Laudato Si week, panawagan ng pagkakaisa at sama-samang pangangalaga sa kalikasan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 802 total reads

Inihayag ni Kalookan Bishop Pablo Virgilio David na ang pagdiriwang sa Laudato Si Week ay paanyaya sa lahat upang sama-samang pangalagaan ang ating nag-iisang tahanan.

Ayon kay Bishop David, pangulo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines, hindi lamang nananatili sa mga mananampalataya ng Simbahang Katolika ang paggunita sa Laudato Si Week kundi kabahagi rin nito maging ang ibang denominasyon.

Ipinaliwanag ng Obispo na ito ay isang adbokasiya na ibinabahagi sa lahat, mga bansa sa buong mundo, at mga taong mayroong mabuting kalooban at pagmamalasakit sa inang kalikasan.

“I recommend therefore, that you take this opportunity to exercise the genuine sense of Catholicity by reaching out to other fellow Christians, fellow believers, and fellow environmental advocates in the spirit of dialogue, solidarity, and social friendship,” pahayag ni Bishop David.

Muli namang ibinahagi ni Bishop David ang inilabas na CBCP Pastoral Letter noong Enero ng kasalukuyang taon hinggil sa panawagan ng pagkakaisa at pagkilos sa gitna ng nagaganap na krisis sa kapaligiran.

Hinihikayat ang lahat ng mga katolikong institusyon sa bansa na huwag pahintulutan ang mga bangko na mamuhunan sa coal-fired power plants, pagmimina, at iba pang mapaminsalang proyekto.
Kabilang din dito ang mungkahing huwag tatanggap ng anumang donasyon mula sa mga kompanyang nagpapatakbo ng industriyang pumipinsala sa kalikasan.

Hiling naman ni Bishop David na ang Laudato Si Week ay maging pagkakataon upang paigtingin ang kamalayan ng bawat komunidad laban sa malubhang climate crisis na kailangang tugunan ng buong mundo.

“Like I have said on many occasions before, there is no planet B waiting for us out there. The earth is our one and only home; and our creator has entrusted it to our care as his stewards,” ayon sa Obispo.

Tema ng Laudato Si’ Week ngayong taon ang “Listening and Journeying Together” na isasagawa hanggang ika-29 ng Mayo.

Ito ay paggunita rin sa ikapitong anibersaryo ng liham-ensiklikal ng Kanyang Kabanalan Francisco na Laudato Si’ hinggil sa wastong pangangalaga sa kalikasan – ang ating nag-iisang tahanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 10,414 total reads

 10,414 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 92,368 total reads

 92,368 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 125,817 total reads

 125,817 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 161,116 total reads

 161,116 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 387,332 total reads

 387,332 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 155,651 total reads

 155,651 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top