Green agenda, palalakasin ng makakalikasang grupo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 647 total reads

Patuloy na isusulong ng simbahan at makakalikasang grupo ang “green agenda” para sa kalikasan.

Ito ang pagninilay ni Father Angel Cortez, OFM sa isinagawang banal na Misa sa Minor Basilica of the Immaculate Concepcion o Manila Cathedral sa paggunita sa ikapitong anibersaryo ng ensiklikal na Laudato Si’ ng Kanyang Kabanalan Francisco.

Ayon kay Fr. Cortez, miyembro ng International Steering Committee ng Laudato Si’ Action Platform ng Vatican Dicastery for Integral Human Development, nilalayon ng green agenda na paigtingin ang panawagan laban sa iba’t ibang mapaminsalang proyekto na patuloy na sumisira sa ating nag-iisang tahanan.

Tinukoy ng pari ang patuloy na operasyon ng mga mapaminsalang industriya tulad ng coal-fired power plants at pagmimina sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

“Ang Pilipinas po napakaraming coal-fired power plant na hanggang ngayon ‘di pa nasasara. Marami pong mga minahan na hanggang ngayon ay hindi pa rin nakikita ng nakakarami kung paano kinakalbo ‘yung ating mga bundok,” ayon kay Fr. Cortez.

Tinugunan naman ni Fr. Cortez ang tanong ng karamihan kung bakit ang Simbahang Katolika ay laging nakikisangkot sa iba’t ibang usapin lalo na sa kalikasan.

Sinabi ng pari na ang Santo Papa na mismo, sa pamamagitan ng kanyang ensiklikal na Laudato Si’ ang nagbigay inspirasyon sa bawat mananampalataya na makisangkot sa panawagan upang pahalagahan at pangalagaan ang inang kalikasan.

Umaasa naman si Fr. Cortez na nawa ang pinagdaanan ng mga naging biktima ng sari-saring sakuna at hangarin ng pag-unlad ang mag-udyok upang simulang pagtuunan ang pagmamalasakit para sa ating nag-iisang tahanan.

“Hindi po dito nagtatapos ang ating pagmamahal sa kalikasan bagkus, nagsisimula pa lang tayong muling umalab ang ating mga puso upang bilang mga mananampalataya, katulad ng pangako ng Panginoon ay hindi niya tayo kailanman iiwan kung ang ating itinataguyod at ipinaglalaban ay para sa kabutihan ng nakakarami,” saad ni Fr. Cortez.

Tema ngayon ng Laudato Si Week ang “Listening and Journeying Together” na layong pagbuklurin ang 1.3 bilyong Katoliko sa buong mundo upang makinig at tumugon sa panawagan ng sangnilikha.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 10,429 total reads

 10,429 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 92,383 total reads

 92,383 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 125,832 total reads

 125,832 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 161,131 total reads

 161,131 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 387,347 total reads

 387,347 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 155,652 total reads

 155,652 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top