismo ay makasalanan at pinatawad! Ang manatiling mababa ang loob na aminin na tayo din ay laging nangangailangan ng patawad, biyaya at awa. Ang ganitong disposisyon daw ay mahalaga upang tayo rin ay maging laging handang magpatawad, magbigay at magdalang-awa.

Di ba ganito ang punto noong talinghaga tungkol sa dalawang taong nangutang at pinatawad? Syempre daw ang pinatawad ng mas malaking pagkakautang ay mas malaki ang magiging utang-na loob. Kaya napagsabihan ni Hesus ang Pariseong nagpakain sa kanya ngunit nanlait sa babaeng makasalanan na nagbuhos ng mamahaling pabango sa kanyang mga paa. Ang nagkasala daw ng malaki at pinatawad ay mas matindi daw kung umibig kaysa nagkasala nang maliit lang. Kaya siguro mas nagiging dakilang mga santo ang mga dating pasaway. Iyung mga laging matuwid ang magkakaroon ng tendency na maging mayabang, na mag-isip na wala silang pinagkakautangan ng loob, na karapatan nila ang lahat ng tatanggapin nila dahil sa isip nila, lahat ng ito ay bunga ng sariling pagsisikap lang. Ganoon ang tipong yumayabang at hindi makapagpupuno sa pagkukulang ng iba, mga tipong nasosobrahan ng bilib sa sarili. Aasa lang iyon sa sariling lakas, imbes na sa kapangyarihan ng Diyos.

Ang mga taong nagiging tunay na mapagbigay at laging handang magbahagi ay walang iba kundi ang mga taong laging mulat na lahat ng meron sila ay grasya, biyayang tinanggap din nila kahit hindi sila karapat-dapat. Ganyan naman sa buhay, di ba? Ano bang dala natin sa mundo nang isilang tayo? Ni suot nga wala tayo. Di ba pinalaki tayo, binihisan, pinakain, pinaaral, ng mga taong nagmahal sa atin na wala namang hinihintay na kabayaran? Na ang makita tayong maging matagumpay ay sapat nang kaligayahan sa kanila?

Ang paborito daw na strategy ng dimonyo sa pagpapabagsak niya sa tao ay pagpapalaki ng kanyang ulo. Kapag nasanay ang tao na angkinin ang hindi naman talaga kanya. Ang tendency ng tao na maging mayabang. Noon daw lalong humihina ang pagkatao natin, kapag nakasalalay ang ating self-esteem sa affirmation o mga papuri o pagkilala ng iba sa ating mga accomplishments.

May itinuro si Hesus na sikretong panlaban sa dimonyo kapag parang nagkakaroon na tayo ng tendency na mahumaling sa papuri at pagkilala ng iba. Ang laging ituro ang pinanggagalingan ng lahat ng kabutihan na taglay natin. Ang tumulad kay Mama Mary: Nang sabihan siya ni Elisabeth, “Napakadakila mo sa lahat ng babae, at napakadakila ng anak na isisilang mo!” Ang sagot niya ay Magnificat, “Napakadakila ng Diyos.”

Mahalaga na manatili tayong mulat sa kung sino tayo sa harapan ng Diyos, na kasangkapan lang tayo ng kanyang lakas at kapangyarihan. Kumbaga sa buwan, wala tayong sariling liwanag kundi ang liwanag ng araw na nakikita sa atin sa kadiliman ng gabi.

Nasabi rin ito ni Hesus sa Sermon niya sa bundok, “Hayaan ninyo na sumikat ang inyong liwanag sa daigdig, upang makita nila ang inyong mabuting gawa at purihin nila ang Diyos Amang nasa langit.” Hindi pala corny na kapag pinuri tayo, matapos na magsabing “Thank you,” ang isunod ay “Praise the Lord,” o “To God be the Glory.”

Kaya siguro sa Misa, matapos na dasalin natin ang Ama Namin, may panalangin ang pari na “iadya tayo sa masama” at “pagkalooban tayo ng kapayapaan, ligtas sa kasalanan at ilayo sa kapahamakan.” Mangyayari lahat ng iyon kung alam nating kilalanin ang pinagmumulan ng lahat: “ SAPAGKAT SA IYO NAGMUMULA ANG KAHARIAN, KAPANGYARIHAN AT KAPURIHAN, MAGPASAWALANG-HANGGAN. Amen!”

ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Truth Vs Power

 19,716 total views

 19,716 total views Sinasabi sa mga opinyon Kapanalig, “truth” when one who says it is in power, out of it, even critic and evidence doesn’t matter. Noon, sa kabila ng kasinungalingan…anuman ang sasabihin ng dating Pangulo Rodrigo Roa Duterte ay katotohanan…hinahangaan natin siya na mga botanteng Pilipino…sinusunod natin anuman ang kanyang utos. Sinasabi nga ng News

Read More »

Heat Wave

 29,051 total views

 29,051 total views Kapanalig, ramdam mo na ba ang maalinsangang panahon? Pinagpapawisan ka na ba sa init ng panahon? Ang mainit na panahon na sanhi ng nagbabagong klima sa lahat ng panig ng mundo? Ang mainit na panahon na ating kagagawan dahil sa walang habas na pagsira sa kalikasan. Paulit-ulit na ipinapaalala sa ating mananampalataya ng

Read More »

Aangat ang kababaihan sa Bagong Pilipinas?

 41,161 total views

 41,161 total views Mga Kapanalig, “Babae sa Lahat ng Sektor, Aangat ang Bukas sa Bagong Pilipinas!”  Ito ang tema sa paggunita natin ng National Women’s Month sa taóng ito. Sinasalamin nito ang hangarin ng kasalukuyang administrasyon na matamasa ng kababaihan ang kanilang mga karapatan, na ang mga oportunidad na ibinibigay sa mga lalaki ay nakakamit din

Read More »

Plastik at eleksyon

 58,717 total views

 58,717 total views Mga Kapanalig, mala-fiesta na ba sa inyong lugar sa dami ng mga nakasabit na tarpaulins at posters ng mga kandidato? Asahan ninyong darami pa ang mga iyan pagsapit ng opisyal na simula ng kampanya para sa mga tumatakbo sa lokal na posisyon. Sa March 28 pa ito, pero wala pa nga ang araw

Read More »

Sasakay ka ba sa mga resulta ng surveys?

 79,744 total views

 79,744 total views Mga Kapanalig, nagsusulputang parang kabute, lalo na sa social media, ang iba’t ibang surveys na nagpapakita ng ranking ng mga kandidato sa paparating na eleksyon. Sinu-sino nga ba ang nangunguna? Sinu-sino ang malaki ang tsansang manalo kung gagawin ngayon ang halalan? Sinu-sino ang tila tagilid at kailangan pang magpakilala sa mga botante? Bahagi

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Cardinal Ambo Homilies
H.E. Pablo Virgilio Cardinal David, D.D.

MATINIK

 2,791 total views

 2,791 total views Homiliya para sa Unang Linggo ng Kuwaresma, 9 Marso 2025, Lk 4:1-13 Pumasok na tayo sa panahon ng kuwaresma noong nakaraang Miyerkoles ng Abo. Kaya kuwaresma dahil kuwarenta. Pagkakataon ito para sa apatnapung araw mga pagsasanay na espiritwal. Sa unang araw pa lang, noong Miyerkoles ng Abo, tatlong spiritual exercises na agad ang

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
H.E. Pablo Virgilio Cardinal David, D.D.

PAGLULUKSA AT PAG-AAYUNO

 1,922 total views

 1,922 total views Homiliya para sa Biyernes matapos ang Miyerkoles ng Abo, 7 Marso 20245, Mt 9:14-15 “Pwede bang MAGLUKSA ang mga bisita sa kasalan habang kapiling nila ang lalaking ikinakasal? Pagdating ng panahon na mawala sa piling nila ang ikinakasal, noon sila mag-aayuno.” Bakit kaya ikinukumpara ni Hesus ang pag-aayuno sa pagluluksa sa ating ebanghelyo?

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
H.E. Pablo Virgilio Cardinal David, D.D.

PAKITANG-DIYOS

 1,763 total views

 1,763 total views Homiliya para sa Miyerkoles ng Abo, 5 Marso 2025, Mt. 6:1-6, 16-18. Para hindi tayo maligaw tungkol sa sinasabi ni Hesus sa binasa nating ebanghelyo, linawin muna natin kung ano ang hindi niya sinasabi. Hindi niya sinasabi na masama ang gumawa ng kabutihan sa nakikita ng mga tao. Di ba siya nga mismo

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
H.E. Pablo Virgilio Cardinal David, D.D.

WATCH YOUR WORDS

 3,176 total views

 3,176 total views Homily for the 8th Sunday in OT, 2 Mar 2025, Lk 6:39-42 I woke up this morning wondering why the sound track of Starwars was playing in my mind. And in my coffee with Jesus early this morning, the face of my old Jesuit spiritual director, Fr. Hernando Maceda, flashed in my imagination,

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
H.E. Pablo Virgilio Cardinal David, D.D.

PUTULIN?

 5,173 total views

 5,173 total views Homiliya para sa Huwebes sa Ikapitong Linggo ng Karaniwang Panahon, 27 Pebrero 2025, Mk 9:41-50 Ang pinaka-susi para maintindihan ang ipinupunto ng ating pagbasa ay ang linyang: “Kayo ay KAY KRISTO.” May gantimpala daw sa sinumang magmagandang-loob sa atin dahil tayo ay KAY KRISTO. Ibig sabihin, bilang alagad, ang buhay natin ay bahagi

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
H.E. Pablo Virgilio Cardinal David, D.D.

