2,575 total views
Palalawigin ng Pilipinas ang water management programs sa tulong ng South Korea.
Ito matapos lagdaan ni National Economic Development Authority (NEDA) Secretary Arsenio Balisacan at Korea International Cooperation Agency (KOICA) – Philippines Country Director Kim Eunsub ang kasunduan na maglulunsad ng Integrated Water Resources Management (IWRM) projects sa bansa.
Layunin ng kasunduan na mapabuti ang kalagayan ng mga water facilities na nagsusuplay ng malinis na tubig sa mga mamamayan sa ibat-ibang bahagi ng bansa.
Isusulong din ng kasunduan ang pagpapabuti sa lagay ng sanitation at flood control upang higit na maserbisyuhan ang mga konsyumer.
““We must address these shortcomings by embracing effective water governance through integrated water resources management. By harmonizing the planning and management of land, water, and coastal resources, we can overcome these obstacles and create a brighter future for all,” ayon sa pahayag ni Balisacan.
Nagkakahalaga naman ang kasunduan ng 2.5-million US Dollars na inaasahang makakamit sa 2024 upang masuplayan ng malinis na tubig ang mamamayan sa mga liblib na lugar sa bansa.
““KOICA recognizes the need to enhance the capability of the Philippine government in dealing with challenges and threats in the water sector. Our project was designed to help water agencies implement IWRM reforms and address issues on increasing water demand, insufficient water infrastructure, and rising climate change threats,” ayon naman sa mensahe ni Eunsub.
Naunang hinamon ni San Jose Nueva Ecija Bishop Roberto Mallari ang pamahalaan na pangunahan ang mga inisyatibong titiyak na hindi lubhang mararanasan ng mamamayan lalu ng mga magsasaka ang epekto ng El Niño.
Sa paggunita naman ng World Water Day, nanawagan ang kanyang Kabanalang Francisco na iwaksi ang kaugalian ng pag-aaksaya upang makatipid at mapangalagaan ang ibat-ibang lugar na pinagkukuhaan ng tubig sa buong mundo.