Legacy ng dating pangulong Pnoy, kinilala ng AMRSP

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 444 total views

Nagpaabot ng pakikiramay ang Association of Major Religious Superiors in the Philippines (AMRSP) sa pamilya Aquino kasunod ng pagpanaw ni dating Pangulong Benigno Simeon Aquino III.

Ayon kina AMRSP Co-Chairpersons Sr. Marilyn A. Java, RC at Fr. Cielito R. Almazan, OFM kaisa ng buong bansa ang AMRSP sa pagluluksa sa pagpanaw ng dating Panguloy Noynoy na nakilala bilang PNoy.

Pagbabahagi ng AMRSP, hindi malilimutan ng mga religious men and women at mga consecrated persons sa bansa ang magandang samahan at pakikitungo ng dating Pangulo sa mga lingkod ng Simbahan gayundin pakikiisa nito sa pagsusulong ng common good sa pamamagitan ng pagpapatatag ng demokrasya at pagpapaunlad ng ekonomiya para sa kapakanan ng mas nakararami.

“On behalf of the Joint Executive Board and our member congregations and institutes, we wish to unite our voices with the whole nation in mourning the passing away of Former President Benigno S. Aquino III. Many of us, religious and consecrated persons, will treasure not only the friendship that we had with President Aquino and his family, but also our mutual esteem for one another, borne out of our common goal of strengthening democracy and uplifting those in the fringes of Philippine society.” Ang bahagi ng pahayag ng AMRSP.

Paliwanag ng AMRSP, hindi matatawaran ang pagbibigay halaga ng dating Pangulong PNoy sa kontribusyon at mahalagang papel na ginagampanan ng mga consecrated men and women sa pagpapanatili ng demokrasya sa bansa.

Inalala rin ng AMRSP ang pakikipag-ugnayan at pakikipagtulungan ng administrasyong Aquino sa assosasyon at sa iba’t ibang kongregasyon kaugnay sa iba’t ibang mga usaping panlipunan na dapat matutukan sa bansa.

“President Aquino often acknowledged the important contributions of consecrated men and women in keeping the flame of democracy alive, especially during the Martial Law period. On our part, we remember with appreciation the opportunities for dialogue and collaboration that we, as an Association, and as individual congregations and consecrated persons, had with him and his administration on many key social issues.” Dagdag pa ng AMRSP.

Tiniyak naman ng AMRSP, ang patuloy na pananalangin hindi lamang para sa ikapapayapa ng kaluluwa ni dating Pangulong Noynoy Aquino kundi maging para sa katatagan ng loob ng kanyang mga naiwang mahal sa buhay.

Ayon sa pamilya Aquino, pumanaw ang dating pangulo ganap na alas-sais y medya ng umaga ng Huwebes ika-24 ng Hunyo, 2021 dahil sa renal disease secondary to diabetes.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Isa pang state of emergency

 54,922 total views

 54,922 total views Mga Kapanalig, nagdeklara na si Pangulong Bongbong Marcos ng state of national energy emergency sa gitna ng krisis sa langis matapos ang ilang

Read More »

Krisis sa bukid at laot

 54,922 total views

 54,922 total views Mga Kapanalig, sa gitna ng pagdaigdigang krisis sa langis, hindi sumasabay ang lawak ng tulong mula sa gobyerno sa laki ng pangangailangan ng

Read More »

Ano tayo pagkatapos ng krisis?

 54,922 total views

 54,922 total views Mga Kapanalig, “kinamatayan na lang ang ayuda.” Ganito inumpisahan ang balita tungkol kay Tatay Jimmy na tatlong dekada nang namamasada ng tricycle sa

Read More »

Ang kalikasan ay may karapatan

 53,256 total views

 53,256 total views Mga Kapanalig, paano kung ang pagkalbo ng kagubatan, pagbuga ng polusyon, at pagsira sa dagat ay hindi na lang simpleng paglabag sa batas

Read More »

Patibong ng kasamaan

 48,647 total views

 48,647 total views Mga Kapanalig, hindi laging lantad ang kasamaan. Minsan nag-aanyo itong mabuti, maamo, at inosente. Ayon sa 2 Corinto 11:14, “…si Satanas man ay

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top