Mamamayan, binalaan ng Caritas sa mga scammer

SHARE THE TRUTH

 12,507 total views

Nagbabala ang Caritas Manila sa mga mapagsamantalang indibidwal at grupo na ginagamit ang pangalan ng social arm ng Archdiocese of Manila at iba pang personalidad upang makapangloko at makahingi ng pera sa mamamayan.

Ito ay matapos matanggap ng Caritas Manila ang sumbong hinggil sa paggamit ng isang Viber messaging application user sa pangalan ng artistang si Max Collins upang makapanghingi ng pera gamit ang mga materyal o larawan ng social arm.

Pinayuhan ng Caritas Manila na huwag maniniwala sa Viber User na maaring ginagamit ang iba pang social media platforms.

Inihayag ng Caritas Manila na ang nasabing scammer ay ginagamit ang pangalang ‘Ernst Luke’ sa viber sa mga numero bilang (09564808811).

“🗣️ It has come to our attention that someone is using the name of Kapuso actress, Ms. Max Collins, to scam people using our material for our current donation drive. Please beware of this person named Ernst Luke with Viber number: 09564808811,We advise the public to visit our official social media accounts and donate directly to Caritas Manila,” ayon sa mensahe ng Caritas Manila sa kanilang Official Facebook Page.

Paalala ng Caritas Manila na tanging ang pakikipag-ugnayan sa tanggapan tamang paraan upang makapagpadala ng donasyon na gagamitin bilang pondo sa mga programang nagpapakain, nagpapaaral, nagbibigay ng kabuhayan sa mga pinakamahihirap.

Kasabay ito ng paalala na tanging paniwalaan ang mga impormasyon hinggil sa pagpapadala ng donasyon na nagmumula sa Radio Veritas Caritas in Action Program, Caritas Manila Official Facebook Page sa @OfficialCaritasManila at iba pang social media platforms sa Instagram: @officialcaritasmanila, TikTok: @caritasmanila at YouTube: @CaritasManilaOfficial.

Sa datos ng Statista, umabot sa 14-libo ang bilang ng mga online scams ang natanggap ng ibat-ibang ahensya o kagawaran ng Pilipinas noong 2023

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BSKE 2025

 82,644 total views

 82,644 total views Mga Kapanalig, katatapos lang ng midterm national and local elections pero may pang isang halalan sa taóng ito. Isasagawa sa Disyembre ang Barangay

Read More »

Anong pinagtataguan mo?

 93,648 total views

 93,648 total views Mga Kapanalig, gaano kalayo ang kayang takbuhin ng isang tao para makaiwas sa pananagutan? Sa kaso ng dating tagapagsalita ni dating Pangulong Duterte

Read More »

To serve and protect

 101,453 total views

 101,453 total views Mga Kapanalig, para sa Catholic social teaching na Gaudium et Spes, ang mga awtoridad ay obligadong ipatupad ang batas alinsunod sa kung ano

Read More »

TOO MUCH GENERAL EDUCATION

 114,600 total views

 114,600 total views Quality education, kailan kaya natin ito makakamit Kapanalig? Taon-taon, nahaharap sa maraming problema ang sektor ng edukasyon sa bansa., kabilang dito ang hindi

Read More »

AUGUST CHAMBER

 125,925 total views

 125,925 total views The Filipino people have the right to know the truth! Noong 1916, itinatag ang tinaguriang AUGUST chamber o Senate of the Philippines. Nagsilbi

Read More »

Related Story

Latest Blogs

Scroll to Top