Information overload at disinformation, pangunahing problema sa Pilipinas

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,262 total reads

Information overload at disinformation ang isa sa pangunahing suliranin sa lipunan na nagkaroon din ng epekto sa katatapos lamang na halalan sa bansa.

Ayon kay Fr. Roy Bellen, director ng office of Communications ng Roman Archdiocese of Manila at Vice-President for Operation ng Radio Veritas, ang mga impormasyon ay karaniwang napapanood ng milyong mga Filipino sa social media kabilang na sa YouTube, TikTok at Facebook na nagkaroon ng impluwensya sa mga botante.

Ang pahayag ng pari ay kasabay na rin ng nakatakdang pagdiriwang ng simbahan ng 56th World communication Sunday kasabay ng Ascension Sunday sa Linggo.

Napiling tema ng Santo Papa Francisco sa pagdiriwang ang Listen with the Ear of the Heart na ang layunin ay ang pakikinig, at pagninilay bago ang pagpapahayag upang matukoy ang tunay na mensahe ng Panginoon.

“Any information na nagbababa, nagbabasura sa karangalan ng tao ay hindi mula sa Diyos. Yung paninira, ang dangal ng tao ang niyuyurakan, nagsisinungaling para ang dangal ng tao ay ibagsak. In the first place alam na alam mo kaagad hindi po yan galing sa Diyos,” ayon kay Fr. Bellen.

Iginiit ni Fr. Bellen na nanggagaling ang ‘tunay na impormasyon’ sa katotohan, kalayaan at dignidad.

“It is very good for us to be reminded kung ano po talaga ang mensahe ng Panginoon. Unang una po, let us be reminded ang Panginoon po ang unang pinahalagahan ay ang dangal ng tao. Katunayan ang Diyos nagkatawang tao, itinaas niya ang dangal ng pagiging tao.”pahayag ng pari

Dahil din sa dami ng mga napapanood at nababasa sa social media nang walang pagsusuri sa katotohan ng ulat ay nagdulot din ng kalituhan kung alin ang tama o mali na dapat paniwalaan.

Bilang paghahanda sa World Communication Day ay gaganapin naman sa Youth Center ng Archdiocese of Manila ang Social Communications Conference.

Ang pagtitipon ay dadaluhan ng mga social communications ministry mula sa mga parokyang nasasakop ng arkidiyosesis.

Ayon kay Fr. Bellen ang pagdiriwang ay muling paanyaya at paalala sa mananampalataya ng kahalagahan ng pakikipag-unayan at ang pagpapahayag ng katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 11,878 total reads

 11,878 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 93,743 total reads

 93,743 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 127,192 total reads

 127,192 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 162,491 total reads

 162,491 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 388,656 total reads

 388,656 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Ipagdasal ang Santo Papa, apela ng CBCP

 13,608 total reads

 13,608 total reads Nanawagan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines o CBCP sa mga mananampalataya sa buong bansa na ipanalangin, mag-alay ng Misa, at magdasal

Read More »
Scroll to Top