Synodal consultations ng simbahan, nagdulot ng pagbubuklod ng pamayanan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 895 total reads

Nagdulot ng pagbubuklod ng pamayanan ang ginanap na synodal consultations.

Ito ang ibinahagi Archdiocese of Zamboanga Administrator Bishop Moises Cuevas sa Radio Veritas hinggil sa isinagawang Synod on Synodality ng arkidiyosesis.

Ayon sa Obispo, mas lumawak ang pagkakapatiran sa pagitan ng mga kristiyano at muslim at higit nailapit ang simbahan sa bawat komunidad.

“One of the outcomes sa synodal process ay ang pagkakaisa ng mga mamamayan, they appreciated the process which is prayerful; they were very happy to be listened, to be invited and part of the consultation,” pahayag ni Bishop Cuevas sa panayam ng Radio Veritas.

Ibinahagi ni Cuevas na napagaan at napabilis ang proseso ng synodal consultations ng Zamboanga sapagkat bumuo ito ng 480 note takers at facilitators na nangasiwa sa konsultasyon sa bawat parokya.

Lumikha din ng Synodal Process Archdiocesan Manual (SPAM) ang arkidiyosesis na naging batayan ng mga facilitators habang bumuo rin ng Synodal Process Parish Team (SPPT) na bumibisita sa mga Basic Ecclessial Communities ng bawat parokya.

Inihayag ni Bishop Cuevas na umabot ng 5,017 ang mga lumahok sa konsultasyon kabilang na ang mga muslim, uring manggagawa, LGBTQ community, at iba’t ibang sektor ng sakop ng arkidiyosesis.

“After the consultations we will continue to meet and keep contact of these sectors para sa iba pang mga pagtitipon na ating gagawin,” ani Bishop Cuevas.

Iniulat pa ng obispo na nagamit din na pagkakataon sa voter’s formation ang synodal consultations gayundin ang paghahatid ng tulong sa mga nasasakupang komunidad.

Sa kasalukuyan nakalikha ng synthesis ang arkidiyosesis mula sa mga synodal consultations na gagamitin naman sa isasagawang pre-synodal diocesan meeting sa May 28.

Ang Synod on Synodality na inilunsad ni Pope Francis noong October 2021 na hinati sa diocesan phase, episcopal conference phase, continental phase at universal phase sa gagawing Synod of Bishops sa October 2023.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 13,913 total reads

 13,913 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 95,504 total reads

 95,504 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 128,953 total reads

 128,953 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 164,252 total reads

 164,252 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 390,319 total reads

 390,319 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top