Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Mananampalataya, hinimok na ituloy ang programa ng yumaong cyber missionary Priest

SHARE THE TRUTH

 10,897 total views

Umaasa si Novaliches Bishop Roberto Gaa na maipagpatuloy ng mananampalataya ang mga nasimulang programa at proyekto ni yumaong cyber missionary Fr. Luciano Ariel Felloni.

Inihayag ng obispo na ang pagpanaw ni Fr. Felloni ay hindi nangangahulugan ng paghinto at pagkawala ng kanyang mga gawaing pagmimisyon sa kristiyanong pamayanan.

Apela ni Bishop Gaa sa mamamayan na paigtingin at palawigin pa ang mga nasimulang gawain upang higit maramdaman ang diwa ng paglilingkod ng cyber missionary priest sa mga Pilipino.

“Fr. Luciano engages people in a very spirited manner…Nawa ang kanyang inumpisahan ay ating ipagpatuloy maybe in a different manner pero sana with that same passion, with the same intimacy, with the same spirited engagement na tinanggap natin mula kay Fr Luciano, he is passing on that legacy on us, huwag sanang huminto sa kanya itong ganitong klaseng pagmamahal at paglilingkod,” bahagi ng pagninilay ni Bishop Gaa.

Unang bahagi ng taong 2000 nang unang maglingkod si Fr. Felloni sa Novaliches na noo’y bahagi ng Archdiocese of Manila partikular sa Mother of Divine Providence hanggang 2007 gayundin sa Holy Trinity Parish habang taong 2008 nang tanggapin at mapabilang ang pari sa Diocese of Novaliches mula sa kongregasyon ng Sons of Divine Providence kung saan ito inordinahang pari.

Ilan sa mga ginampanan nito sa diyosesis ang pagiging Kura Paroko ng Our Lady of Lourdes Parish, Kristong Hari Parish at sa Jesus Lord of the Divine Mercy Parish kung saan ito ang pinakahuling parokya na ipinapastol hanggang pumanaw noong February 2, 2025.

Bukod sa mga parokya pinangasiwaan din nito ang ilang tanggapan ng diyosesis tulad ng Caritas Novaliches, Social Action Commission, Social Service Development Ministry, at hanggang sa kanyang pagpanaw ang Social Communications and Media gayundin ang pagiging media director ng Safeguarding Office ng Novaliches.

Umaasa si Bishop Gaa na gawing huwaran lalo na ng mga kabataan ang mga mabubuting gawain ni Fr. Felloni lalo na ang pagiging misyonero gamit ang iba’t ibang media platforms upang higit na maipakilala si Hesus sa pamayanan.

“Nawa’y magsilbing inspirasyon si Fr. Luciano lalo na tayong nakaranas ng kanyang presensya, tayo na nabiyayaan ng kanyang pagmamahal para sa Diyos at sa simbahan. Hopefully we see new missionaries, missionaries of the gospel, missionaries of the social action, missionaries who would like to make Christ present or presence more intimate for us,” giit ni Bishop Gaa.

Naging tanyag si Fr. Felloni nang bumisita si Pope Francis sa Pilipinas noong 2015 dahil personal nitong kakilala ang santo papa na arsobispo noon sa Argentina, ang lugar kung saan ipinanganak ang cyber missionary priest.

Higit itong nakilala lalo na sa social media nang inilunsad ang Almusalita vlog na naglalaman ng mga pagninilay sa ebanghelyo.

Taong 2017 nang maging bahagi si Fr. Felloni sa Radio Veritas 846 bilang anchor priest sa Friday edition kasama si Angelique Lazo.

Katuwang ni Bishop Gaa sa funeral mass na ginanap sa San Bartolome de Novaliches Parish sina Bishop Emeriti Antonio Tobias at Teodoro Bacani Jr. kasama ang mga pari ng Diocese of Novaliches habang inihimlay ang labi sa clergy plot sa Manila Memorial Park Holy Cross.

ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Labanan ang structures of sin

 18,213 total views

 18,213 total views Mga Kapanalig, “bakit ako susuko?”  Ito ang pinakahuling pahayag ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa kaugnay ng posibleng pag-aresto sa kanya ng International

Read More »

Huwag palawakin ang agwat

 29,191 total views

 29,191 total views Mga Kapanalig, gaya ng inaasahan, maraming tagasuporta ni dating Pangulong Duterte ang nagtipun-tipon sa kani-kanilang lugar para kundenahin ang pag-aresto at pagdadala sa

Read More »

Sementeryo ng mga buháy

 62,642 total views

 62,642 total views Mga Kapanalig, nasa kustodiya na ngayon ng International Criminal Court (o ICC) si dating Pangulong Duterte. Ilang araw lang pagkatapos siyang ilipad patungo

Read More »

Walang education crisis?

 82,955 total views

 82,955 total views Mga Kapanalig, itinanggi ng Palasyo ng Malacañang na may education crisis sa ating bansa. May isang contestant kasi sa isang noontime show na

Read More »

Hindi sagot ang pag-unfriend

 94,374 total views

 94,374 total views Mga Kapanalig, kumusta ang inyong mga social media feed nitong nakaraang linggo? Punô ba ito ng mga balita, opinyon, o kaya naman ay

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blogs

Scroll to Top