PAGPAPAKITA NG MGA BANAL

 2,413 total views

 2,413 total views Homiliya para sa Pyesta ng Birhen ng Kapayapaan Mission Station, Letre, Malabon city, Pebrero 25, 2025, Roma 8:28-30; Lucas 1, 26-38 Sana merong makapagkuwento kung bakit ang Kapilyang ito ay ipinangalan sa Mahal na Birhen ng Kapayapaan, na mas kilala bilang ang “Birhen ng EDSA” at ipinagdiriwang bilang paggunita sa araw mismo ng

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
H.E. Pablo Virgilio Cardinal David, D.D.

IRONY

 3,738 total views

 3,738 total views Homily for Friday of the 6th Wk in OT, 21 Feb 2025, Gen 11:1-9 & Mk 8:34-9:1 “What profit is there to gain the whole world and forfeit your life?” There is a word in English that describes a question like this: IRONY. You went after something that you thought was profitable, and

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
H.E. Pablo Virgilio Cardinal David, D.D.

COVENANT WITH NOAH

 3,936 total views

 3,936 total views Homily for Thur of the 6th Wk in OT, 20 Feb 2025, Mk 8:27-33 “You are thinking not as God does, but as human beings do.” This is what Jesus said to Peter. Another way of saying that is: “Your thinking is not in accordance with God’s will.” Let us relate this now

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
H.E. Pablo Virgilio Cardinal David, D.D.

GULONG NG PALAD

 4,648 total views

 4,648 total views 16 Pebrero 2025, Pang-anim na Linggo ng Karaniwang Panahon, Lucas 6:17, 20-26 (See English version below, after the Original Tagalog text.) Isa sa mga naunang telenobela series na ipinalabas sa telebisyon sa Pilipinas ay pinamagatang “Gulong ng Palad,” na sa Ingles ay “Wheel of Fortune.” Noong panahong iyon, mga bata pa lang sina

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
H.E. Pablo Virgilio Cardinal David, D.D.

OPEN OUR HEARTS

 4,931 total views

 4,931 total views Homily for February 14, 2025, Mk 7:31-37 EPHPHATA! BE OPENED! This is the cry of Jesus that opened the closed mouth and ears of the deaf and mute man. It’s a beautiful metaphor for the work of evangelization. It also encapsulates our participation in the mission of our Lord Jesus Christ, the mission

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
H.E. Pablo Virgilio Cardinal David, D.D.

POWER

 7,950 total views

 7,950 total views Homily for Tues of the 4th Wk in OT, 4 Feb 2025, Mk 5:21-43 The Gospel tells us Jesus felt power come out of him as soon as the woman with hemorrhage touched him and got healed. Let’s reflect today on POWER and what Mark is telling us about it in this double

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
H.E. Pablo Virgilio Cardinal David, D.D.

SLOWLY BUT SURELY

 6,356 total views

 6,356 total views Homily for Friday of the 3rd Week in OT, 31 January 2025, Mk 4:26-34 There is a scene in the old movie on the life of St Francis entitled “Brother Sun, Sister Moon” where Francis starts rebuilding the ruined Church of San Damiano. The movie is a musical, so he is singing a

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
H.E. Pablo Virgilio Cardinal David, D.D.

LIKAS NA TALINO

 9,573 total views

 9,573 total views Linggo ng Santo Niño, 18 Enero 2025, Lk 2:41-52 Para sa episode na ito ng Santo Niño Sunday, susubukan nating maintindihan ang natural na proseso ng pag-alam ng likas na talino ng tao at pagsusumikap natin na matuto upang humantong sa pag-unawa. Tingnan ninyo, kahit ang Anak ng Diyos ay nagbigay-daan upang matuto

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
H.E. Pablo Virgilio Cardinal David, D.D.

HARD TO ENTER INTO HEAVEN?

 11,709 total views

 11,709 total views Homily for Friday of the 1st Week in Ordinary Time, 17 January 2025, Mt 19:16-26 I used to react to this saying about it being so hard to enter the kingdom of heaven. Until I realized that it would be easier to get the sense of what Jesus is saying by inverting the

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
H.E. Pablo Virgilio Cardinal David, D.D.

PAGKAMULAT

 9,235 total views

 9,235 total views Homiliya para sa Kapistahan ng Pagkakabinyag ng Panginoon, 12 Enero 2025, Lk. 3:15-16,21-22 Hindi si Juan Bautista ang nagbinyag kay Hesus kundi ang Espiritu Santo. Naging okasyon lang ang paglulublob na ginawa ni Juan sa kanya para sa pagbaba ng Espiritu Santo. Ang Espiritu ang pumukaw sa kalooban niya at nagbigay sa kanya

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top