Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

LENTE at COMELEC, lumagda sa MOA

SHARE THE TRUTH

 10,358 total views

Opisyal na lumagda ng kasunduan ang Legal Network for Truthful Election (LENTE) at Commission on Elections (COMELEC) bilang bahagi ng patuloy na paghahanda para sa nalalapit na Midterm Elections sa Mayo.

Pinangunahan ni LENTE Senior Program Director for the Abuse of State Resources Project Atty. Ryan Jay Roset ang paglagda sa Memorandum of Agreement para sa pinaigting na pagtutulungan sa pagbabantay at pagtiyak ng kaayusan at katapatan sa papalapit na halalan.
Ang nasabing kasunduan ng COMELEC sa pagitan ng iba’t ibang mga election watchdog ay alinsunod na rin sa COMELEC Resolution No. 11104 na nagbabalangkas ng mga alituntunin para maiwasan ang Abuse of State Resources (ASR).

Naganap ang paglagda sa nasabing kasunduan noong February 7, 2025 kung saan muli ring inilunsad ang Committee on Kontra Bigay sa tanggapan ng COMELEC sa Intramuros, Manila.
Kaugnay nito bahagi ng nilagdaang kasunduan ang pakikipagtulungan ng LENTE sa Committee on Kontra Bigay na mangangasiwa sa pagpapaigting sa kampanya ng COMELEC laban sa talamak na vote buying at vote selling tuwing panahon ng halalan sa bansa.

“This partnership builds upon COMELEC Resolution No. 11104, approved by the en banc last January 28, 2025, which outlines guidelines to prevent the Abuse of State Resources (ASR). Moving forward, LENTE will work closely with the COMELEC Kontra Bigay Committee and government stakeholders to develop more strategic and responsive monitoring mechanisms to curb vote-buying and the abuse of state sources.” Bahagi ng pahayag ng LENTE.

Ayon sa pagsusuri ng LENTE ang Abuse of State Resources (ASR) ay ang tahasang paggamit ng mga kandidato sa mga koneksyon at ari-arian na pagmamay-ari ng estado tuwing panahon ng halalan na maituturing din na isang uri ng kurapsyon o katiwalian.

Kaugnay nito tiniyak ng LENTE ang pakikipagtulungan sa COMELEC at sa iba’t ibang mga ahensya ng pamahalaan upang maisulong ang pagkakaroon ng ligtas, marangal at matapat na halalan sa bansa.

Bukod sa Midterm Elections na nakatakda sa May 12, 2025 ay babantayan rin ng LENTE ang nakatakdang 1st BARMM Parliamentary Elections.

Bukod sa LENTE, lumagda rin sa nasabing kasunduan sa pagitan ng COMELEC ang National Citizens’ Movement for Free Elections (NAMFREL) at Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) na pangunahing tagapagbantay ng Simbahan sa halalan sa bansa.

ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Labanan ang structures of sin

 17,931 total views

 17,931 total views Mga Kapanalig, “bakit ako susuko?”  Ito ang pinakahuling pahayag ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa kaugnay ng posibleng pag-aresto sa kanya ng International

Read More »

Huwag palawakin ang agwat

 28,909 total views

 28,909 total views Mga Kapanalig, gaya ng inaasahan, maraming tagasuporta ni dating Pangulong Duterte ang nagtipun-tipon sa kani-kanilang lugar para kundenahin ang pag-aresto at pagdadala sa

Read More »

Sementeryo ng mga buháy

 62,360 total views

 62,360 total views Mga Kapanalig, nasa kustodiya na ngayon ng International Criminal Court (o ICC) si dating Pangulong Duterte. Ilang araw lang pagkatapos siyang ilipad patungo

Read More »

Walang education crisis?

 82,682 total views

 82,682 total views Mga Kapanalig, itinanggi ng Palasyo ng Malacañang na may education crisis sa ating bansa. May isang contestant kasi sa isang noontime show na

Read More »

Hindi sagot ang pag-unfriend

 94,101 total views

 94,101 total views Mga Kapanalig, kumusta ang inyong mga social media feed nitong nakaraang linggo? Punô ba ito ng mga balita, opinyon, o kaya naman ay

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Cultural
Reyn Letran - Ibañez

FABC, magtatatag ng Commission for Synodality

 8,530 total views

 8,530 total views Nagkasundo ang Federation of Asian Bishops’ Conferences (FABC) para sa pagtatatag ng isang bagong Commission for Synodality. Pangungunahan ni Filipino Cardinal, Kalookan Bishop

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

“Ang lahat ay tinatawag sa kabanalan.”

 9,155 total views

 9,155 total views Ito ang bahagi ng pagninilay ni Taytay Palawan Bishop Broderick Pabillo sa maagang pagsasagawa ng Apostolic Vicariate of Taytay, Northern Palawan ng Chrism

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top