Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Let us walk by the Spirit, mensahe ni Archbishop Bendico sa paggunita ng Pentecost Sunday

SHARE THE TRUTH

 4,074 total views

Inihayag ng opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines Episcopal Commission on Liturgy na nanahan sa bawat isa ang Banal na Espiritu upang gabayan sa paglalakbay sa buhay.

Ayon kay Capiz Archbishop Victor Bendico, chairman ng komisyon, ipinaalala sa mananampalataya sa Linggo ng Pentekostes ang kahalagahan ng Espiritu Santo bilang simbahang nagbubuklod sa paglalakbay.

“In our synodal journey, let us not forget that the Holy Spirit is with us. As a guide, he will show us the way and the truth,” pahayag ni Archbishop Bendico sa panayam ng Radio Veritas.

Sinabi ng arsobispo na may mga pagkakataong ipinakikita ng Banal na Espiritu ang kahinaan ng tao na lubhang nakakaapekto sa simbahan subalit ito ay paraan upang tuklasin ang mga hakbang na mapabuti ang simbahang nangangalaga sa pangangailangan ng kawan.

“With the light of the Holy Spirit, we shall see the ways we have deprive ourselves with true joy, the ways we have been selective in offering our peace, and the ways we have restrained the capacity of our hearts to love,” giit ng arsobispo.

Sa ika – 50 araw ng Muling Pagkabuhay ni Hesus at matapos ang kanyang pag-akyat sa langit ay bumaba ang Espiritu Santo sa mga apostol kasama ang Mahal na Birheng Maria.

Ito rin ang tinaguriang kaarawan ng simbahang katolika kung saan sa inspirasyon ng Espiritu Santo ay nangaral si San Pedro ang kauna-unahang Santo Papa sa mga Hudyo at non-believers na nagbunga ng pagbinyag sa humigit kumulang 3, 000 katao.

“Let us walk by the Spirit. Let us trust Him as we pray, “Send forth your Spirit, O Lord, and renew the face of the earth (Psalm: 104),” giit ni Archbishop Bendico.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Prayer Power

 44,591 total views

 44,591 total views Kapanalig, ang panalangin ay direkta nating koneksyon sa Panginoon. Madalas nating iniisip na ang pagdarasal ay pakikipag-usap lamang sa Dios. Ngunit mas malalim

Read More »

Hindi sapat ang siyensya lamang

 82,072 total views

 82,072 total views Mga Kapanalig, para maiwasan na ang mga palpak na flood control projects, bumuo si DPWH Secretary Vince Dizon ng isang technical working group

Read More »

Wakasan ang OSAEC at CSAEM!

 114,067 total views

 114,067 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Nobyembre ay National Children’s Month. Sa pangunguna ng Council for the Welfare of Children, ang pagdiriwang ng buwan

Read More »

Public service is a public trust

 158,794 total views

 158,794 total views Mga Kapanalig, inilabas na ng lahat ng 24 na senador ang kanilang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (o SALN). Ang SALN

Read More »

Moro-Moro Lamang

 181,740 total views

 181,740 total views Kapanalig, ganito maihalintulad ang naganap at nagaganap na imbestigasyon ng Mababang Kapulungan ng Kongreso, Senado, Independent Commission on Infrastructure at maging ng Office

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Latest News
Reyn Letran - Ibañez

SAC network, naka red alert sa bagyong Uwan

 8,838 total views

 8,838 total views Tiniyak ng humanitarian, development and advocacy arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na Caritas Philippines ang pag-antabay at mahigpit na nakikipag-ugnayan

Read More »
Latest News
Jerry Maya Figarola

Laban kontra OSAEC, paiigtingin ng PIMAHT at IJM

 19,344 total views

 19,344 total views Paiigtingin ng Philippine Interfaith Movement Against Human Trafficking (PIMAHT) at International Justice Mission (IJM) ang paglaban sa Online Online Sexual Abuse o Exploitation

Read More »

RELATED ARTICLES

Scroll to Top