Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Laudato Si week, panawagan ng pagkakaisa at sama-samang pangangalaga sa kalikasan

SHARE THE TRUTH

 612 total views

Inihayag ni Kalookan Bishop Pablo Virgilio David na ang pagdiriwang sa Laudato Si Week ay paanyaya sa lahat upang sama-samang pangalagaan ang ating nag-iisang tahanan.

Ayon kay Bishop David, pangulo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines, hindi lamang nananatili sa mga mananampalataya ng Simbahang Katolika ang paggunita sa Laudato Si Week kundi kabahagi rin nito maging ang ibang denominasyon.

Ipinaliwanag ng Obispo na ito ay isang adbokasiya na ibinabahagi sa lahat, mga bansa sa buong mundo, at mga taong mayroong mabuting kalooban at pagmamalasakit sa inang kalikasan.

“I recommend therefore, that you take this opportunity to exercise the genuine sense of Catholicity by reaching out to other fellow Christians, fellow believers, and fellow environmental advocates in the spirit of dialogue, solidarity, and social friendship,” pahayag ni Bishop David.

Muli namang ibinahagi ni Bishop David ang inilabas na CBCP Pastoral Letter noong Enero ng kasalukuyang taon hinggil sa panawagan ng pagkakaisa at pagkilos sa gitna ng nagaganap na krisis sa kapaligiran.

Hinihikayat ang lahat ng mga katolikong institusyon sa bansa na huwag pahintulutan ang mga bangko na mamuhunan sa coal-fired power plants, pagmimina, at iba pang mapaminsalang proyekto.
Kabilang din dito ang mungkahing huwag tatanggap ng anumang donasyon mula sa mga kompanyang nagpapatakbo ng industriyang pumipinsala sa kalikasan.

Hiling naman ni Bishop David na ang Laudato Si Week ay maging pagkakataon upang paigtingin ang kamalayan ng bawat komunidad laban sa malubhang climate crisis na kailangang tugunan ng buong mundo.

“Like I have said on many occasions before, there is no planet B waiting for us out there. The earth is our one and only home; and our creator has entrusted it to our care as his stewards,” ayon sa Obispo.

Tema ng Laudato Si’ Week ngayong taon ang “Listening and Journeying Together” na isasagawa hanggang ika-29 ng Mayo.

Ito ay paggunita rin sa ikapitong anibersaryo ng liham-ensiklikal ng Kanyang Kabanalan Francisco na Laudato Si’ hinggil sa wastong pangangalaga sa kalikasan – ang ating nag-iisang tahanan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

LEGACY OF CORRUPTION

 15,083 total views

 15,083 total views In St. Paul’s Letter to the Philippians, we find echoes of this lofty ideal: Christ Jesus “emptied himself, taking the form of a

Read More »

Kabiguan sa kabataan

 65,617 total views

 65,617 total views Mga Kapanalig, para sa isang dating artista na minsang gumanap bilang tagapagtaguyod ng katarungan—at bilang bayani pa nga ng bayan—nakapagtataka kung bakit isinusulong

Read More »

THEATRE OF THE ABSURD

 95,576 total views

 95,576 total views “Theater that seeks to represent the absurdity of human existence in a meaningless universe by bizarre or fantastic means”. Kapanalig, ito ang tawag

Read More »

MISALIGNED

 109,455 total views

 109,455 total views Nararapat ang pagsasanay ng mga guro ay naka-aligned sa reyalidad at pangangailangan ng mga modernong silid-paaralan sa bansa. Ngunit, natuklasan sa pag-aaral ng

Read More »
12345

Watch Live

LATEST NEWS

Latest News
Reyn Letran - Ibañez

CLCNT, dismayado sa Korte Suprema

 20,043 total views

 20,043 total views Dismayado ang Church Leaders Council for National Transformation (CLCNT) sa naging desisyon ng Korte Suprema na nagdeklarang unconstitutional ang impeachment laban kay Vice

Read More »
12345

RELATED ARTICLES

Sana ay mali kami

 22,279 total views

 22,279 total views Ito ang mariing pahayag ni Diocese of Lucena Ministry on Ecology director, Fr. Warren Puno, habang pinagninilayan ang sunod-sunod na sakuna at kalamidad

Read More »
1234567