11,576 total views
Ikinadismaya ng Ibon Foundation ang maling pag-uulat ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kaniyang ikatlong State of the Nation Address sa tunay bilang ng mga mahihirap.
Nanindigan si Sonny Africa – Executive Director ng Ibon Foundation na hindi totoo ang lubhang pagbaba ng bilang ng mga mahihirap lalu higit na nararanasan ang mabilis na pagtaas ng inflation rate.
“There is much to be done to develop the Philippines. Among the first steps is being more honest about the real extent of poverty and underdevelopment. There are no single perfect indicators and many relevant metrics have to be looked at to form as accurate and complete a picture as possible. It is also important to ensure that each indicator is as realistic as possible,” pahayag ni Africa sa Radio Veritas.
Iginiit ni Africa na ang datos ng Philippine Statistics Authority sa pagbaba ng 15.5% ng poverty rate noong 2023 kumpara sa 18.1% noong 2021 ay magkaiba sa datos na ipinapakita ng Social Weathers Station at Bangko Sentral ng Pilipinas.
Sa datos ng SWS, naitala sa 46% ang poverty rate noong 2021 na tumaas ng 48% noong 2023 habang naitala ng BSP sa 65% ang poverty rate noong 2018 na tumaas hanggang 69% noong 2023.
Inihayag ni Africa na dapat binusisi ng Pangulong Marcos ang data bago ito ihayag sa mamamayang Pilipino.
“To be clear, these data do not contradict the official poverty reported by the PSA because they measure different things. The PSA’s 2023 FIES results report that the income of 2.5 million among the very poorest increased by enough to bring them over the official poverty threshold and to no longer be reported as poor. The SWS and BSP results, on the other hand, paint a broader picture of much more widespread poverty according to self-rating and household savings metrics,” ayon pa sa mensaheng ipinadala ni Africa sa Radio Veritas.
Kaugnay nito, nanawagan si Africa sa pamahalaan na ipatupad ang “family living wage” na 1,200-pesos kada araw upang matugunan ang tumataas na poverty rate sa bansa.
Sinabi ni Africa na ang 35-pesos na dagdag sa minimum wage ng mga manggagawa sa Metro Manila ay kakarampot lamang.
Kaugnay nito, nakasaad sa Laborem Exercens na ensiklikal ni Saint John Paul II ang kahalagahan ng wastong pagbabayad ng mga employer sa kanilang manggagawa na katumbas ng kanilang pinaghirapan.